Dinner in the Dark Experience at Zoocobia, Clark Pampanga
Zoocobia, Clark Pampanga |
Pero syempre bago naming maranasanan ang maging bulag ng isang araw ay dadamhin muna naming ang aming mga mata sa Zoobocia. Ang Zoocobia ang isang zoo park resort kung saan hindi ka lamang pupunta sa isang zoo na masasabi mo yun na yun sapagkat sa Zoocobia may pagkakataon ka para makilala ng husto ang mga hayop at makita ang kanilang mismong habitat na kung tutuusin ay doon naman sila bagay.
Masasabi ko din na hindi ka lamang basta mamasyal sa Zoocobia sapagkat meron din silang mga ride na talaga naman na mabibigay sa iyo ng kakaibang saya na wala ang ibang zoo park, isa sa mga nagustuhan ung ride na inooffer nila ay ang Zooc Ride, ito ang kauna-unahang gravity car sa Pilipinas kung paano ito gumagana simple lang naman kung familiar sa inyo ang paglalaro ng bumcar sa isang amusement park parang ganun siya ngunit subalit paslide ang tema niya, exciting hindi ba? Kaya naman noong sinubukan mo ang ride na ito ay naman nasabi ko na lamang sa aking sarili na patok ito sa mga teenager na katulad ko.
Dahil nandito na rin lamang ako sa Zoocobia sinulit ko na rin ang pagkakataon para libutin ito at namnamin ang mga nasa paligid ko lalo't alam ko na ilang sandali na lamang ay magiging bulag na ako pansamantala. Isa sa mga interesting na makikita mo ang Zoocobia ay kanilang Zoocology Museum kung saan tampok ang ilan sa mga impormasyon at interactive na kailangan mo malaman sa mga hayop ng Pilipinas at sa ibang panig ng mundo, isa sa mga nakakaaliw na parte sa loob ng Zoocology museum ay makita mo ng mga buto't balat ng mga di mo akalain na makikita mo katulad na lamang ng camel, ostrich, tiger, horse at iba pang mga hayop.
Syempre pagkatapos kung libutin ang Zoocology Museum maraming naglalaro ang aking isipan, isa na dito ang kahalagahan ng mga hayop sa paligid natin na kahit simpleng kalyeng pusa o aso dapat ingatan talaga at bigyan ng halaga, hindi ko lubos maisip na may mga tao na ayaw sa mga hayop gayung lahat naman na gamit natin ay nagmula sa kanila mula sa ating kinakain hanggang sa aming pananamit.
Dahil natapos ko ng libutin ang Zoocobia at gabi na rin noong natapos namin makita ang dapat makita at namnamin ang dapat. Ito na ang pinakahihintay ng lahat ang "Dinner in the Dark" kung saan pansamantalaga kaming magiging bulag sa gabi na ito, masasabi kung kakaibang karanasan ito sa akin at bago sapagkat sa unang pagkakataon ay wala talaga akong makikita sa paligid kaya naman kagaya ng sabi ng aming guide na si Kuya Froilan dapat mong gamitin ng husto ang natitira mong senses mula sa pang-amoy, pangdama, pangdinig upang malaman mo kung anu nga ba ang dapat mong gawin. Pero bago magsimula ang proseso na iyon nagkaroon muna ng paliwanag kung bakit nga ba merong "Dinner in the Dark" ang Zoomanity base na rin sa impormasyon na nakuha ko isa itong community brings back ng kanilang kumpanya para sa mga taong nabulag at syempre hindi naman matutupad itong community brings back na ito kung wala ang Eye Bank Foundation of the Philippines kung saan sila ang napiling beneficiary ng "Dinner in the Dark".
Pagkatapos ng kaunting orientation kung anu nga ba ang dapat gawin ito na magsisimula na ang kakaibang karasan sa Dinner in the Dark at Zoocobia, unang ginawa sa amin ay syempre tinakpan ang aming mga mata gamit ang isang makapal na panyo upang siguraduhin na wala kaming makikita, ikalawa pinapila kami at kung sino ang nasa unahan sya mismo ang magiging gabay namin sa pagkakataon na ito si Kuya Froilan ang aming gabay at ikatlo ang pagpasok sa isang misteryong silid na animoy nasa isang malamig na kahon dahil sa lamig na binubuga ng aircon, ikaapat gamitin ang lahat ng senses sapagkat ito na ang iyong pagkakataon para malaman mo kung hanggang saan mo kayang gawin ang dapat gawin bilang isang bulag at pang huli ang kainan.
Habang ginawa namin ang aming kakaibang pagkain ay masasabi kung mahirap sapagkat nabubuhay ka lamang sa pagkapa ng mga bagay-bagay at magkaroon ng mga tiwala sa iyong kasama na nakakakita. Habang dinadama namin ang aming mga pagkain nagkaroon kami ng pagkakataon na makausap si Kuya Froilan, oo tama kayo ng iyong inisip si Kuya Froilan ay isang bulag ngunit wag inyo siyang husgahan sapagkat nabulag siya ng hindi sadya(?), ayun sa kanyang kwento ay nagkaroon siya ng sore eye kaya naman pumunta sila sa isang ospital upang matignan at malaman kung bakit siya nagkaroon nito sa hindi inaasahang pangyayari ay imbes na gumaling siya sa sakit na sore eye ay nabulag siya at ang dahilan nito ay ang pagkakamali ng doktor at nurse sapagkat ang laman pala ng eye mo na iyon ay asido. Kaya naman nakakagulat hindi ba? Kaya bago kayo pagpatak sa iyong mga mata siguraduhin ninyo muna na tama ang nasa loob ng bote.
Sa pagtatapos ng "Dinner in the Dark" masasabi ko na dapat bigyan mo ng importansya ang lahat ng bagay na meron ka maliit man ito o malaki sapagkat malaking pakinabang ito sa iyo ng hindi mo nalalaman.
Kaya naman kung gusto mong maranasan ang "Dinner in the Dark" ng Zoomanity meron pa silang natitirang petsa sa darating na November 27 sa Zoocolate Thrills sa Loboc, Bohol na panigurado magiging masaya kung iyong susubukan.
Para sa iba pang mga detalye patungkol sa "Dinner in the Dark" maari lamang kayong pumunta sa opisyal nga website ng www.zoomanity.com.ph o kaya tumawag sa (02)8899824-28, (02)8957142, 09158904728 o kaya mag-email sa zoomanityg@gmail.com
So paano hanggang sa muli nating karanasan sa "Dinner in the Dark" ng Zoomanity.
Para sa ibang larawan na naganap sa Dinner in the Dark Experience at Zoocobia, Clark Pampanga tumungo lamang sa opisyal na fanpage ng AXLPowerhouse.
Comments
Post a Comment