Nick Joaquin's Mga Ama, Mga Anak | Review

Nick Joaquin's Mga Ama, Mga Anak ang season ender ng Tanghalang Pilipino sa taong 2013, unang pumasok sa aking isipan tungkol sa titulong Nick Joaquin's Mga Ama, Mga Anak ay sigurado akong isa itong maganda at kakapulutan ng aral lalo't pa mismong si Direk Joel Lamangan ang magiging direktor nito at di lamang yun pampamilya ang tema kaya naman natuwa ako sa kanilang season ender.

Anu nga ba ang kwento ng Nick Joaquin's Mga Ama, Mga Anak?

Nick Joaquin's Mga Ama, Mga Anak ay kwento at hango sa maikling kwento na "Three Generation" ni Joaquin na isinalin at isinulat ni Jose Lacaba at National Artist for literature na si Virgilio Almarion. Ang kwento ito ang naglalaro sa komplikadong tatlong henerasyon partikular sa pamilyang Freudian kung saan kinikilala ang pamilyang bayan dahil sa yaman at kapangyarihan nito.

Stage Design:
Isa sa mga inaabangan ko Nick Joaquin's Mga Ama, Mga Anak ay ang kanilang stage set kung saan napaisip ako bigla kung bakit nga ba masyadong mataas ang stage kumpara sa iba, yun pala ay dahil naisip ng stage design director ang isang lumang bahay kung saan sa ibaba nito ay ang silong, mahusay ay kanyang naisip kaya naman binigyan ko ng isang magandang puntos ang stage presence ng Nick Joaquin's Mga Ama, Mga Anak.

Cast:
Masasabi kong bigatin ang mga cast ng Nick Joaquin's Mga Ama, Mga Anak mula sa mga beteranong mga aktor at aktress katulad nila Robert Arevalo bilang Zacarias Monzon, Fernando ‘Nanding’ Josef bilang Celo Monzon, (panganay na anak ni Zacarias), Celeste Legaspi bilang Sofia, Madeleine N. Nicolas bilang Nena, Peewee O’Hara bilang Mrs. Paulo, Cris Villonco bilang Bessie at Marco Viana bilang Chitong.

Kaunting Komento:
Sabi nga nila iba na ang atake ang galing ng isang beterano aktor at masasabi kung totoo nga iyon sapagkat sa unang pagkakataon ay nakita at nasaksihan ko ang galing ni Robert Arevalo bilang Zacarias Monzon, kung saan masasabi kong nahasa na siya sa kanyang galing ngunit subalit may mga linya di ko malaman kung kasama iyon sapagkat medyo naguluhan ako ng kaunti pero noong pumasok na sa eksena si Cris Villonco bilang Bessie masasabi ko napawow ako sa akting skills ni Cris huli ko siyang napanood ay nood nasa sound of music pa siya halatang nahasa na siya sa galing sa teatro kahit na sabihin nating mas nasanay siya sa wikang ingles, hindi naman naging hadlang iyon.

May ilan sa mga cast na medyo nagkaroon ng kaunting problem sa mga linya, mabuti na lamang at mabilis ang kanilang salita at kahit paano ay nakabawi sila dito.

Bibigyan ko din ng puntos ay isa sa mga residents actor ng Tanghalang Pilipino na si Marco, sapagkat habang tumatagal ay napapansin ko na mas nagiging bihasa na siya sa kanyang akting kung bago nahahasa na siya ng husto kumpara sa dati at di lamang yun dahil ngaun ay nakikita ko na yung ekspresyon ng kanyang mata kumpara sa dati.

Puntos din kay Celeste Legaspi (Sofia) dahil sa husay ng kanyang ipinakita lalo na ang eksena kung saan nagbabalik tanaw sila nina Zacarias Monzon, Nena at Chitong para patulugin si Senyor Zacarias.

Final Verdict:
Marahil isa sa mga pinakamagandang eksena na makikita mo dito ay ang eksena nina Celo at Chitong, kung saan inilatiko ni Celo si Chitong dahil sa nagawa nitong kasalanan, dahil sa kanyang ginawa nagbalik sa kanyang alaala noong panahon na ginawa rin ito ng kanyang ama sa kanya. Parehas na parehas ang nangyari..

Best Lines:

Wag sa mukha, Wag sa Mukha. - Celo at Chitong
Diyan sa mahabang lamesa na yan. - Senyor Zacarias

Grado:
Bibigyan ko ng 6.8 na mula sa stage design, mga cast at daloy ng istorya.

Mapapanood ang Mga Ama, Mga Anak sa Tanghalang Aurelio Tolentino, Cultural Center of he Philippines sa Febrero 28 at Marso 7, 8pm ; Marso 1 at 8, 3pm ; at Marso 2 at 9, 3pm.

Para sa iba pang impormasyon tumawag lamang sa Tanghalang Pilipino 832-1125 loc. 1620 and 1621.

Maraming salamat kay Ms, Cherry Edralin at Juan Lorenzo Marco ng Tanghalang Pilipino sa imbitasyon na ito!

Comments

Popular Posts