Bahay Trese : Knock - Enter - Survive
Sabi nga nila hindi ka matapang natao kung hindi mo pa nasusubukan pumasok sa isang haunted house o mas tamang sabihin na horror house sa isang amusement park maliban na lamang ung may sakit ka sa puso o bawal ka talaga sa ganitong uri kasiyahan.
Isa sa pinakabagong atraksyon ngayon sa Sta. Lucia Mall ang Bahay Trese : Knock - Enter - Survive kung saan mararanasan mo ang kakaibang kilabot at makatinding balahibo na pakiramdam pagnapasok mo na ang Bahay Trese na ito.
Anung ipinagkaiba ng Bahay Trese sa ibang horror house madami aktuli, ito ang unang horror house na ginawa ng World of Fun sa kanilang pinakamalaking branch, ikalawa unang pagkakataon na makipagcollaboration project sila sa isa sa mga mahuhusay na theater production ng bansa ang Philippine Educational Theater Association (PETA) at ng Lightbulb Moments Entertainment, ikatlo merong kwento ang bahay na ito hindi ito basta-basta na lamang na papasok ka na lang at magugulat sa mga mangyayari sa loob, ikaapat masayang produksyon design at value ng bahay oo sapagkat makikita mo na kaagad sa loob nito na pinag-aralan ang mga detalye na siguro akong iyong makikita pagpinasok mo ng husto ang Bahay Trese at ang panghuli meron interaksyon sa loob ng bahay na ito, hindi ko na sasabihin pa ang ibang detalye baka maspoil ko na at wala ng masyadong excitement pagpinasok na ninyo ang loob ng Bahay Trese.
Kaya naman kung atapang na tao ka talaga, bakit hindi mo ito subukan malay mo hindi ka lang matakot sa Bahay Trese matuwa ka pa lalo kung kasama mo sa girlfriend di ba?
Matatagpuan ang Bahay Trese sa 4th Floor World Fun ng Sta.Lucia Mall nakabukas ang Bahay Trese hanggang January 17, 2016,
Maliban pa dito habang naghihitay kang pasukin ang bahay pwede ka magpaface paint o hindi naman kaya ay bumili ng souvenir para may munting alaala ka naman sa bahay na iyong pinasukan.
So paano! Kita na lang tayo sa loob ng Bahay Trese!
Para sa iba pang mga larawan sa Bahay Trese tumungo lamang sa opisyal na AXLPowerhouse fanpage
Comments
Post a Comment