Ryan Cayabyab mas kinabahan kaysa na excited sa pelikulang "Ang Larawan"
Ryan Cayabyab mas kinabahan kaysa na excited sa pelikulang "Ang Larawan" |
Kaya naman noong naimbitahan ako na pumunta sa kanilang blogcon para sa kailang pelikulang "Ang Larawan" ay hindi na ako nagdalawang isip pa dahil pagkakataon ko na rin iyon.
Isa ang Ang Larawan sa kalahok sa 2017 Metro Manila Film Festival o mas kilala ng marami bilang MMFF dahil ang film festival na iyo ay sumasalamin sa atin bilang isang Pilipino para sa aking opinyon sapagkat dito mo makikita o mapapanood ang ilan sa mga mahuhusay na pelikulang Pilipino kung saan ang ilan pa sa mga pelikulang ito ay nailalaban sa ibang bansa.
Ang Larawan ang isang pelikulang hinahangaan ko ng lubusan dahil sa aking ganda ng pagkahabi ng bawat karakter at kwento nito, ang kwentong ito ay ginawa pa ng isang mahusay na na national artist na si Nick Joaquin na may orihinal na pamagat na "A Portrait of the Artist as Filipino".
Dahil isa nga si Mr. Ryan Cayabyab na gumawa ng pelikulang ito naitanong ko na rin sa kanya kung ano ang naging reaksyon nya patungkol sa gagawin pelikula ang dating napapanood lamang sa entablado ng PETA o ng Cultutal Center of the Philippines o CCP.
Ayun mismo kay Mr. Ryan Cayabyab, "Kasi para sa akin gawin natin. Hindi ako yung tipong wow exciting, hindi eh. Siguro mas lalo akong ninerbyos kasi irerewrite ko sya."
Narito ang kabuuang interview ko kay Mr. Ryan Cayabyab patungkol sa paggawa ng "Ang Larawan"
Kaya naman huwag na huwag mong papalagpasin ang "Ang Larawan sa darating na December 25, 2017 at isa ito sa mga dapat mong abangan dahil sa simula pa lang ng eksena pasabog na ito.
Comments
Post a Comment