Movie Review : Spotlight
Masasabi ko na isa sa mga nagustuhang kong pelikula sa unang yugto ng taong 2016, ang Spotlight na sinulat ng nag-iisang McCarthy at Josh Singer at dinirek ni Tom McCarthy. Noong unang narinig mo ang pelikulang ito nacurios na ako kung paanong timpla ang kanilang gagawin lalo't pa alam naman natin lahat na isa sa makapangharihan ang kanilang kakalaban sa pelikula na ito. Ngunit subalit nagawan nila ng maayos at malalim na paglalahad ng kwento.
Ang kwento ng "Spotlight" ay tungkol sa simbahan, oo sa simbahan kung saan maraming nangyayari na hindi nakikita ng karamihan dito at isa sa nagiging biktima nito ang mga kabataan. Habang pinapanood at ninanamnam ko ang mga eksena dito hindi ko mawari kung gaano katalino ang pagkakasulat ng kwento dahil ang kwentong "Spotlight" ay totoong nangyari sa buhay. Kung makikita ninyo o mapapanood ninyo ito ang Spotlight ay isang team sa dyaryo sa Amerikana kung saan nag-iimbestiga sila ng isang bagay na sa tingin nila ay may mali. At isa sa mga naging subject nga nila ang simbahan kung saan nagkaroon ng "child sex abuse" sa Boston area sa pamamagitan ng mga Roman Catholic priests.
Isa sa mga nagustuhan ko sa Spotlight ay hindi basta-basta research ang kanilang ginawa sapagkat hinalukay talaga nila ang problema o ang systema ng simbahan kung bakit at paano nangyayari ang ganung klaseng pang-aabuso at bakit madalang pa sa patak ng ulan ang mga ganitong cases na nababalita gayung isa na palang itong problema.
Kaya naman hindi na ako magtataka pa ng lubusan kung bakit umani sila ng maraming nominasyon sa Academy Awards kabilang na dito ang Best Film Editing, Best Supporting Actor, Best Original Screenplay at Best Director.
My Personal Point of View
My Point of View sa Spotlight simple lang not a new story but how they really do a honest and well done research pagdating sa ganitong usapan. Kagaya ng nasabi ko kanina hindi basta-basta ang kanilang kinalaban at maari silang kasuhan sa kanilan ginawa ngunit dahil nga ebidensya at masusing research na kanilang ginawa masasabi kung hindi ito basta-basta matatawaran. Kung mahal mo talaga ang iyong trabaho at mas malasakit ka sa iyong bayan panigurado gagawin mo din ito.
Kagaya nga ng sabi ni Karl Vladimir sa Ligo na U, Lapit na Me, "Hindi lahat ng tama, totoo."
Pahabol kailangan mong tapusin ang palabas na ito para malaman mo kung kasama ba ang Pilipinas sa "child sex abuse" issue na ito at kung ilan Archdiocese ang kasama sa Asia at sa buong mundo.
Movie Rate : 4/5

Comments
Post a Comment