SunpiologyDuo Run Experience


Sabi nga nila isa ang pagtakbo sa masasabi mabuting gawin upang mas lalo pang maging malakas ang iyong katawan at maging malusog lalo na sa panahon ngaun na hindi natin alam kung anu-anung mga sakit na ang nakikita ng mga dalumhasa ngaun.

A post shared by Brand X Ph (@brandxph) on
Kaya naman bilang isang hobbyist runner at para na rin makatulong sa atin mga kababayan na may diabetes at sponsor scholar ng Sun Life Philippines bakit hindi ako sumali at makilahok sa nasabing fun run na hindi ka lamang tatakbo kundi magbibigay ka rin ng kasiyahan sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng fun run na ito.

Masasabi ko rin na hindi ito ordinaryong fun run sapagkat kolaborasyon din ito ng isang pinakamalakas at malawak na talent center sa bansa ang Star Magic. Kaya nakakatuwa na halos lahat ng mga talent nila ay nakilahok din sa nasabing fun run mula sa kilalang artista tulad ni Inigo Pascual, Enchong Dee, Matteo Guidicelli, Maymay Entrata, Edward Barber and syempre ang isa sa mga dahilan kung bakit meron SunPiologyDuo si Piolo Pascual.

Aaminin ko di rin ako masyado naghanda sa fun run na ito dahil sa sunod-sunod na gawain na dapat gawin at medyo nabagalan ako sa pagtakbo ko kahit sabihin na nating 3k lang ang kinuha ko pero syempre kahit 3k lang yun para sa akin masaya ako dahil hindi lang naman ang maging una ang goal mo sa fun run na ito dapat ienjoy mo din at nanmanin mo ang bawat takbo mo. Lalo't pa na sa isang magandang lugar ginanap ang pagtakbo na kung saan madaming puno at hindi masayadong mainit.


Nakakatuwa noong tinignan ko kung pang-ilan ako sa mga nauna sa akin asa lagpas 100 ako pero kahit ganun, isa lamang ang ibigsabihin nito mas pagbubutihan ko pa sa susunod at mas bibigyan ng oras ang pang practice sa susunod na takbo.

So paano hanggang sa muling fun run natin!

Comments

Popular Posts