Blogging Is Fun : Reminisce



Sabi nga nila ang blogging ay isang paraan upang mailabas ng isang tao ang kanyang opinyon o mga saloobin sa isang bagay o tao.

Paano nga ba ako nagsimula sa blogging?

Ang aking unang blog banner

Ang totoo medyo matagal-tagal na din ako nagbloblog, di ko lang alam na blogging na pala ang tawag doon, dahil madalas eh mga larawan at kaunting caption lamang ang aking nilalagay, by the way isa ako sa mga active na netizen noon sa mundo ng multiply.

Dahil din sa multiply madami rin akong mga nakilala mga tao mula sa simple hanggang sa mga bigatin mga tao sa mundo ng photography at ng entertainment.

Dahil isa nga ako active netizen sa multiply, may isang kaibigan na nagsabi sa akin na subukan ko daw sa blogspot, ang sabi ko anu yun? isa daw isang platform para sa pagsusulat online, so ako naman go lang, bagong venture din naman sa akin yun at isa pa mas mukhang maganda siya, base na rin sa ginawa kung research kay google.

Bago ko pala makalimutan blogging na rin pala ang tawag dun sa pagsulat ng mga opinyon mo thru online, nagpapasalamat ako sa aking ADLSU (Ateneo De La Salle University) Family para sa mga magagandang experience sa pagsusulat, di lamang tungkol sa Ateneo at La Salle kasama na rin ang ilan sa mga Top 4 University sa Pilipinas.

Naalala ko pa nga noon nafeature pa ang site namin sa Mel And Joey tungkol sa Ateneo at La Salle, at di lamang yun nabulabog din namin ang De La Salle University newspaper na Plaridel dahil ang sabi ay nagcopyright daw kami ng kanilang pangalan, pero past na yun at ang pagkakaalam ko ay nasettle na ang bagay na yun.

Isa sa mga natutunan ko sa mundo ng blogging ay ang bloghopping kung saan gagala ka at magbabasa ng mga iba't-ibang uri ng mga blog mula sa mga pantasya, epiko, photoblog, lifestyle, tula, maikling kwento, katatakutan at iba pa.

Sa blogging ko din nalaman na meron palang mga comment kung saan ilalabas mo ang iyong opinyon sa kanyang ginawang blogpost..

At ang mga bagay na ito'y pinapasalamatan ko ang isa sa mga nagturo sa akin, walang iba kundi si Kira ng Greekster Philippines.
Siya din ang nagturo ng mga ilan sa mga bagay sa blogging kasama na kung papano ito ipublish sa mga iba't-ibang mga networking site.

oh sya hanggang dito na lamang muna ang entry na ito.



Comments

  1. ako din latebloomer ako sa pag bloghopping hehe.. : ) basta blog lang ako ng blog.. wala ako pakialam kung may mag comment o wala, may followers o wala hehe... then ganun pala yun ^_^ lols!

    Happy Blogging!

    ReplyDelete
    Replies
    1. apir tayo diyan pards.. hahaha oo nga eh mag mga ganun ganun pala ang blogging...

      Delete
  2. naks naman mukhang talagang beterano ka na sa blogging at may makulay kang history sa bagay na ito.

    nakaka-relate ako sa usaping, nakakagawa na pala tayo ng isang bagay o napa-practice natin yung isang technique sa blogging na hindi pa natin alam. Kilala ko rin yan si Kira. Mabuhay sa kanya at sa atin. Happy Blogging!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha di naman sakto lang... hahaha...
      oo tumpak ka diyan....
      happi blogging din sayo!!!

      Delete
  3. Goodluck sa aten. Haha! Mukhang madami ka na alam sa blogging ah kase matagal ka na palang nagbablog. buti pa kayo, alam niyo na ang pasikot sikot. Sana ako din, maabot ko ang ganyang katagal.

    ReplyDelete
  4. woe celeb ang datin nafefeature haha
    tanda ko dati nagpapagawa ka ng banner haha kaso di naman ako maalam hahah

    ReplyDelete
  5. parang nabitin ako sa kwento mo..may part 2 ito noh? hehehe... anyways blogging is really fun ;)

    ReplyDelete
  6. masarap balikan ang pinagmulan ng kung ano ang mga blogs natin ngayon.. :)

    congrats tol!

    ReplyDelete
  7. Kung iisipin ang hirp mag simula sa wala..na ikaw muna mag babasa ng blog mo.. tas pipilitin mo pa friends mo basahin yun.. huwaw..tagal ko na din nag bablog..lavet

    ReplyDelete
  8. ang sarap lang i reminisce kung pano sumibol ang blog ng bawat isa. LAhat may iba-ibang storya :)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts