Bayan Mo,Ipatrol Mo: Tayo Na! Mas pinadali pagpapatrol gamit ang Halalan App

Mas madali na ang pagpapatrol sa inyong boto at bayan sa pamamagitan ng pagdadownload ng abs-cbnNEWS.com at COMELEC Halalan 2013 applications sa inyong Iphones,Ipads at Android smartphones at Tablets dahil sa ilang pindot lang ay mapapadala niyo na agad ang iyong ulat sa ABS-CBN News.

Ito ang pinakabagong handog ng kampanya para sa citizen journalism na "Bayan Mo,Ipatrol Mo" na sinimulan ng ABS-CBN noong 2005, at nagbigay-kapangyarihan sa mga ordinaryong mamamayan na ipagbigay-alam ang anumang uri ng katiwalian sa kanilang komunidad.

Noong una, ito ay pamamagitan lamang ng tawag at text message. Kalaunan ay maaari na ring mag-ulat sa pamamagitan ng email.facebook at twitter.

"Once journalists and bloggers work together, we can be powerful." - Ms. Inday Evarona

Pinapaliwanga kung paano idownload at gamitin ang Halalan App

Mga napuntahan at nasimulan na ang pagbabago

Akmang-akma ang serbiyong ito sa darating na halalan. Mas maraming Pilipino ang maaring makiisa sa pag-uulat ng mga posibleng paglabag sa mga alituntunin sa eleksyon, tulad ng paglagay ng mga materyal pang-kampanya sa mga hindi awtorisadong lugar, pamimili ng boto at pagdadala o paggamit ng baril ng mga pribadong indibidwal habang epektibo ang gun ban.

Sa BMPM din unang nalaman ng sambayanan noong 2007 ang pamumunog sa isang presinto sa Batangas na kumitil ng buhay g dalawang guro.

"What is important is our inherent value, our integrity, our sense of self." - Ging Reyes (Head Of Abs-Cbn News)

Dahil sa tagumpay ng MBPM, na noon ay nangangahulugang "Boto Mo,Ipatrol Mo," kinilala ito sa iba't-ibang prestihiyosong international at local award giving bodies tulad ng International Gold Quill Awards, Asia Pacific PR Awards, Philippines Quill Awards, Anvil Awards at Tambuli Awards.

Huwag nang magpahuli at maging aktibong mamayan. I-download na ang mga libreng mobile application ng abs-cbnNews.com at COMELEC Halalan 2013 sa inyong smartphones at mobile devices.

Maari ring magpadala ng ulat sa BMPM sa pamamagitan ng pagtawag sa 412-3781, pagtweet sa @bayanmo sa Twitter, pagpost sa Facebook via www.facebook.com/bayanmoipatrolmo.akoangsimula at pag-email sa ireport@abs-cbn.com.

Comments

  1. Ang galing! Buti naman mas marami nang magagawa para makatulong sa pagpatrol sa oras na naman ng halalan!

    ReplyDelete
  2. nice naman to mas makakapag participate na nag mga tao sa paghahatid ng balita haha

    ReplyDelete
  3. Malawak na nga ang sakop ng pagpapatrol, at mas lumawak ito sa pagpasok ng makabagong teknolohiya. Humanda ang mga lumalabag sa batas ng eleksyon.

    ReplyDelete
  4. matakot na ang mga nagbabalak na gumawa ng kalokohan! Ayos ang app na ito!, mabuhay ang Bayan mo ipatrol mo!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts