Doraemon Roadventure Mall Tour Schedule and Doraemon School Adventure


Kung isa kang batang 90s malamang sa malamang kilalang-kilala mo si Doraemon sapagkat siya lang naman ang isa sa sikat na pusang robot noong panahon na iyon dahil sa kanyang mga gamit na nagmula pa sa hinaharap upang tulungan ang isang nilalang sa kasalukuyan. Sino pa nga ba ang aking tinutukoy kundi ang nag-iisang Nobita. Hindi mo mawari kung tama nga ba talaga o gusto lang ng isang mabilis na solusyon sa kanyang problem.

Sa mga hindi nakakakilala kay Doraemon siya lang naman ang isa sa mga sikat na karakter na ginawa na nilikha ni Fujiko Fujio noong 1969 at isa itong manga series na naglalaman na 45 na volume.

Take-copter
Ang bawat episode o chapter ng Doraemon ay napupulutan ng magagandang aral kaya naman kahit sabihin natin na nakakakuha ang bawat eksena sa mga chapter nito ay sa bandang huli andun pa rin ang moral value nito. Kaya naman hindi nakakapagtaka kung bakit maraming nahumalig kay Doraemon at syempre sinong batang 90s ang hindi nangarap magkaroon ng mga gadget ni Doraemon katulad na lamang ng ilan sa mga sikat na gadget na meron si Doraemon ay ang "mahiwang memory bread" kung saan ginamit ito ni Nobita para mas . Isa din sa madalas na gamitin na gadget ni Nobita at Doraemon ang "Take-copter", isa syang helmet na may malaking propoller kung saan kaya kang dahil nito kahit saan. At ang isa sa the best na gadget na meron si Doraemon ay ang "time machine" na isa rin ito sa mga paborito ko sapagkat dito maari mong makita ang hinaharap at ang nakaraan mo, ito ung tipong napapaisip ka na lang na sana ginawa ko yung mga ganun bagay o hindi kaya naman sana ganito na lang ang ginawa mo. Aminin mo minsan ikaw din nasagi sa isip mo ang mga ganun bagay hindi ba?

Kaya bilang pagtanaw ng magandang loob ay muling magbabalik si Doraemon sa ating feeling at magbibigay ng kakaibang saya sa ating lahat, hindi lamang sa Mega Manila kundi sa karatig lungsod nito mula sa paaralan hanggang sa paborito ninyong mall makikita at makakasalamuha ninyo na si Doraemon at ang iba pang cast nito.

Doraemon Roadventure Mall Tour Schedule


Dahil nga meron Doraemon Roadventure Mall Tour si Doraemon syempre may kasama itong palaro maliban sa meet and greet segment hindi ba?

Meron dalawang klaseng Doraemon Roadventure Mall Tour si Doraemon una ang Doraemon Van kung saan makikita mo ang munting silid ni Nobita at pwede kang mag picture hanggat gusto mo at ang ikalawa naman ay ang Inflatable puzzle.

Doraemon  Inflatable puzzle.
Kung magtatanung ka kung meron ba itong bawat o may bibilhin ka na merchandise para lamang makapasok dito, ang sagot sa tanung na iyan ay wala. OO wala kang kailangan bayaran pero may gagawin ka para makapasok ka sa Doraemon Roadventure na ito. Simple lang naman Like - Shoot - Post - Win ayun lang 5 steps lang para makapasok ka.

So alam mo na kung paano sumali ha! Kaya naman wala ka ng kawala pa at hindi mo na kailangan pa magtanung kung libre at maliban pa dito pwede ka pa makakuha ng libre o unlimited merchandise kung saka-sakali.


So kita-kits tayo sa unang Doraemon Roadventure Mall Tour, aasahan ko kayo doon ha!

Para sa iba pang mga larawan patungkol sa Doraemon Roadventure Mall Tour maari lamang pumunta sa AXL Powerhouse page.

Comments

Popular Posts