Piolo Pascual may muling binalikang sarap

Isa si Piolo Pascual sa kinikilala bilang isang magaling na actor at ambassador sa Pilipinas hindi dahil sa aking galing niya umarte kundi dahil sa taglay niyang karisma mapababae o lalaki, hindi ba?


Kaya naman hindi na nakapagtataka pa kung bakit ang dami-dami niyang mga endorsement sa taong ito sapagkat hindi lamang niya ito ineendorse kundi ginagamit mismo nya sa kanyang buhay kaya naman isang legit talagang ambassador ang isan Piolo Pascual.

Hindi na nakapagtataka kung bakit muli syang nagkaroon ng panibagong o mas tamang sabihin na pinagpapatuloy nya ang isa sa mga masarap, malinamnam at abot kayang sardinas para sa lahat walang iba kundi ang Mega Sardines.


Kasabay ng pagpapatuloy ng endorsement ni Piolo Pascual sa Mega Sardines ay ang pagkakaroon ng panibagong variant nito sa market kung saan hindi na isang ordinaryong sardinas na lamang ang patitikman ng Pilipino kundi apat na klase. Ito ay ang Mega Sardines in Spanish-Styte, Mega Sardines in Natural Oil, Mega Extra Hot Sardines, Mega Fried Sardines Tausi, at Mega Fried Sardines Hot and Spicy.


Kaya nga sabi nga ni Mr Marvin Tiu Lim, VP of Sales and Marketing of Mega Global, "Mega Sardines is part of Filipino life so much so that it‘s a stapte ‘in Filipino homes, and so is Piolo Pascual. His presence on our screens-whether big or smail-has been impactful over the years and truly shows Filipino excellency, and that’s why he’s perfect as Mega Sardines’ brand ambassador."


Maliban sa panibagong partnership ng Mega Sardines at ni Piolo Pascual ay inilunsad din nila ang bagong mini series sa kanilang facebook page at youtube channel na may pamagat na #MegaGandaAngBuhay kung saan tampok dito ang mga inspiring stories ng mga Pinoy mula sa iba't-ibang panig ng mundo. Hindi na ako nakapagtataka pa kung bakit nila naisip ang bagay na iyon sapagkat ang Mega Sardines ay purong gawang Pinoy para sa Pinoy at sila lamang ang meron sariling planta na mula sa pagkahuli hanggang sa paglagay nito sa lata. Kaya masasabi mo talaga na sariwa at hindi malasang malasa ito.

Para sa iba pang mga larawan ni Piolo Pascual at ng Mega Sardines punta lang sa official page ng axlpowerhouse sa facebook.

Comments

Popular Posts