Ibalong the musical, the repeat

Ibalong, ibalong ang puso mo'y pinag-alab, ibalong, ibalong.......

Isa yan sa muling nagpaLSS sa aking sa aking muling pagnood ng isang epic stage musical play na Ibalong! At ito rin ang aking paglimang nood ng Ibalong pero unang nood ko para sa the repeat!

Anu nga ba ang kwento ng Ibalong?
Ang Ibalong ay isang epic story na nagmula sa lupain ng Bicolandia kung saan na mas sumikat ang kwentong ito sa may parte ng Albay.

Ang kwentong Ibalong ay ang labanan ng liwanag at dilim, masama sa mabuti at ang halimaw sa tao at higit sa lahat tao sa kalikasan.

Ayun sa kwento noong unang panahon may isang kalahating ahas at tao na nakipagkasundo sa mga tao para lamang mailigtas ang kanyang mga kalahing aswang ngunit sa di kagandang pag-uusapan nagkaroon ng isang digmaan mula sa grupo ng mga halimaw at ng tao.

Kagaya ng ibang kwento epiko may magbubuwis ng buhay para maisalba ang isa sa mga mahal sa buhay? Sinu kaya ang magiging bayani at anu ang rason ng kanyang pagbuwis ng buhay?

Alamin ang detalye sa pagnood ng Ibalong the musical sa CCP.



Ang aking munting review sa aking napanood.

Bravo at mas naging maayos ang ngaun kung para sa season one ng Ibalong, una na dito ang lighting ng stage mas binigyan buhay ito lalo at higit sa lahat di na masyadong madilim, ikalawa di na overpower ng musika ang mga nagpeperform sa stage, ikatatlo nagkaroon ng madaming komedya na angkop sa mga batang nanood, ikaapat mas malinis at sabay-sabay na paggalaw sa pakikipaglaban (referring to the fighting scene of the monster vs royal guards), ikalima iba na ang naging atake ng mga actor kumpara sa una kumbaga mas buo at mas ramdam na ito, ikaanim kahit nagkaroon ng mga aberya katulad na lamang ng pagkawala ng tunog sa mic ay tuloy-tuloy pa rin at naging mas professional (ika nga nila the show must go on), ikapito mas maraming martial arts techique na ang ginamit kumpara sa una.

Over-all 7 ang ibibigay ko na rating sa Ibalong the musical - the repeat.

Narito ang ilang mga piling eksena na dapat ninyong abangan!






At kung gusto inyo naman panood ito tawagan lamang si Lorenzo Marco sa 0935-378-4781.

So paano kita-kits na lang tayo sa Ibalong the musical kung nanood ka ha!

Comments

Popular Posts