Pinoy Music Summit 2014 | My POV
Sabi ng karamihan ang OPM ay baduy, OPM ay out na, OPM ay patay na. Ilang isang tagasuporta ng OPM masasabi kung maaring tama at mali sila sa kanilang mga sinasabi sapagkat may mga bagay lamang talaga na hindi pudeng maalis sa ating sistema hindi ba? Sinu ba ang hindi nakakakilala sa bandang Apo Hiking Society? EraserHeads o maging ang bandang Parokya ni Edgar malamang narinig ninyo na din ang ilan sa kanilang mga kanta, ang ilan pa nga sa kanila ang naging cover song pa ng ilang sa mga teleserye o ng isang pelikula o naging lovesong ng pagkasintahan, marahil kaya nila sinasabi na baduy,out o patay na ang OPM dahil may pinapahalagahan nila ang mga kantang mga banyaga katulad na lamang ng mga Kpop,Hollywood at iba pa, hindi naman masamang makinig sa kanila sapagkat maganda naman talaga ang kanilang mga kanta marahil dahil ang bawat gawa nila ay may kalidad at may malakas na suporta mula sa kanilang pinanggaling bansa hindi ba?
Kung titignan mo mabuti noong panahong late 80's hanggang 90's yan ang golden era ng OPM sapagkat diyan nakapagtala sila ng maraming sales at di lamang yun dahil mula sa radyo hanggang musik telebisyon ay OPM ang laman, di ba ang sarap nun todo suporta ang karamihan ngunit anung nangyari? Sabi ng iba marahil dahil dala ng mas pinaliit na mundo galing sa teknolohiya andyan na kung saan nagkaroon ng iba't-ibang mga downloading na libre o illegal, mga piracy mula sa bangketa, masakit man aminin pero sobrang laking factor yun di lamang sa mga artist kundi sa mga producers, arrangers at mga gumagawa ng awit sapagkat malaking halaga ang nawawala sa kanila kung tutuusin kakaunti na nga lang ang masasabi nating totoong mga mang-aawit hindi ba? Sapagkat kung mapapansin mo ngaun mas pinapahalagaan na ng ilang mga record labels o mga producers ang mga sikat na artista na bigla na lamang magiging isang record artist na di naman gaano kagaling, oo marunong silang kumanta pero kung titignan mo naman ang kalidad ng kanilang pagkanta wala pa atang sampung porsento nila ang galing nila sa mga tunay na mang-aawit at may alam talaga sa bagay na ito.
Naisip ko din habang nakikinig ako sa Pinoy Music Summit bakit nga ba di bigyan ng malaking pansin ng gobyerno ang ating musika kung tutuusin isa tayo sa bansang magaling at masasabing mahusay talaga sa larangan na ito, kita naman ito sapagkat ilan sa mga sikat na mang-aawit sa ibang bansa ay may dugong Pinoy at ay iba pa nga rito ay mahusay pang gumawa o lumikha ng kanta hindi ba?
Bakit nga ba hindi bigyan ng maliit na tax ang mga OPM artist at bigyan ng malaking tax naman ang mga internal artist na kung saan mas binibigyan pa ng pansin ng mga Pinoy ang mga ito kumpara sa mga OPM artist hindi ba? Kung tutuusin naman mas madami pang kayang ibigay ang mga ito kumpara sa mga international singer/artist.
Ilan sa mga napag-usapan ay bakit hindi nga ba gawin isang curriculum sa paaralan ang OPM?
Sapagkat kung tutuusin malaking factor din ito sa mga kabataan ngaun lalo't pa ngaun na iilan na lamang sa kanila ang nakakaalam ng OPM. Sabi nga nila maaga pa lang dapat ng mahasa ang mga ito sa kahalagaan ng OPM kung sa ibang bansa nga ay may Music Academy kung saan hinahasa at binibigyan ng kahalagaan ang kanilang musika mula sa kasaysayan nito patungo sa kung paano ito kakantahin ng tama na mula sa puso.
Narito ang ilan sa mga larawan na naganap sa Pinoy Music Summit 2014
President Aquino opening remarks |
Senator Bam Aquino talks about the impact of the music industry on our economy |
Ogie Alcasid talks about the performers equity program in the Philippines |
Open Forum about OPM industry in the Philippines |
Narito naman ang mga dumalo na convenors para sa Pinoy Music Summit.
- FILIPINO SOCIETY OF COMPOSERS, AUTHORS AND PUBLISHERS INC., OR FILSCAP
- Philippine Association of the Record Industry, Inc. (PARI, Inc.)
- The Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM)
- MCAP
- Asosasyon Ng Musikong Pilipino Foundation, Inc. (AMP)
- Sound Recording Rights Society, Inc. (Sounds Right)
- Philpop MusicFest Foundation Inc.
Nagpapasalamat ako kay Toots Tolentino sa imbitasyon na pumunta sa Pinoy Music Summit 2014, sapagkat ang dami ko natutunan di lamang dahil tiga suporta ako ng OPM kundi nalaman ko ang tunay na kahalagahan ng OPM sa sarili at sa ating bansa.
You like to see more photos of Pinoy Music Summit 2014
Comments
Post a Comment