Mangan Ta Na : Quezon Buffet at FisherMall
Quezon Buffet ang isa sa pinakabagong buffet restaurant na patatagpuan sa pusod ng Quezon City, isang buffet na masasabi kong kakaiba ng kaunti ang konsepto ngunit may laman at pinaghuhugutan kung bakit nga ba sa Quezon City nila mismo napili na itayo o ilagay ang Quezon Buffet, ayon mismo sa kanilang chef na si Chef Kalel Chan kaya nila napili ito sapagkat gusto nila muling ibalik ang isang tradisyon ng kasaysayan na munting-munting nawawala dahil sa makabagong panahon.
Bakit nga ba Quezon Buffet ang napiling pangalan ng restaurante na ito? Simple lamang ang naging sagot ni chef Kalel Chan ukol sa bagay na yan gusto niyang maging malapit ang ilang kabataan o mga taong dadayo sa Quezon Buffet na makilala muli ang mga bayani ng ating bayan gamit syempre ang pagkain sapagkat alam naman nating lahat na ang pagkain o mas tamang sabihin na mag handaan o piging na nagaganap ay mas mapapadali ang mga bawat pag-uusap ukol sa iba't ibang mga bagay.
Syempre dahil andito na rin lamang kami nagkaroon kami ng pagkakataon na makapanayam si Chef Kalel Chan ng husto sa iba pang detalye sa Quezon Buffet, narito ang ekslusibo naming panayam.
Kaya naman di ako magtataka pa kung dudumuin sila ng mga madla dahil simple lang ang buffet na meron sila, isang simple buffet na magbibigay sa iyo ng munting alaala habang kumakain ka sa Quezon Buffet sapagkat walang arte-arte ang mga putahe na kanilang hinahain para lamang sa iyo.
Para samahan mo akong libutin at bigyan ng pansin kung anung meron sa Quezon Buffet na wala ang ibang buffet restaurante.
Una kung napansin sa loob ng Quezon Buffet ay ang kulay na ginamit simpleng simple hindi masakit sa mata at liban pa dito nagbibigay ito ng isang ilusyon na malaki ang lugar dahil sa kanilang kulay na pinili.
Ikalawa malinis tignan ang lugar isa ito sa mga madalas kung pansinin lalo na kung kakain ako sa isang buffet resturante sapagkat dito mo masusukat kung ang konsepto ang gusto nilang iparating sa tayo
Ikaapat ang pagkain masasabi ko na pinaghahalong putahe na meron sila dito kumbaga parang nalibot mo na ang Pilipinas dahil sa kanilang putahe na talaga naman magbibigay sa iyo ng kakaibang ngiti lalo na kung isang kang traveler. Ilan sa mga masasabi kung best seller nila ay ang mga Lechon Baka, Gambas, Dinakdakan, Paella, Salad with Pako, Turon with Langka at Frozen Brazo.
Masasabi kung may katulad din na konsepto ang Quezon Buffet ngunit subalit may kakaibang tanglaw na sangkap naman sila sa kanilang putahe, isa sa mga naging paborito ko dito ang Paella at ang pork sisig na talaga naman nagpapaalala sa akin ng kapampangan cuisine.
Ang panghuli sulit na sulit ang ibabayad mo sa Quezon buffet sapagkat ang mura lamang nila kumpara sa ibang buffet restaurante.
So paano hanggang dito na lamang ako sana makita kita sa Quezon Buffet sa mga darating na araw malay mo magkita tayo dito.
Para sa iba pang mga larawan tumungo lamang sa opisyal na fanpage ng AXLPowerhouse.
Comments
Post a Comment