Mangan Ta Na : Seafood Island, Circuit Makati


Sabi nga nila isa mas mapapasarap ang kwentuhan ng barkada kung may kasamang kainan lalo't pa ito ang magbibigay ng buhay sa lahat. Kaya naman isa sa bagong kainan na makikita sa bagong sibol na lugar sa  lungsod ng Makati ang Circuit Makati kung saan dito dati nakatayo ang Sta. Ana Race Track.

Anu pa nga ba ang tinutukoy ko kundi ang paboritong kainan ng mga magbabarkada lalo na kung swak naman sa budget ang hinahanap mo, walang iba kund ang Blackbeard's Seafood Island. Hindi ko masasabi na first time ko sa restaurant na ito sapagkat madalas na rin ako dito, hindi nga lang dito sa Circuit Makati kundi sa ibang branch nito katulad sa Southmall at Mall of Asia kaya naman hindi na bago sa akin ang ganitong uri ng restaurant. Sabihin na natin na may mga bago ngunit minimal lang naman pero malaking impak ito kung tutuusin lalo na kung bago ka lamang sa Blackbeard's Seafood Island.

Tara samahan mo ako bigyan ng kakaibang treatment ang lugar at pagkain ng Blackbeard's Seafood Island sa Circuit Makati,


Simulan natin sa ambiance ng lugar Blackbeard's Seafood Island,Circuit Makati ay masasabi kung malaki at spacious kung baga hindi makisip at maaliwalas tignan sinamahan pa ng beach atmosphere na paining sa dingding. Kaya naman massabi ko na swak at pwedeng-pwede ang magbarkada na pumunta at kumain dito.

Ito na ang inaabangan ng lahat ang pagkain ng Blackbeard's Seafood Island,Circuit Makati, well dahil nasabit lang naman ako dito sa pagkain na ito (hindi biro lang), ang totoo naman may pre-order na kami para hindi na mahirap pa ang staff kung anu ang ihahain sa amin para pagdating namin yun, mamangan (kakain in kapampangan) na lamang kami.

Narito ang ilan sa mga putaheng aming tinikman sa Blackbeard's Seafood Island, Circuit Makati

Blackbeard's Seafood Island Tali Beach Boodle
Ang nagustuhan ko dito sa Tali Beach Boodle ng Seafood Island ay yung isda at hipon nila sapagkat hindi malansa at masarap kainin lalo syempre kung kakamayin mo ito maliban pa dito ang kanilang mangga na talaga naman maasim, kaya naman mapapasarap ang kain mo dahil hindi nakakaumay ang bawat subo mo.

Blackbeard's Seafood Island' Pansit Espesyal con Lechon Kawali
One of the best pansit na natikman ko dahil sa kakaibang timpla nila marahil siguro nadali ito ng masarap na lechon kawali, kaya naman sa hindi masyadong mahilig kumain ng seafood o hindi naman kaya ay may allergy, isa ito sa marerecomend ko na orderin sa Blackbeard's Seafood Island.

Blackbeard's Seafood Island' Garlic Smothered Jumbangos
Alam natin na ang bangus ang isa sa mga isdang mahirap kainin sapagkat ang dami nitong tinik kaya naman ilan sa atin ay hindi ito kinakain o mas tamang sabihin na bihira itong lutuin ngunit sa Blackbeard's Seafood Island ay masasabi kung ginawan nito ito ng paraan sa abot ng kanilang makakaya, hindi ko sinasabing wala itong tinik dahil mahirap alisin yun kundi kakaunti na lang ang tinik nito ung tipong malambot na tinik na pwede mong kainin.

Blackbeard's Seafood Island' Mt. Apo Boodle
Akala ko ang Mt. Apo inaakyat lang yun pala pwede na pala siyang kainin akalain mo yun, pambihira hindi ba?! Isa ito sa masasabi kung naging paboito ko sapagkat andito na ang lahat ng hahapin  mo mula sa lupa hanggang sa tubig na pagkain katulad ng manok, baboy, isda, alimango o hindi naman kaya ang buko, oh hindi ba saan ka ba? Panigurado akong gusto din itong subukan ng mga tropa lalo ba ang kanin nila ay may garlic rice kaya naman gaganahan ka ng sobra!

Blackbeard's Seafood Island' Pinoy Nachos
Nachos with a twist of Pinoy, kakaiba po siya anu po. Yaan ang salita na yan ang una kung nasabi pagkatapos kung tumikim nito, kakaiba dahil may mangga hinog na nagbibigay ng kakaibang blend ng paglasa sa iyong dila na sasamahan pa ng kakaibang deep sauce, ayeee talaga kaya naman ang bilis namin naubos ito. Marahil masasabi ko talaga na pinoy nachos siya dahil tayong mga pinoy ay mahilig talaga sa matatamis na pagkain.


Blackbeard's Seafood Island' Valentine's Boodle
 Uso pa ba ang ganitong klaseng putahe,, isang malaking bakit?! #sabayangpaglaslas hahahahah.. ang intense di ba? lalo na kung single ka tapos ito ang order mo naku po! Pero seryoso kung may partner ka naman at gusto mo siyang itreat sa kakaibang paraan na putahe na swak sa budget mo, bakit hindi mo subukan ang kanilang Blackbeard's Seafood Island' Valentine's Boodle kung saan kumpleto mula sa panghimagas na fruit salad, ulam na may pork at seafood at syempre meron din inumin yan na red ice tea, oh di ba? swabe na siya para sa inyong dalawa tapos nagkakamay pa kayo, naku pa mas romantic kung nagsusubuan kayo nito.. ayy pag-ibig nga naman oh. hahaha...

Kaya naman kung ako sa iyo at ng barkada mo subukan ninyo din minsan ang Blackbeard's Seafood Island panigurado ako na hindi kayo mabibigo lalo't pa ang mga staff nila ay madaling lapitan at mabilis kumilos.

So paano mamangan na tamu aku ne, sunod na kayo ne!

Para sa iba pang larawan na naganap sa boodle fight na ito maari lamang bumusita sa opisyal na facebook page ng AXLPowerhouse.

Comments

Popular Posts