Au Revoir Bahay Nakpil-Bautista

Sabi nga ng isang matandang kasabihan "Sa bawat pagkakatapos ay may isang maganda at mayabong na simula", marahil totoo ito para sa isang kabanatang pagtatapos sa akin buhay sapagkat noong 13 ng gabi April 2014 ay tuluyang ng magtatapos ang pagiging isang aktibong volunteer sa isang maganda, glamoroso at mapanghalinang bahay sa isang magulo ngunit kaakit-akit na lugar na Quiapo, Maynila.

Sinu nga ba ang mag-aakala na ang bahay na dati ay dinaanan at naging isa sa mga naging highlight sa aking munting Powerhouse Journey ay magiging ikalawang tahanan ko pala sa loob ng mahigit-kumulang na dalawang taon.

Isa siguro sa mga dahilan kung bakit bigla na lamang akong naging volunteer sa bahay na ito marahil ay dahil sa aking pagkahilig sa kasaysayan at ang kahalagahan ng mga lumang bahay noong panahon ng pananakop ng mga Kastila hanggang sa Hapon. Ika nga ng kasabihan "kung di ka marunong tumingin sa iyong pinanggalingan ay di ka makakarating sa paroroonan", isang kasabihan na naging malaking epekto sa akin simula noong bata pa lamang ako.

Ang Kwento sa pagpasok ng Balay.

Sabi nga karamihan sa isang lumang balay (bahay) mo makikita kung gaano nga ba ka pamoso at kagara ang pamumuhay ng ating mga elitista noon at dito mo rin makikita kung paano mahalagaan nito ang kanyang balay.

Sa aking pagpasok sa balay na ito ramdam mo kaagad ko paano ito napahalagaan kahit mahigit isang daang taon na ang nakakalipas ay mukha pa rin itong bago sa aking patingin, di lamang yun makikita mo pa rin sa balay ang mga detalye nito. Nakakatuwang isipin na sa bawat pagpanik ko ay laging bumabati sa akin si senyor na anino'y isa akong kagalang galang na bisita, sa aking pagpasok sa kanilang glamorosong hapag-kainin anino'y nag-aanyaya rin sila na saluhan mo. Sa bawat pagpasok mo sa mahiwang silid na nagbibigay sayo ng kakaibang presensya, presensya na nagsasabing salamat sa laging magdalaw at pag-respeto sa bawat paligid ng balay.

Ang pagdungaw sa napakalaking bintana at pagmasdan ang mga taong nagdaan, naglalarong mga bata at ang maingay na sasakyan na nagsisilbing musika sa aking pandinig habang nakaupo sa isang magarang upuan na pinatibay at pinatatag ng panahon.

Ang bawat tawanan, kwentuhan at higit sa lahat bawat argumento sa isang silid kung saan nagsimula ang lahat. Ang isang kaibigan at maituturi ko na ring pangalawang ina si Dr. Tess Obusan (custodian-curator ng balay). Salamat Tita Tess sa masarap na kwentuhan,biruan,kainan at higit sa lahat ang mga magagandang pangaral na aking magagamit sa tamang panahon at pagkakataon. Sa iyong paglisan sa itinuring mo na ring isang balay sa kamaynilaan masasabi kong naalagaan at nabigyan mo ng halaga ang balay, di lamang yun ang mga bawat tao na nais makita at malaman ang kasaysayan na nakapaloob mismo sa balay na ito.

Sa samahan na nabuo dahil isang adikhain at pagpapahalaga sa balay,kasaysayan at iba pa ang "Kapitbahayan sa Kalye Bautista" maraming salamat sa samahan, dahil sa inyo mas lalo kung nabigyan ng kahalagaan ang kasaysayan di lamang sa balay na ating itinuring pangalawang tahanan kungdi as a whole. Ika nga nila kung magbibigay ka ng pagpapahalaga ibuhos mo na ang isang daang porsyento mo.

Marahil dito na magtatapos ang aking magiging isang bibo at aktibong volunteer ng inyong balay. Maraming salamat sa naging residente ng balay na ito na walang iba kungdi sina Gregoria De Jesus (ang lakambini ng Katipunan), General Julio Nakpil, Doktor Ariston Bautista, Donya Petrona Nakpil, National Artist Arch. Juan Nakpil di ko man kayo nakasalamuha ng personal pero maraming salamat sa pagpapatuloy ninyo sa amin at higit sa lahat maraming salamat sa pagbibigay ng malaking ambag sa kasaysayan, sa lipunan,sa Pilipino at sa Pilipinas kong mahal.

"Sa bawat pagkakatapos ay isang may maganda at mayabong na simula".

Pero kagaya ng nasabi ko sa aking unang panulat "Sa bawat pagkakatapos ay may isang maganda at mayabong na simula", kasabay ng paglisan ng nag-iisang tigapamahala ng balay at siya na rin ang aking paglisan at bigyan naman ng pansin ang magiging bagong balay (na kalapit lamang ng BNB) ang Mansion de Boix, kasama ng aking mga kasamahan sa Kapitbahayan sa Kalye Bautista o mas kilala bilang KKBinc na mas kailangan ng higit na kalinga at pag-aaruga dahil sa ilang taong pagpapabaya ng mga naging tagamahalaga nito, ika nga "It's our time to bring back your original glory and release the best on you".

So paano Au Revoir Bahay Nakpil-Bautista!

Comments

  1. Mabuhay sa iyong pagsisikap at taos sa pusong pagtulong sa muling pagbuhay sa naturang makasaysayang balay.

    ReplyDelete
  2. Wala na akong masasabi pa. Sana marami pang mga taong tulad mo na may angas na magsabing alagaan naman natin ang mga natitirang lugar na nagsisilbing "alaala ng ating kultura sa mga nakalipas na henerasyon."

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts