Barlico Your New Substitute in Instant Coffee
Barlico - Isa sa mga bagong lumalaban at masasabi kung pwedeng pwede sa lahat lalong lalo na ang mga mahilig magkape na katulad ko na 3 o 4 na beses nagkakape. Bakit kamo? Simple lang naman dahil ang Barlico ay isang healthy drink na lasang kape pero hindi naman talaga.
Kasi Barlico coffee ay 100 percent caffeine free at meron ang ingridents nito ang nagbibigay ng kakaibang aroma na talaga namang hahanap-hanapin mo pag inamoy mo pa lang maliban dito lasang-lasa kape siya pagtinikman mo.
Ang Barlico coffee ay meron mga ingredients na rich in fiber, potassium, minerals, folate, and Vitamin B na nakakatulong para bumababa ang bad cholesterol natin maliban pa dito nakakatulong din ito para malinis ang atin bituka at syempre ang importante sa lahat ay antioxidants na mabuti sa puso at sa ating katawan lalo na ngaun na di natin alam kung anu mga pagkain ang nakakain natin na masama na pala sa ating katawan. Kumbaga dapat meron din tayong pambalanse nito. Ika nga nila dapat balanse ang lahat upang hindi kaagad bumigay ang iyong katawan.
Malaking tulong din ang Barcelo sa mga mother natin na nagbreast feeding sapagkat madaming minerals ang naibibigay nito at maliban pa dito save na save pa ito kay baby dahil natural or organic ang Barlico na nyang dahilan kung bakit masarap at masustansya ito.
Isa rin sa gusto ko sa Barlico ay meron syang tatlong varient kung san magcocomplement talaga sa gusto mo katulad ng Barlico Instant Coffee Substitute Granules na pampalit sa kape na meron mataas ang caffeine (na alam naman nating lahat na masama talaga ang maraming caffeine sa katawan dahil magpapalpite ka ng walang sa oras) na nagkakahalaga lamang ng 80 pesos. Ang Barlico na favorite ko dahil ang swabe lang ng lasa at hagod nito sa akin lalo na kung sasamahan mo ng isang matamis na tinapay o hindi naman kaya isang cake, ito naman nagkakahalaga lamang 100 pesos. Ang huling varient ang Barlico Chocolate na pwede sa mga bata at sa mahilig sa matamis pero swak lang dahil sa saktong tamis na hindi nakakaumay, ito nagkakahalaga lamang ng 120 pesos.
Kung tutuusin ang mura ng Barlico kumpara sa mga leading brand na nakikita natin sa merkado marahil dahil kilala pero itong Barlico mura lang sya tspo swabe pa sa panlasa at healthy pa.
Kaya naman abangan mo ang opisyal na paglabas nito sa merkado sa darating na September.
Comments
Post a Comment