POV : Gantimpala Theater Foundation' El Filibusterismo 2017


Sabi nila hindi mo makikilala ang iyong sariling bayan kung hindi mo man lang nabasa ang ilan sa mga akdang nilikha ni Gart Jose Rizal. Alam naman natin lahat na si Gat. Jose Rizal ang isa sa mga mahuhusay na bayani ng kanyang henerasyon kung saan hindi baril o itak ang kanyang ginamit upang makipaglaban sa mga Kastila kundi ang isang mabigat at nakapagdamdamin na nobela.


Siguro naman lahat tayo alam na natin kung anu nga ba ang kwento sa likod ng El Filibusterismo dahil kung hindi mo pa ito alam naku mas mainam na balikan mo ang nobela at basahin mo ito. Sapagkat ang mababasa mo sa blog post na ito ay hindi summary/ buod ng El Filibusterismo kundi isang POV o Point of View sa naganap na dula ng Gantimpla Theater Foundation sa SM Southmall.

Mga estuyante ng El Filibusterismo
Ilan sa mga nagmarkang mga karakter sa akin sa El Filibusterismo ay sina Morris Sevilla bilang Basilio, Raymond Talavera bilang Isagani.

Kung tutuusin matagal ko na silang nakita sa entablado ngunit ngaun ko lang nakita kung gaano sila kahusay sa napili nilang propesyon may mga parte lang na medyo nawala sila pero naitawid din nila ito ng husto. Isa sa mga paborito kung eksena nilang dalawa kung saan nahuli sila ng mga guardia sibil at unti-unti na silang nagpapaalam sa kanilang minamahal/iniibig na sina Jernice Matunan bilang Juli at Daffodil Abear bilang Paulita Gomez.

Isa rin si Jayson Carl Santos bilang Juanito Pelaez sa mahusay na gumanap, hindi ko alam kung bago lang sya sa GTF kasi parang doon ko pa lang sya nakita pero masasabi ko naramdaman ko ang puot at sakim nya sa mga eskena niya lalo na kung saan nagkaroon sya ng pagtingin kay Paulita.


Pati rin pala si Aaron Dioquino bilang Placido Penitente na mahusay na pagganap lalo na ung eksena nila kung saan nagkaroon ng kaunting pagtatalo sa klase ni  Padre Millon.


Isa sa mga napansin ko sa Gantimpala Theater Foundation' El Filibusterismo 2017 ay hindi nagbago ang set design nila pero malaki ang naimprove nila sa ilaw, isa talagang mahalagang bagay yun para sa ain sapagkat kung hindi maayos ang ilaw ay hindi mo masyadong makikita ang mga aktor at mawawala rin ng balanse nito ang istorya. Kaya naman laking tuwa ko ng mas gumanda ang ilaw nila kumpara sa nakaraang taon.

Kahit luma na ang kwento ng El Filibusterismo masasabi mo pa din na angkop pa din ang istorya na ito sa modernong panahon sapagkat katulad ng unang nobela ni Rizal na Noli Me Tangere, isa pa rin magulo at matuloy na maglalapastangan ng kahinaan ng mga tao. Higit sa lahat patuloy ang paglalamang ng may mga kapangyarihan sa gobyerno.


Pero kagaya rin ng kwento ng El Filibusterismo dapat alam ko kung kanino ka kakampi o papanig sapagkat sila ang magdadala sa iyo sa tagumpay o sa masakit na hinaharap.

Muli sa bumubuo ng Gantimpala Theater Foundation' El Filibusterismo 2017 mabuhay kayo nawa'y ipagpatuloy pa ninyo ang malaganap ng nobelang iniwan ng Gat Jose Rizal sa ating bayan.



Mga larawan mula sa Teatro Pinas

Comments

Popular Posts