POV : Gugmang Giatay​ - the original Bisrock jukebox musical


So far the best musical for 2017 para sa akin, iba man ang lengwahe na ginamit pero alam mo ang laman ng kwento dahil sa husay ng pagkakagawa mula sa mga kabanata, kanta, sayaw, ilaw.

Nagkaroon man ng problema sa mikropono pero hindi yun naging hadlang upang mawala ka sa magandang palabas na ito. Congrats sa bumubuo ng produksyon ng Gugmang Giatay... Repeat please sa 2018.....


Noong unang nakita ko ung poster nila wala akong iniexpect kung anu tong musical play na ito kasi nga kagaya ng laki kong sinasabi ayaw mo magreview o mag research kasi gusto ko surprise kasi lumalabas doon ung excited ko sa isang palabas.


Ayun na nga yung nakita ko na ung stage design nila naalala ko bigla ang isang pyesa ng PETA na Rock of Aegis at medyo hawig pa ng kaunti sa lighting nito pero noong biglang tumugtog na at nagsimula ang palabas aba akalain mo yun ang swabe ng tugtog bisrock na bisrock ang dating na may timplang jukebox, ang sarap sa tainga ng bawat melodiya kahit ibang lengwahe.


Ang totoo nyan meron naman subtitle kaso para wala na rin silbi yun para sa akin kasi puso ang ginamit nila para mas maunawaan ng mga manood kung anu ang gustong ipahiwatig ng Gugmang Giatay, oo ibang lengwahe sila pero kung bibigyan mo ng pansin ang kontekto ng Gugmang Giatay mararamdaman mo ang kwento mula sa indayog ng masarap na musika hanggang sa walang katapusang banat ni Endo o ang malalim na payo ni Lola Lucy o ang masayang kawanan nina Inday at Rihanna.

Kaya doon pa lamang panalo na sila kasi ang kwento ang siksik at mahusay na nailahad ng direktor nito at hindi na ako magtataka pa kung bakit naging patok ito at dinala dito sa Manila. Sana lamang magkaroon o magrelease sila ng CD ng mga kantang ginamit sapagkat ang sarap sarap sa tainga nito.

Muli sa bumubuo ng Gugmang Giatay mabuhay kayo nawa'y maikalat pa ninyo ang sayang binigay ninyo dito sa amin sa kamaynilaan.

 Gugmang Giatay Video Story


About Gugmang Giatay​



Cebu’s runaway theatrical hit - the original Bisrock jukebox musical, Gugmang Giatay.

The Manila staging of GUGMANG GIATAY will feature award-winning actor Bong Cabrera​ in the role of Ben.

The other cast members are as follows: Von Saw Official​, Lourdes May Maglinte​, Shiella Pestaño Gemperoa​, Shane Nicole Reseroni​, Joer Gallur, Paola Pia San Diego​, Jeyve Daño, Jan Ariel Echevarria​, Davelyn Cuenco​, Heidi CoachHeidi Pogoy​, Alem Garcia​, Malaya Gualiza Macaraeg​, Kristian Ray Malintad, Dion Seco Cecilio​, Lauire Tul-id and Dustin Tagalog.

GUGMANG GIATAY is produced by 2TinCans Philippines in partnership with the BGC Arts Center, in cooperation with Offbeat Concepts Production House.

 It is directed by Jingle Jingle Mirafuentes Saynes​ with choreography by Vince Gaton.
For more information, visit 2TinCans Philippines, Inc. and Instagram at @2tincansph. Like GUGMANG GIATAY on Facebook.


Mga larawan mula sa Teatro Pinas.

Comments

Popular Posts