Gerald Anderson nagtatag ng isang foundation para sa kalikasan


Matagal-tagal na rin sa mundo ng showbiz si Gerald Anderson masasabi kong marunong na syang magdala ng kanyang sarili bilang isang tao sa loob ng isang magulong mundong kanyang pinasukan.

Sa mga hindi nakakaalam si Gerald Anderson ay nagsimula sa Pinoy Big Brother Teen Edition kung saan naging runner-up siya ni Kim Chiu at pagkalabas na pagkalabas niya ng bahay ni kuha ay naging tuloy-tuloy na ang kanyang karera sa showbiz, isa sa mga hindi malilimutang karakter na kanyang ginampanan ay ang "Budoy" kung saan umani siya ng maraming magagandang puri dahil sa kanyang akting galing sa pag-arte kaya naman hindi na nakapagtataka pa kung bakit naging sunod-sunod din ang kanyang mga naging proyekto sa kapamilya network.


Kaya naman sa kanyang sampung taon sa showbiz may panibagong hamon na naman siyang gagampanan sa kanyang buhay, walang iba kundi ang kanyang foundation. Isang foundation kung saan magbibigay ng tulong tuwing sasapit ang kalamidad sa bansa na maari talagang makatulong. Lalo'y na nagsimula pala ito noong nagakaroon ng isang mabagsik na bagyo na tumama sa atin bansa kung saan nagkaroon din siya ng pagkakataon na tumulong sa iba, kaya naman naisip nya na bakit hindi gawin isang mas maayos at mas kapaki-pakinabang ang mga bagay. at dito na nga nagsimula ang kanyang foundation.

Panoorin ang isang panayam kay Gerald Anderson patungkol sa kanyang Gerald Anderson Foundation.


Sa darating na March 7, 2016 ay magkakaroon ng benefit dinner para sa kanyang foundation kung saan imbitado ang kanyang mga kaibigan at pamilya na nagaganapin sa La Reve Events Venue in Quezon City at dito na rin pormal na ipapakilala ni Gerald ang kanyang Gerald Anderson Foundation.

About Gerald Anderson Foundation Inc.

The Gerald Anderson Foundation Inc. is non-profit volunteer organization serving the Philippines and the World committed to providing prompt response with specialized canines, highly trained personnel and equipment that aid and assist in the recovery of missing persons.


Para sa iba pang mga larawan ng interview na ito maari lamang kayong tumungo sa opisyal na fanpage ng AXLPowerhouse o hindi naman kaya ay tumungo sa Youtube Channel.

Comments

Popular Posts