"Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao, nasa puso nating lahat! Tayo ang gumagawa ng mga himala! Tayo ang gumagawa ng mga sumpa at ng mga diyos.."
Sino nga ba ang hindi makakaalam ng magandang linya na yan na mula sa isang klasikong pelikula ng nag-iisang Philippine Superstar na si Ms. Nora Aunor. Malamang sa malamang kahit saan ay nakikinig mo ang linya na yan lalo na kung madalas kang manood ng telebisyon sapagkat marami ang gumagaya sa isang Nora Aunor.
Cast and the writer Ricky Lee
Kaya naman hindi na nakapagtataka pa kung muling nabuhay ang isang Himala, isang Himala na sasalamin sa ating buhay o pagkatao o napapanahon nga ba dahil sa maraming hindi kaaya-ayang mga ganap sa buhay o sa paligid.
Ang bagong Barrio Cupang
Nakakatuwa lang kasi sa muling pagbabalik ng Himala ay mas makikilala ng bagong henerasyon ngaun o ng mga Millennials kung bakit nga ba sinabi ni Elsa ang linyang "Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao, nasa puso nating lahat! Tayo ang gumagawa ng mga himala! Tayo ang gumagawa ng mga sumpa at ng mga diyos.." at anu ang magiging epekto nila pag napanood nila ang isang musikal na talaga naman maaring makapagpaiyak sa kanila na ayun na rin mismo sa mga cast nito hindi naging madali ang mga preseso na pinagdaanan nila kahit sabihin natin na punto pa lamang sila ng rehearsal.
Exciting scene in Himala : Isang Musikal
Nitong Enero 13, 2018 nagkaoon ako ng pagkakataon para makita ang isang pasilip kung anu nga ba ang aabangan sa Himala: Isang Musikal. Masasabi ko na iba ang atake na ginawa nila kumpara sa napanood ko ito noon sa telebisyon o sa remastered version nila. Kumbaga sa dula na ito makikita mo na meron silang sariling interpretasyon at pananaw sa bawat karakter na ginagawa nila.
Narito ang isang pasilip ng Himala : Isang Musikal
Pinangungunahan ni Aicelle Santos bilang Elsa, kasama sina David Ezra bilang Orly, Neomi Gonzales bilang Chayong, Sandino Martin bilang Pilo, Kakki Teodoro bilang Nimia.
Featuring Bituin Escalante bilang Nanay Saling
Group photo of Himala : Isang Musikal
Ang Himala : Isang Musikal ay isang kolaborasyon ng dalawang mahusay na artist na sina Ricky Lee na siyang orihinal na nagsulat ng kwento at ni Vince De Jesus kung saan siya naman ang nagbigay musika sa kwento na ito. Mula sa direksyon ni Ginoong by Ed Lacson Jr.
Ang Himala : Isang Musikal ay mapapanood sa darating na Pebrero 10 hanggang Marso 4, 2018 sa Power MAC Center Spotlight, Circuit Makati. Mula sa produksyon ng Sandbox Collective at 9Works Theatrical.
Para sa iba pang mga detalye maari lamang tumawag sa 09175545560 o 5867105.
Comments
Post a Comment