Weekend Getaway : Museo Orlina (Tagaytay)


Sabi nga nila kung gusto mo makilala ng husto ang isang bagay dapat mo itong puntahan at namnamin ang mga impormasyon na gusto kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pa na sumama sa isang masayang getaway na ito, oo tama kayo muling nagbabalik ang isa sa mga namiss ko ang maggala sa labas ng Kamaynilaan kumbaga pamsamantala muna na nating kalimutan ang mga bagay na alam naman naman masakit at mahirap, naks hugot kung hugot sa linya na iyon. Balik tayo sa paksa oo ito na nga muling nagbabalik ang isa sa mga paborito kung segment sa aking munting tahanan sa blog na ito ang Weekend Getaway kung saan tampok ang isa sa mga dinadayo at masasabi ko rin atraksyon ng Tagaytay ang Museo Orlina ni Ramon Orlina. Sino nga ba ang hindi makakakilala sa isang Ramon Orlina para sa inyong kaalaman si Ramon Orlina lang naman ang isang mahusay at magaling na sculptor maliban pa dito isa siya sa mga hinahangan sa paggawa ng glass murals at sculptural design sa ating bansa, isa sa mga kilalang nagawa niya ay ang Arcanum XIX Paradise Regained nakikita sa chapel ng greenbelt.


Kaya naman laking tuwa ko noong nalaman ko na bibisitahin namin ang kanyang museo sa tagaytay at hindi lamang yun makikita at makakausap pa namin ng personal si Mr. Ramon Orlina sa kanyang mga likha.

Narito ang aking video kung saan nagkwekwento si Ramon Orlina patungkol kung paano nga ba niya nililikha ang kanyang obra,


Tara samahan mo akong alamin kung anung bago at makikita sa loob mismo ng kanyang Museo Orlina.

 Bilang isang mahilig sa mga arts masaya ako na makita at malaman kung paano nga ba ginawa at nabuo ang isang museum na ito at kung gaano nga ba kahalaga sa ibang tao ang Museo Orlina.

Sa isang panayam namin sa kanya ang lugar kung saan nakatayo ang Museo Orlina ay hindi niya pag-aari sa umpisa sapagkat nagrerenta lamang sila dito ngunit dahil nga sa dumadaming mga koleksyon at gawa ni Ramon Orlina ay naextend ito ng na extend kung saan buong gusali na ang nagamit nito kaya naman hindi na nagdalawang isip pa na bilhin na ni Ramon Orlina ang gusali na ito. Kaya naman kung papasok ka sa Museo Orlina ay para ka na rin pumasok sa isang bahay na puno ng sining at pagmamahal, oo magmamahal sapagkat dito mo makikita ang mga likhang gawa ni Ramon Orlina ng malapitan at hindi lamang yun pwede ka pangmagpicture ng malapit at malalaman mo din ang kasaysayan ng bawat obrang kanyang mga ginawa.


Narito pa mga obra makikita sa loob ng Museo Orlina.



Hindi ba nakakamangha sa loob , oo mukhang simple lamang ngunit kung bibigyan mo ng halaga ang bawat gawa niya dito mo malalamn na sobrang importante ng mga likha na ito, ilan sa kanyang mga nilikha ay makikita sa loob at labas ng bansa isa na dito ang nabanggit ko kanina na Arcanum XIX Paradise Regained na makikita sa Greenbelth Chapel, ang UST Quadricentennial  (Quattromondial) na makikita sa loob ng Pontifical and Royal University of Santo Tomas. Hindi ba kahanga-hanga kaya naman hindi ako magtataka pa kung bakit sobrang ganda niyang gumawa ng obra maestra.


Makikita din sa Museo Orlina ang iba't-ibang mga gawa ng ibang sculptor at artist katulad ni Tangpinco at ni Bencab.


 





 Masasabi kung worth it ang pagod mo sa byahe pagnakita mo ang loob ng Museo Orlina what more pa kaya pagnasa labas na. Ang view lang naman na makikita mo sa Museo Orlina ay ang sikat na bulkan ng Taal na ang sarap pagmasdan lalo't pa masarap ang simoy ng hangin na talaga naman na hindi mo mararamdaman sa Kamaynilaan.


Marahil magtatanung din kayo kung magkano ang entrance fee sa Museo Orlina, mura lamang Php 100 sa regular at Php80 naman sa student o senior citizen.

Ang Mueo Orlina ay madaling hanapin sapagkat malapit lamang ito sa highway ng Tagaytay. 

So paano hanggang dito na lamang ang aking munting weekend getaway sana makapasyal ka din sa munting museo na ito.

Para sa iba pang mga larawan tumungo lamang sa opisyal na facebook ng AXPPI.  

Comments

Popular Posts