Top 6 Winners in Nissan Philippines GT Academy
Sabi nga nila kung may tiyaga ka sa bawat gagawin mo sa buhay tiyak makukuha mo ang nais mong makarating sa buhay.
Natutuwa ako na marami pa rin mga Pilipino ang mahilig maglaro ng isang virtual race game sa arcade kahit na nasa adolescent na siya pero sa pagkakataon na ito ay hindi lamang ordinaryong laro ang kanilang gagawin sapagkat sasabak sila sa isang totoong laban ng racing kung saan makakaharap nila ang magagaling at malulupit na racing gamer sa ibang bansa.
Anu ba ang itong sinasabi kong virtual race game?
Sa mga di nakakaalam nitong mga nakaraan buwan lamang ay nagpatawag ang Nissan Philippines at GT Academy sa pakikipagtulungan ng PlayStation na gusto sumali at sububok sa isang virtual racing game kung saan dito susubukan ang iyong kaisipan at katawan, oo di lamang siya isang virtual game sapagkat mararamdaman mo talaga ang paglalaro nito pag-andar pa lamang ng laro ay feel na feel mo na ito. Maliban pa dito ang mapipiling mananalo ay makakasama sa isang real f1 racing game na gaganapin sa United Kingdom, oo tama ang iyong nabasa sa UK mismo.
Mula sa 30,000 hanggang sa 20 at sa 6 na mapipili para sumabak sa isang totoong laban ng karera..
Narito ang TOP 6 na napili para lumabas sa United Kingdom.
The Nissan GT Academy in SM Mall of Asia |

Raphael Miru Lesaguis, Luis Cachero, Terrence Aldrich Lallave, Jose Gerald Policarpio, Daryl Brady atMr. Joel Agojo
Nakakatuwang isipin na ang ilan sa kanila ang nagresign talaga upang makasali dito sa labanan na ito, ika nga nila kung di mo kayang subukan ang isang bagay na gusto mo paano mo malalaman kung magiging maganda ang resulta hindi ba?
Kasama din sa larawan na ito sina Mr. Jof Cox (Driving Specialist and GT Academy Specialist) , Ms. Nicki Hewson (events manager), Mr. Marlon Stockinger (Filipino-Swiss -Louts F1 Junior Team race car driver and mentor), Mr. Antonio Zara ( NPI President and Managing Director) and Mr. SJ Huh ( Nissan Philippines NPI .General Manager for Marketing)
Masasabi ko worth it lahat ng mga naging pagod nila sapagkat sigurado na sila na pasok sa UK.
Kagaya nga ng sabi ni Mr. SJ Huh “the final Top Six candidates who successfully hurdle all these challenges can look forward to flying to the Silverstone Race Circuit in UK in August, and compete in the GT Academy Asia leg.”
Hindi ba? Di ka lang nagrace basta-basta lumalaban ka para sa Pilipinas mong mahal!
Narito ang iba pang mga larawan na naganap sa Nissan Philippines GT Academy Final Night.
The top 20 Challengers of Nissan Philippines GT Academy
Mr. Marlon Stockinger enjoy playing the GT Playstation
Mr. Antonio Zara explaining what will gonna happen after they choose the Top 6.
Kaya naman ikaw kung may mga gusto kang pangarap sa buhay dapat gawin mo ito at di ka lang basta-basta mangangarap hindi ba? Katulad din ng Top 6 challengers may ginawa sila kung bakit sila ang napili ng Nissan Philippines GT Academy.
Para sa iba pang larawan ng Nissan Philippines GT Academy tumungo lamang sa opisyal na facebook account ng AXLPowerhouse.
Comments
Post a Comment