Let's Shopping at the Passion Fly Bazaar at Dusit Thani Manila



Sabi nga nila mararamdaman mo na daw ang pasko pag bigla dumadami ang mga bazaar sa iyong paligid at masasabi kong totoo nga iyon sapagkat noong buwan pa lamang ng September ay nagbukas ang isang bazaar na matatagpuan sa isang maganda at komportableng lugar para sa katulad ko na ayaw masyado sa magulong paligid, saan pa nga ba kundi sa  Dusit Thani Manila.


Anu nga ba ang Passion Fly? Base na rin sa akin nalaman noong pumunta ako noong September 19 ang Passion Fly hindi siya isang tipikal na bazaar lamang sapagkat meron itong pagkaunique dahil pinagsama-sama nila ang mga online enterprenuer, celebrities at ang mga bloggers kung saan alam naman natin lahat na may mga kanya-kanya silang mga variation na maari mong makita.


Dahil andun na rin namana ko naglibot-libot na rin ako, unang pagpasok ko pa lang sa Passion Fly Bazaar ay ramdam ko na kaagad ang simoy ng pasko na iyon, ikaw ba naman ay bubungad sa iyo ang isang dekorsyon na christmas mula sa mga palamuti sa pwede mong gamitin sa labas ng bahay hanggang sa mga pangdisplay mo sa loob ng bahay. Isa sa mga nakakatuwa dito ay pwede kang makipag-usap kung paano nga ba nila naisip na mag online seller sila at bakit sila sumali sa bazaar. Bilang isa akong blogger at mahilig rin ako magbenta-benta noong ako'y nag-aaral pa para lamang may pangtustus ako sa mga gastusin sa paaralan, natutuwa ako sa mga istoryang aking naririnig sapagkat lahat naman tayo nagsisimula sa maliit hanggang sa maging malaki na ito at kung naging malaki na ito dapat tumulong din tayo.

Maliban sa pag-iikot-ikot ko sa loob ng Passion Fly Bazaar isa sa mga naging agaw-pansin sa akin ay ang isang photobooth, opo tama kayo ng nabasa may photobooth sa Passion Fly Bazaar at ito ay libre walang bayad, saan ka pa, di ba? Saan ka makakakita ng isang bazaar na may libreng photo booth, nakakaaliw siya kasi ikaw mismo ang gagawa para mapicture mo ang iyong sarili sa photobooth na yun, oo self service siya pero wag kayong mag-alala sapagkat may instruction naman ang booth kung paano siya gagamitin, isa din sa naaliw ako sa photo booth na iyon ay ikaw na rin mismo pipili kung anung theme ang gusto mo, ika nga nila be your self at pagkatapos ay maghihitay ka na lamang ng 3 minuto ayun makukuha mo na ang larawan.

Marryl Photobooth
At isa pa sa nagustuhan ko sa Marryl Photowalk ay hindi siya ung tipika na malaki na picture para lamang siyang bookmark na kung saan pwede mo kaagad ilagay sa iyong paboritong babasahin o hindi naman kaya sa scrapbook.

Narito ang ilan sa mga patinda na makikita ninyo sa loob ng  Passion Fly Bazaar at Dusit Thani Manila.









So paano kita-kits tayo sa Passion Fly Bazaar ha, aasahan kita sa darating na November 8 at sa December 20, 2015 sa Dusit Thani Hotel.

Comments

Popular Posts