Share the Bears of Joy
Sabi nga nila ang pagbibigay ay hindi lamang tuwing pasko kundi dapat buong taon din kasi ipinapakita nito na bawat sa atin ay may mabuting puso.
Nitong nakaraang lamang ay naimbitahan ako upang dumalo sa isang awarding ng "Bears of Joy" ng SM Cares ung saan kung bibili ka ng isang teddy bear ay makakakuha din ng teddy bear ang beneficiaries nito na sina SOS Children's Villages, My Father's House Foundation, Virlaine Foundation, at Wishcraft Social Fund.
Hindi ba sa simpleng teddy bear na iyon ay malaki na ang maitutulong na saya sa bawat bata nito. Alam naman natin na simple lamang ang kaligayahan ng mga bata, simpleng kaligayahan na nagdulot sa atin ng kakaibang pakiramdam lalo't nakakahawa naman talaga ang kanilang mga ngiti.
Narito ang ilan pang mga masasayang tagpo sa "Bears of Joy".
Nakakatuwa lang na ang SM Cares ay patuloy talagang nagbibigay ng kakaibang saya sa mga bata tuwing pasko at kahit hindi pasko. Nawa'y patuloy din magbigay ng kakaibang saya ang mga ordinaryong mga tao.
Comments
Post a Comment