Blogging Is Fun : Bloggers Eye-Ball at Bloggers Group


Sabi nga nila parte ng isang pagiging blogger ang pakikipagkita sa kanyang kapwa blogger, di lamang para makilala niya ito ng personal kundi para na rin mas lumawak ang kanyang blogging network.

Anu-ano nga ba ang nangyayari sa isang Bloggers meet-up o eye-ball?



Sa aking opinyon kadalasan ang lugar ng meet-up ay sa Mall of Asia o MOA, dahil mas accessable ito sa south at north at madaming tao, ikalawa mas madaming magagawa sa lugar ng moa, pudeng manood ng sine, magkape sa mga sikat na kapehan o magfoodtrip sa mga foodstall o kaya naman ay ang mag-unwind lamang sa may tabing dagat o bayview.


Sa pakikitapagkita sa kapwa bolegero o blogista kadalasan ang mga nangyayari ay kaunting kwentuhan sa buhay, paano ka nagsimula sa blogging?, anung reason kung bakit ka nagblog?

Kung minsan pa nga ang simpleng kwentuhan ay nauuwi rin sa kantahan hanggang abutin na ng madaling araw o minsan naman ang isang meet-up ay may kasamang inuman o di kaya ang isang meet-up ay nangyayari din kung saan may event para sa mga bloggers.

Isa sa mga pinakaunang meet-up ko sa isang blogista ay yung time kung saan pumunta dito sa Pilipinas ang Galleon Andalucia sa Maynila, nagsimula ang lahat noong nagpost ako about sa pagdating ng Galleon Andalucia sa aking blog at nagtanung ako kung sinu ang pude sumama at isa pa minsan lang dumaan ang Galleon Andalucia sa Pilipinas kaya dapat lamang na sulitin ito.

At ang sumagot sa aking blogpost walang iba kung di si Mervin aka Pinoy Adventurista , noong mga panahon na ito'y di pa gaano busy sa pagtravel si Mervin kaya naman ayun boom, nagkita nga kami at nagkaroon ng mga kaunting kwentuhan sa buhay-buhay para sa kumpletong detalye maari lamang na pumunta sa Galleon Andalucia arrives in Manila 

Mga new found friends sa Galleon Andalucia

At isa naman meet-up ng mga bloggers ay ang event ng Pinoy Expats/OFW Blog Awards o mas kilala bilang PEBA kung saan nagsasama-sama ang mga kilala at mga bigating mga bloggers sa event na ito para parangalan sa kanilang mga ginawang likha, dito ko din unang nakilala ang ilan sa mga bigatin mga bloggers na sila Bino, Anton. John Michael, Madz, Unni at iba pa, na dati rati ay binabasa ko lamang ang kanilang mga likha. Para sa kumpletong detalye pumunta lamang sa My 1st experience sa PEBA Awards Night 

Mga bloggista


At syempre papahuli pa naman ako sa isang bloggers summit kung saan mas binigay ng importansya ang mga bloggers, ang summit na ito ay nagbibigay ng halaga sa mga bloggista
Narito ang kumpletong detalye para sa summit My Experience in Bloggersfest.


The Ublogger
(front left to right )



At syempre dahil din sa blog ay nakasama ako sa isa sa mga pinakamalawak at bigating multimedia group ang Helios Project International, isang pasasalamat kay Franz Lopez ng Keekolopez.wordpress.com sa pagsali sa akin sa kanilang group, ang dami kung natutunan lalong-lalo na sa mga techque sa pagkuha ng mga subject.

The Helios Project International

Syempre makakalimutan ko ba ang isa sa mga sikat na photography group ang Young Photographers (YoPho) Philippines  sa pagtanggap sa akin, syempre dahil yun kay Anton ng Pusangkalye.net sa pagsali sa akin.

Ang YoPho

Makakalimutan ko ba ang isa sa mga pinakaunang bloggers group ang U-blog na pinangungunahan nila Bern,Bon at Joel.

The U-blog family

Ilan lang yan sa mga blogs group.

Sa susunod mga blogs event naman.

Ikaw anung kwento mo sa bloggers eye-ball at bloggers group?


Comments

  1. meeting you guys is one of those wonderful moments, axl....nice to meet you...:)


    xx!

    ReplyDelete
  2. sarap talaga makipag EB sa mga ka bloggers noh? hehe.. ako first time ko palang sa saturday!! sa BMIM ! ^_^ sana hindi ako ma OP hahahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. wow.. talaga, sayang di tayo nagkita nun meeting ng BMIM may event kasi ako nun eh....

      Delete
  3. wow naman! salamat Axl sa mention... ikaw ang kauna-unahang blogger na na-meet ko... record yun! ahahaha! at ako din pala ang una mong na-meet? hehehe! see you again soon! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. yon oh! Di ka pa sikat non nong mag meet kayo no? hahahaha

      Delete
  4. @mervin.. hahaha naman!!! kita-kits ulit sa pHg5 events!!! #sikatnasikat hahahah

    ReplyDelete
  5. ikaw na talaga ang hari ng EB!!!!lols

    ReplyDelete
  6. balang araw axl magkikita din tayo!
    haha sayang talaga ung ibang chances pero maliit lng ang blog sphere para di tayo magkita

    ReplyDelete
  7. ikinagagalak din namin na nakasama ka na rin namin sa BMIM.. sa saturdae, sama ka ulit.. anniversary sabak na natin.. :)

    ReplyDelete
  8. wow ang daming ganap! kabi kabila ang EB!

    ReplyDelete
  9. akala ko nmn about dun sa meet up natin nung feb 15...

    ReplyDelete
  10. Hintayin ko first EB ko, kaso ang layo lang ng Bohol sa Manila..hahaha

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts