Ai-Ai De las Alas at Marian Rivera ang Kung Fu Divas

Direk Onat, Ai-Ai, Marian and Edward for group selfie.
Isa sa pinakamasayang action comedy ng taon ang Kung Fu Divas, akalain mo yun ang dalawang reyna ng dalawang bigating network nagsama para lang sa isang masayang epic movie na ito.

Ika nga nila di ka dapat makontento sa mga craft na meron ka, minsan kailangan mo lumabas sa lungga mo para malaman mo kung hanggang saan ang kakayanan mo, isa ito sa mga ginawang hakbang ng reyna ng primetime sa GMA7 na si Marian Rivera kung saan ito ang kanyang unang pelikulang prinoduce kasama ang Comedy Concert Queen na si Ai-Ai de las Alas.

At di nga sila nagkami sa kanyang ginawa sapagkat sa trailer pa lamang ng pelikula grabe na ang tawa mo anu pa kaya kung napanood mo ito mismo ng buo, hindi ba?


Madaming first time na nagyari sa pelikulang ito, ika nga ni Marian Rivera first time ito magcoproduce kasama ang star cinema, makapag-workshop kasama si Ms. Ai-ai at ang first full length movie ni Direk Onat.


Isa sa mga di makalimutang experince ni Marian Rivera dito ay ang pagpraktis o pagtrain nila ng Kung Fu kasama ang ilan mga chinese kungfu expert sa loob ng tatlong buwan.

The Special Effect team and Direk Onat explaining the CGF.
Isa sa mga pinagmamalaki ng pelikulang ito ay ang super b na specialFX na kahit na ako mismo namangha kahit sa trailer pa lamang, ika nga ni Direk Onat, "The visual effects are quite extensive. We've done virtual sets and full computer graphic sets." and he added that "we've started this project since December of last year and January palang where doing the CGI na and it has been non-stop, can you imagine how extensive that was."


Tinanong ng ilan sa mga bloggers kung anu pa ang gusto gawin ni Ms.Ai-Ai De las Alas o sabihin na nating dreamrole, ayun sa kanya, "Dreamrole, marami pa akong di nagagawa, alam mo yung idol ko si Ate Vi, kagaya ng nagawa ni Ate Vi, gusto ko yung hostes na laos, gusto ko maging madre sa full length movie."

At bago ko makalimutan tinanong namin si Ms. Ai-ai kung anung dahilan kung bakit namin itong panoorin, ang sabi niya, "dahil sa movie na ito, mare-realize ng viewers na napaka-talented ng mga Pinoy at kaya nating gumawa ng pang-Hollywood na materyal,” dagdag pa niya “marami na akong comedy films na nagawa pero ibang klase ang katatawanan dito, hindi mo mae-explain. Kailangan talaga siyang panoorin."

Kaya ikaw wag na wag mong papalagpasin ang pelikulang ito ni Marian Rivera at Ai-ai De Las Alas na maaring di na maulit pa.

Makakasama sila Roderick Paulate, Gloria Diaz, Edward Mendez, Nova Villa, Roy Alvarez, Precious Lara Quigaman at Bianca Manalo.

Mapapanood ito sa 10 ng Oktubre 2013 sa lahat ng sinehan sa buong Pilipinas!



Comments

Post a Comment

Popular Posts