August : Osage County | Review

August : Osage County sa tingin ko isa sa mga the best at sobrang sayang teatro napanood ko sa panimula ng Repertory Philippines.

Dahil sa di matatawaran na galing sa pagganap ng mga bawat karakter nito.

Anu nga ba ang kwento ng August : Osage County?

Ang August : Osage County ay kwento ng isang tipikal na istorya ng pamilya kung saan nakapadaming mga naging rebelasyon mula sa kanilang ama, ina, kapatid at mga anak. Kung papanorin mo itong mabuti masasabi mong para kang nanood ng isang tipikal melodrama telenobelas na pinoy yun nga lamang ay nakasalin sa wikang Ingles.

Sabi nga ng kasama kung nanood ng August : Osage County di mo malalaman kunt tatawa ka sa mga eksenang seryoso o maiinis ka sa eksenang nakakatawa kung baga tamang-tama ito sa panahon ngaun lalo't pa may mga bagay sa ating pamilya na minsan di atin alam, sabi nga nila may maganda kung maging open kayo sa isa't-isa para malaman ninyo ang bawat saloobin ng isa't-isa.

Isa sa mga di matatawarang akting ang nag-iisang Baby Barredo bilang Violet Weston, isang mabuting ina ngunit mayroon ng isang karamdaman dahil sa kanyang edad ngunit kahit na may karamdaman siya ay pilit niyang maging malakas lalo na yung pumanaw ang kanyang asawa na si Leo Rialp bilang Beverly Weston. Isa lamang masasabi ko kay Ms. Baby Barredo wala pa rin siyang kupas sa galing sa pagganap sa entablado.

Narito ang ilan sa mga eksena sa August : Osage County










Pinky Amador bilang Barbara Fordham, ang pagbabalik ng isang prima aktress pagkatapos ng 7 taon na nawala sa entablo, masasabi kung matagumpay ay pagganap niya dahil talaga naman nadala niya ang bawat eksena kahit na yung may eksena kung saan naiinis na siya sa kanyang anak dahil sa pinaggagawa niya sa buhay at isa sa mga masasabi kung best part ay kung saan naghabulan sila ng kanyang ina na si Violet Weston (Baby Barredo) dahil sa pagpigil nito sa sobrang paggamit ng kanyang gamot.

Syempre wag din nating palagpasin ang eksena nia Liesl Batucan bilang Karen Weston, Tami bilang Ivy Weston, Kenneth Moraleda bilang Bill Fordham, Shiela Francisco bilang Mattie Fae Aiken, Richard Cunanan bilang Charlie Aiken, Thea Gloria bilang Jean Fordham, Angeli Bayani bilang Johnna Monevata, Arnel Carrion bilang Sheriff Deon Gilbeau, Hans Eckstein bilang Steve Heidebrecht at Noel Rayos bilang "Little" Charles Aiken.

Bibigyan ko din ng isang magandang puntos sa magandang lighting sa ganda ng tama ng ilaw sa mga tauhan nito lalo na yung eksena kung saan sina Hans Steve Heidenbrect at Jean Forham ay tumitikim ng isang gamot na alam naman nating di dapat.

At stage design panalo maganda ang blend at nagamit lahat ng parte ng bahay lalo't na ang last part, masasabi ang huling parte ng palabas ang mabigat at talaga naman mahusay ang pagkakalabas nito.

Bibigyan ko ng 7.8 na rating ang August : Osage County.

Kung tatanungin mo ako kung dapat mo ba itong panoorin? Oo sapagkat sulit na sulit ang ibabayad mo kung napanood mo ang Wicked, bakit di mo rin ito paanoorin?

Congrats kay Direk Chris Millado sa mahusay na pagdirek ng stage play na ito.

Mapapanood ang August : Osage County sa Onstage Theatre (2f Greenbelt One Mall, Makati, Philippines) matatapos ang stage run sa 16 ng Mars0 2014 Linggo.


 You like to see more photos of August : Osage County?
Like Us of Facebook

Comments

Popular Posts