|
Ballet Philippines' Gabriel Barredo's OPERA |
Ballet Philippines' Gabriel Barredo's OPERA is one of the best, awesome and erotic show na napanood ko sa unang pasabog ng 2016. I think ito ang the best theater show na napanood ko sa Ballet Phillipines. Hindi ko alam kung paano ko isasalarawan ang buo dahil sa sobrang galak ko habang pinapanood ko ito, biruin mo ba naman lahat ng uri ng sining ay napagsama-sama nila mula sa sculpture, sayaw, musika, visual arts at iba pa.
|
Ballet Philippines' Gabriel Barredo's OPERA (The Act of Death) |
Simulan natin sa stage ng Opera akala ko ung una ay magiging simple design lang ang gagawin nila sapagkat noong nakita ko ang mini design na ito ay medyo nahirapan ako kung paano nila ito gagawin sa big stage, kaya naman nagulat ako ng lubusan noong itinaas na ang kurdon ng entablado sapagkat kamangha-mangha ito at bilang mahilig ako sa mga ganitong klaseng arts naaliw ako at masasabi ko mautak ang pagkakahabi ng mga exhibit na ito sa entablado.
|
Ballet Philippines' Gabriel Barredo's OPERA |
Ang musika ng Ballet Philippines' Gabriel Barredo's OPERA akala ko noong narinig ko na ang musika nila noong rehearsal ay hindi na ito magbabago ngunit subalit nagkamali na naman ako sapagkat live ang musika na kanilang ginamit dahil meron silang mini orchestra kung saan ramdam na ramdam mo ang bawat pintig ng musika. Kaya naman hindi ka lamang maaliw sa palabas pati ang iyong pandinig ay maaliw din. Isipin mo ba naman na unang bubungad sa iyo ay isang simple musika na naging hele sinundan ng kakaibang timpla hanggang sa ilusyon na natapos ang nakakakot na animo'y kasama ka nila sa musikang kanilang ginawa. Kaya naman may mga eksena na hindi mo alam kung anu ang damdamin na gusto mong ilabas dahil nadadala ka na ng indayog ng musika nila. Kaya naman kudos ako sa mahusay na pag-aareglo ng musika na sinamahan pa ng mahusay ng ilaw na mas lalong nagbigay ng kakaibang karanasan gamit ang iyong mata.
|
Ballet Philippines' Gabriel Barredo's OPERA (c) Erickson Dela Cruz |
Ang mga ballerina at ballerino ng Ballet Philippines, isang malaking kabog to the max ang kanilang ginawa, mapangahas ang mga kilos na aninoy kakainin ka ng buo sa bawat indayog ng kanilang mga katawan. Sa act one pala kung saan nakikita mo na sa kanilang mga sayaw kung paano nila binubuhay ang bawat eksena na akala mo talaga nanood ka ng isang silent film noong araw ngunit ang pinagkaiba nga lang nila ay mas may buhay sila sapagkat may kasamang kakaibang musika.
|
Ballet Philippines' Gabriel Barredo's OPERA (c) Erickson Dela Cruz |
Isa sa mga masasabi kong nagbigay ng atensyon sa akin ng lubusan ay ang Act two sapagkat may mga eksena dito na kailangan mong intindihin ng lubusan dahil sa bawat galaw ng kanilang mga katawan ay nag-iiba ang mga interpretasyon mo samahan mo pa na ang daming nagaganap sa bawat sulok. Kaya naman hindi basta-basta ang lahat. Marahil dahil masyadong sensitido ang mga eksena kaya kailangan nilang gawin ito ngunit para sa akin dito ko nakita na iba na ang level ng pagsayaw nila dahil mas may intense na, hindi na sila ung dating mga ballerina na pacute lang dahil ang kwento kanilang binubuhay ay parang nasarealidad na. Ang huling act, ang kamatayan na masasabi kong isa sa mga naging paborito ko sa lahat ng act na kanilang ginawa sa Gabriel Barredo's OPERA marahil dahil gusto ko ng mga ganung mga eksena na animo'y hindi mo na alam ang gagawin dahil maraming nangyayari ngunit dito sa act na ito napatunayan na iba ang gusto mo sa maaring matupad.
|
Ballet Philippines' Gabriel Barredo's OPERA (c) Erickson Dela Cruz |
All in all masasabi kong sulit na sulit ang panonood mo ng isang palabas sa teatro kung ganito ang iyong masasaksihan dahil kumpleto ang rekados na meron sila at salamat din syempre sa kanilang guest choreographer Redha dahil naipahatid niya ang Gabriel Barredo's OPERA sa lahat ng dimension.
Catch the Ballet Philippines' Gabriel Barredo's OPERA on February 13, 14 and 16 at the Cultural Center of the Philippines' Tanghalang Nicanor Abelardo (Main Theater).
Para sa iba pang mga larawan ng Ballet Philippines' Gabriel Barredo's OPERA maari lamang kayong pumunta sa opisyal na fanpage ng
AXLPowerhouse.
Comments
Post a Comment