Facebook begins to try the stories through desktop

Facebook Stories in desktop
Isa sa mga madalas gamitin ng mga bloggers o influencer ang Snapchat kasi doon mas mabilis ang interactive ng mga friends, readers, PR o kahit sino basta ba nakafollow ka sa kanila at higit sa lahat hindi aksaya ng memory ng mobile phone mo yung mga videos o photos mo kasi sa loob lamang ng 24 oras ay mawawala na ito.
Kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit gumawa din ng ganun version ang facebook na sinundan naman ito ng instagram kaya minsan hindi mo na alam kung saan ka ba dapat may lalagay ng stories mo sa araw na iyon. Pero bilang isang blogger alam mo dapat kung sino ang target market mo sa bawat stories na ipopost mo sa iba't-ibang social media app.

Kaso base sa impormasyon na nakita mo at nabasa ko hindi masyado mabenta ang Facebook Stories kumpara sa IG Stories o Snapchat marahil siguro dahil iilan lang ang interesante lalo na sa Pilipinas iilan lang ang nakanet talaga dahil aminin naman natin o hindi madalas ang ilan sa atin ay umaasa na lamang sa free data (kaya minsan yung mga comment sa isang article bira na lang ng bira kahit di naman nabasa ng buo ang article sa isang webiste).
Facebook stories in messenger app
Kaya marahil siguro naisip din ng facebook na bakit hindi hind subukan na magkaroon ng facebook stories sa desktop kung magiging matagumpay ito mas maganda sa kanila sapagkat mas tatagal sila sa mundo ng social media dahil alam naman natin na madami na rin naglalabasan na social media app ngayon at iilan lang sa kanila ang nagtagumpay sa mundo kanilang ginagalawan.

Sa ngaun nasa beta testing pa lamang ang facebook desktop stories at iilang bansa pa lamang ang meron na ito.

Larawan nakuha sa google image.

Comments

Popular Posts