Lorenzo, the musical play that capture your soul

Isa sa mga pinakamahusay na nagsagawa ng isang kwento sa loob ng kwento, ang Lorenzo, noong nakaraang Huwebes (4 ng Sep 2013) nagkaroon ng isang media preview para sa lahat ng mga imbitadong mga media at bloggers.

Ang kwentong tumatalakay sa isang kwento kung saan mismo sa loob ng isang play ay may nagaganap na play, Anu nga ba ang ibig kung ipahiwatig sa bagay na ito, simple lang naman dahil ang titulo ng play ay Lorenzo kung saan dalawang istorya ang tinatalakay dito ang buhay ng ating sina-unang santo na si Santo Lorenzo at ni Laurence na isang Overseas Filipino Worker (OFW) kung saan nagtratrabaho sa gitnang silangan ngunit dahil sa di inaasahang dahilan ay napatay niya ang kanyang amo dahil ginahasa siya ng kanyang amo.

Dahil sa ganung pangyayari nakulong siya at nawalang ng tiwala sa Panginoon at sa hindi inaasahang mga bagay ay nakumpara niya ang buhay niya sa ating unang santo ni si Lorenzo.

Sa Play na ito maraming mga bagay na magpaparealize sayo, hindi lamang ang tiwala mo sa Panginoo kundi kasama na dito ang mga iba't-ibang mga paniniwala mo.

Sa play na ito may tatlong bahagi ay ACT 1, kung saaan inilahad ni Laurence sa isang reporter na gusto niya maisabuhay at gawing play ang buhay ni Lorenzo sa pamamagitan ng isang musical-opera at ilalahad dito ang ilan sa mga detalye kung paano nga ba napunta si Lorenzo sa Japan.

Sa Act 2 naman dito idenitalye ni Laurence ang kanyang nagawang krimen sa gitnang silangan at kung paano siya ginahasa ng kanyang amo at dito rin idetalye ni Laurence ang buhay ni Lorenzo kung anu nga ba ang nagtulak kay Lorenzo para pumunta sa bansang Hapon at kung anu nga ba ang tunay na nangyari sa kanyang pagtakas.

Sa Act 3 naman dito ipinamalas ni Laurence kung paano siya nawala ng tiwala at nag tanung ng mga bagay-bagay sa Panginoo at kung bakit sa kanya nangyayari ang bagay na iyon, parang ganun din ang kwento ni Laurence sa isang reporter sa buhay ni Lorenzo kung ang pinagkaiba nga lamang dito ay kahit na lumakid siya sa Panginoon ay muli siyang bumalik at nagtiwala dito hanggang sa kanyang huling buhay.


Pagkatapos kung mapanood ang nasabing play ay namangha ako sapagkat marami nga talagang mga bagay-bagay na hindi pa natin alam tungkol sa ating unang santo na si Lorenzo at pati hanggang ngaun misteryo pa rin ang ilang parte ng kanyang buhay. Sa kwento naman ni Laurence malamang kahit paano ay nakarelate ako sa kanyang kwento sapagkat may mga kapamilya at kaibigan din ako na nagtratrabaho sa gitang silangan at alam naman natin kung gaano kahirap ang lumayo at magkaroon lamang ng magandang buhay ang kanilang pamilya.

Sa produkdyon naman isang malaking wow factor ang kanilang ginawa sa aking di lamang dahil sa ganda ng pasasagawa kundi dahil maayos na daloy at satisfaction nito lalong-lalo na ang musical talagang mararamdaman mo kung anu nga ba ang gusto maipahiwatig ng isang eksena! At higit sa lahat ang hindi inaasahang sorpesa sa gitna ng palabas, ang paglabas ng isang higanteng robot na nagsisimbolo ng bansang Hapon.

Narito ang ilan sa mga makikita ninyong eksena sa Lorenzo the opera musical play.

Si Lorenzo at ang prayle kanyang pinatay.

OJ Mariano bilang Laurence




Over-all 7 star ang ibibigay ko sa palabas na ito, masasabi kung sulit na sulit ang ibabayad mo sa panonood ng play!

At may isa pang good news dahil sa taong 2014, ang play na Lorenzo ay nasa malaking entablo na kung saan mas stage at malabroadway na approache ang kanilang ibibigay at hindi lamang yun dahil ayun sa produksyon sila'y magpupunta sa iba't-ibang lugar sa Luzon upang ito'y mapanood at makilala rin kung sino nga ba si Lorenzo.

Ang Lorenzo ang mapapanood sa Sept 5,6,7,12,13 at 14 sa ganap na 1pm at 6pm sa De La Salle-College of St. Benilde SDA Theater in Malate, Manila.

Para sa iba pang mga detalye pumunta lamang sa opisyal na webiste www.lorenzorocks.com.

So paano kita-kits tayo dito ha, dahil baka manood ulit ako!

Comments

  1. Mukhang kaaya ayang panoorin. Sayang layo ko. But thanks to you, now I know the story; )

    ReplyDelete
  2. Madamdamin ang istorya at tatalakay sa 2 interesanteng personalidad. ang tanong na dyan ay kung paano daloy ng istorya, kung paano ang pagtatagpi at paano balanseng presentasyon.

    mabuti rin at nabigyan ng chance to showcase yung talent nila OJ at nung isang PDA finalist. magandang venue ang teatro para sa mga kagaya nila.

    Mabuhay!

    ReplyDelete
  3. Hay grabe... Sana mapanood ko 'yan. Hilig ko pa naman manood ng plays, lalo na yung mga gawa sa'tin.

    Ikaw talaga laging naeexperience mo yung mga namimiss ko sa Pinas! heheheh



    -Steph
    www.traveliztera.com

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts