Cherie Gil Plays Diana Vreeland in "Full Gallop" | Theater Review

Full Gallop ay ang ikalawang stage production ng  MyOwnMann kung saan ang nagproduce nito ay walang iba kung di ang primera klaseng aktress na si Cherie Gil at mula sa direksyon ni Mr.Bart Guingona.

Anu nga ba ang kwento ng Full Gallop?

Ang Full Gallop ang nakasentro sa buhay ni Diana Vreeland, si Diana Vreeland ay ang kilalang at sikat na American Fashion Editor ng ilang sikat na magazine katulad na lamang ng Harper's Bazaar at Vague Magazine at membro ng International Cafe Society.

Ang play ay tatalakay sa pagbabalik ni Diana Vreeland sa kanyang apartment sa Park Avenue, New York, kung saan nagbalik New York siya pagkatapos ng apat na buwan sa Europa - kung saan matanggal sa Vague Magazine at sa kanyang magkakaroon siya ng isang impromptu na dinner party kung saan umaasa siya na darating at makasama niya sa pagpundar ng kanyang sariling magazine. Ngunit iilan lamang ang nagsabi na pupunta sila at tumulong sa kanyang Metropolitan Museum of Art.

Anu nga kaya ang iba pang mangyayari? Syempre dapat panoorin ninyo para mas interesting..

Stage Design :

Pagbukas ng kurtina, WOW yan kaagad ang nasabi ko dahil isa ang pula sa mga naging paborito kung kulay at di lamang yun halatang pinag-isipan ang bawat detalye sa stage mula sa malaking kurtina nito, wallpaper,mesa,upuan maging ang paglagay ng bulaklak panalo! At isang puntos ito mula sa akin. Congrats sir Joey Mendoza sa maganda stage design!

Stage Lights and Sound :

Maganda ang tama ng ilaw dahil hindi siya nagmumukhang moderno (nakaset ang play sa taong 1971) at ang sound medyo nagkaroon lamang ng problema pero nadala naman ni Ms. Cherrie Gil.

Cast :

Cherie Gil as Diana Vreeland

Acting of the Character : 

Nag-iisa lamang siya na nagplay at bago sa akin ito sapagkat mostly sa mga play na napapanood ko ay pinakaunti na ang 4 pero dito nag-iisa lamang siya. O bago ko makalimutan monologue type ang play na ito at talaga naman mahusay at maganda ang pagdadala niya. Ilan sa mga gusto kung parte ng play na ito ang pagsayaw niya ng tango na talaga nagbigay ng buhay sa nakaraan at sa kasalukuyan, di lamang yun nagbigay din ito ng halakhak sa mga panonood.

Final Verdict :

Bibigyan ko na 8.8 na puntos ang Full Gallop na talaga na karapat-dapat dahil mula sa design ng stage panalong-panalo, sa mahusay na pagganap ni Ms. Cherie Gil bilang Diana Vreeland na napawow talaga ako, oo aaminin ko may mga pagkakataon na hindi ko gusto ang akting niya sa telebisyon at pelikula ngunit sa teatro nag-iba ang pagtingin ko sa kanyang acting skill sapagkat nakaya niyang gawin ang palabas na nag-iisa lamang siya at di lamang yun pagdating sa komendya talaga di rin siya matatawaran sa kanyang angking galing.


Narito ang naganap sa nakaraang Full Gallop Media Preview









Mapapanood ang Full Gallop sa RCBC Plaza, Ayala Avenue, Makati City at magtatakbo lamang ito ng ilan araw mula March 14,15,21 at 23 2014 (Friday, Saturday at 8PM and Sun at 4pm)

Para makabili ng ticket tumawag lamang sa 215.0788 / 09175378313 o kaya naman sa ticketworld 8919999 / ticketworld.com.ph

So paano kita-kits na lang tayo sa Full Gallop!

Pasasalamat kay Mr. Toots Tolentino sa imbitasyon para mapanood ng Full Gallop.

You like to see more photos of Full Gallop?
Like Us of Facebook
Axl Powerhouse Production Inc 

Comments

Popular Posts