Philippine Proverbs Book Launch


Sabi nga nila kung wala kang ginagawa o pinagkakabalahan magbasa ka na lamang ng isang aklat kahit sa isang araw lamang sapagkat dito mo mailalabas ang iyong natatagong talino na meron ka naman dapat.

Isa sa mga mahahalagang bagay sa akin ang aklat sapagkat dito mo makikita kung paano ka makakagawa ng isang bagay na pwede mo naman gawin. Kaya naman kahit busy ako sa mga ibang mga bagay ay hindi pa rin nawawala sa akin ang hilig sa pagbasa ng mga aklat.

Kaya naman noong naimbitahan ako na umattend ng isang book launch ay kaagad akong umoo sapagkat bibihira na lamang ngayon sa henerasyon na ito ang tumungo sa mga ganitong ganap sapagkat ilan sa kanila ay mas nagfocus na lamang sa mga makabagong kagamitan sa pagbabasa katulad ng e-book. Wala naman masama sa bagay na iyon ngunit iba pa rin sa pakiramdam kung mismong libro ang iyong hawak.

Ms. Neni Sta. Romana-Cruz nagbahagi ng ilang salawikan.
Nakakatuwa lamang ung nalaman ko na ang book launch pala ay patungkol sa salawikan ng Pilipinas with a twist ibig sabihin nito nakasalin ang ilan sa mga salawikain sa iba't-ibang dialect sa Pilipinas katulad ng Kapampangan, Bicolano, Waray at iba pa.

Narito ang ilan sa mga halimbawa ng Philippine Proverbs

Walang tumataban ng palayok na di nauulingan. - Tagalog
No one holds the pot without soot in the hand.  -English

Saray gamet na lima, aliwan pareho ra. - Pangasinense
Not all five fingers on a hand are the same. - English

Kadali makatapos it istorya ko sa makatapos it obra. - Aklanon.
Easier to finish a story than a job. - English

Di ba nakakaaliw basahin ang aklat ni Ms. Neni Sta. Romana-Cruz hindi lamang natututo ng mga salawikain kung natututo ka din malaman ang ibang lengwahe sa Pilipinas na kung tutuusin ay unti-unti na silang nawawala dahil sa makabagong teknolohiya na meron tayo ngayon. Kaya naman laking pasasalamat ko sa Tahanan Book na nakakaisip sila ng mga ganitong klaseng konsepto na hindi kumukupas na talaga naman na pwedeng gamitin ng iyong magiging anak sa hinaharap.

Dahil andoon na rin lamang ako ay nagkaroon kami ng pagkakataon na kapanayamin ang mismong awtor ng librong Philippine Proverbs  na si Ms. Neni Sta. Romana-Cruz


Isa sa nakakagulat dito ay mahabang research ang kanilang ginawa para lamang mabuo ang Philippine Proverbs sapagkat inangkop din ito para sa lahat ng mambabasa kaya naman kung babasahin mo mabuti ang Philippine Proverbs ay dito mo malalaman na ang bawat rehiyon sa Pilipinas ay may sarili talagang maniniwala ngunit kung nanamnamin mo itong mabuti ay masasabi mong parehas lamang kayo nagkataon lang na iba ang estilo ng pagsabi at pagbigkas.

So paano hanggang dito na lamang ako hanggang sa susunod na yugto ng paglalakbay at dapat pagnagkita tayo ay meron ka ding baon na salawikain.

Comments

Popular Posts