Movie Review : #WalangForever (2015 MMFF Entry)


Naniniwala ka ba sa Forever? Isa yan sa mga madalas mong makita sa mga iba't-ibang mga social media networks ngayon lalo na ngayo taon kung saan nauuso ang mga banat lines o hugot lines. Pero ung ikaw mismo ang tatanungin sa bagay na ito, naniniwala ka ba sa Forever?
Isa sa mga entry ngayon Metro Manila Film Festival 2015 ang #WalangForever na dinirek ng isang magaling na director na si Dan Villegas, sinulat ng magaling na manunulat na si Paul Sta. Ana at pinagbibidahan ng mga magagaling na artista ng kanilang henerasyon na si Jennylyn Mercado at Jericho Rosales kasama din ang ilang mga magagaling din theater actors na sina Jerald Napoles, Nico Antonio, Pepe Herrera, Cai Cortez, Kim Molina at marami pang iba.

Ang kwento ng #WalangForever ay simple lang ngunit mararamdam mo ang mga halo-halong mga emosyon na maari mong makita sa isang tao lalo na kung tungkol ito sa pag-ibig ganyan nagsimula ang kwento na sinabuhay sa pelikula sapagkat ang nagsulat ng kwento ay walang iba kundi si Mia na ginagampanan ni Jennylyn Mercado ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon may kakaibang nangyari sa kanilang lovestory ni Ethan na ginagampanan naman ni Jericho Rosales.

#WalangForever Movie Review

Tara samahan mo akong bigyan pansin ang mga bagay na maaring masasabi mo nga na #WalangForever.


Sa simula ng isang kwento na kung saan nagmahal ka ng lubusan, nasaktan, naiwan at nagmahal muli. Isang kwentong sumasalim sa iyong sarili at sa iyong pag-ibig noong napanood ko ang trailer na ito naisip ko na maari kumbinasyon ito ng English Only Please at ng That Called Thing Tadhana ngunit ung napanood ko na ito akala ko isang sweet romantic comedy ang dating ngunit nagkamali pa pala ako ng sapagkat isa siyang kwento na may saysay na masarap balikan ang bawat eksena sa na masasabi mong "ui pwede pala yun o kaya ay nangyari sa amin yan ni ganito", masarap umibig oo pero dapat kung iibig ka ng husto dapat marunong kang umunawa at magbigay ng halata sa iyong karelasyon hindi lamang sarili ang iyong inisip, isa yan sa mga tinalakay sa kwento ng #WalangForever na kung saan may eksena sina Mia at Ethan na gusto ng ipakilala ni Ethan si Mia sa kanyang ina ngunit dahil may ipinili ni Mia ang trabaho kumpara sa pag-ibig, isa sa mga hindi ko malilimutang eksena dito ay binanggit ni Ethan ang isang linya nagbigay ng aking atensyon, "Isama mo naman ako sa dreams mo, kasi ikw kasama ka sa mga plano ko" hindi ba? isang malalim na hugot yun kasi minsan sa isang relasyon hindi na natin napapansin na may mga bagay na plano tayong nakakalimutan.

Bibigyan ko din ng isang magandang palakpak si Kim Molina sa kanyang nakapagandang pagganap bilang Luli na bespren ni Mia, isa sa mga nagustuhang kung eksena niya ay kung saan nagkaroon sila ng argumento ni Ethan sa isang party na talaga naman nakakwindang sa gulat noong nalaman niya na ang tunay na dahilan kung bakit na nga nasasaktan si Mia ng ganun-ganun, masasabi kong she deserve the spotlight on that scene! Bravo Kim!

Si Tonypet na ginagampanan naman ni Jerald Napoles isa sa mga best scene niya para sa akin yung eksena nila ni Luli sa isang coffee shop kung saan gumawa-gawa sila ng kwento para lang hindi umalis kaagad si Mia na talagang nagbigay sa akin halaklak  at kung tatanungin ako sa eksena na yun na kung nangyayari pa ito sa tunay na buhay, oo naman sobrang lalo na kung may kaibigan ka na talaga naman gusto mong tulungan at mabigyan ng solusyon sa kanyang problema at isa pang eksena kung saan humingi ng advice si Tonypet kay Mia na talaga naman na bihira lang natin makita noong totoo.

Si Aldus na ginagampanan naman ni Pepe Herrera aaminin ko na hindi ako sanay na makita siyang umakte ng seryoso sapagkat kadalasan ko siyang nakikita sa teatro o sa telebisyon na comedy kaya naman nagulat ako sa kanyang pinamalakas na angking galing, isa sa mga masasabi kung naging spotlight niya sa #WalangForever ay ang pagsabi niya na "Anu masaya ka na, bakit ganyan kayo...." ang ikli lang na linya na yun pero ang intense tagos kung tagos talaga sa manonood. Kaya naman saludo ako sayo chief!

Sabi ng marami na ito daw ang "English Only Please V2.0" sapagkat sa medyong hawig na pag-atake ng story ngunit kung bibigyan mo ng masyadong malalim ang mga bawat eksena doon mo makikita na magkaiba sila sapagkat sa pelikulang ito mas tinutukoy nila ang sakit, kirot at sarap ng tunay na mag-ibig ika ko nga kanina ito ang kwento na totoo o hindi basta-basta kwento lang.

Muli congrats sa lahat ng bumubuo ng #WalangForever sa maganda at malinaw na kwento.

Isa ang  #WalangForever sa opisyal na entry ng Metro Manila Film Festival 2015.

Movie Rate : 4.5 / 5



Comments

Popular Posts