Piolo Pascual SunPiology Tr10 is not just an ordinary Bike, Run + Play event


Parang kailan lang yung nagsimula ang isang SunPiology kung saan ang aim ang makatulong sa mga kapos palad nating mga kababayan at mabigyan ng magandang edukasyon ang mga bata simula elementary hanggang highschool. Pero ito na ngaun sampung taon na ang SunPiology, biruin mo yun ang haba na pala ang samahan nina Piolo Pascual at ng SunLife Philippines.


Dahil nga sa sampung taon na ang kanilang samahan ay mas magiging malawak na ito, mas masaya at mas nakakapanabik lalo na sa mga mahilig tumakbo, magbike at maglaro kung saan mas maging healthy.


Dahil ang SunPiology ay magiging SunPiology Trio (Tr10) na kung saan may 3 ganap na mangyayari ito ang Bike, Run+Play.

Ang Biking part ay maysisimula na sa November 17 sa loob mismo ng BGC kung saan ang mga pwedeng sumali ay ang mga bata, mga matanda rin na kung saan may habang short (20k), long (40k) rides.

Ang Run+Play naman ay gaganapin sa January 26, 2019 sa loob naman ito ng Camp Aguinaldo at ang pagpipiliang takbo ay 500M, 3K at 10K.

Ang panghuli naman ay ang Play kung saan paglalaban-laban ang mga artista ng Star Magic at ng Sun employee na may pamagat na Sun Vs Star.


Ang maganda ang Sunpiology na ito ay ung pagtakbo o magsali mo dito ay hindi lamang para sa iyo sapagkat ang bawat takbo,bike at saya ay may katumbas dahil gaya nga nagnasabi ko ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga kapus palad na makapag-aral, matutulungan din mas mapalaganap ang tamang pag-iwas sa diabetes at pag patulong sa operasyon ng may mga cleft palate.

Ako mismo natutuwa dahil sa kaunting tulong mo ay malawak ang magiging abot nito maliban pa dito ay may libreng concert pa pagkatapos ng masayang takbuhan, ang libreng konsert na iyon ay handong ng Star Magic Artist. Kaya sulit na sulit talaga ang pagsali mo dito sa SunPiology na ito.

Para sa iba pang mga detalye maari lamang pumunta sa opisyal na webiste ng SunLife Philippines
www.sunpiology.com , so paano kita-kits tayo sa SunPiology Trio ha!

Comments

Popular Posts