SONA 2015 : State of the Nation's Air | Clean Air and Climate Change


Sabi nga ng isang katabi ko sa SONA 2015 : State of the Nation's Air  "Clean Air and Climate Change", mas mainam na nasa probinsya na lamang daw siya sapagkat iba na ang hangin ngaun sa kamaynilaan, hindi na ito katulad ng dati na animo'y kahit maglakad ka ng milya-milya ay hindi ka hihingalin dahil sa mga usok na lumalabas sa sasakyan ay di ma masyadong madumi at marami pang mga puno sa paligid, pero ngayon paglakad ka lamang ng ilang kaunti ay hingal ka na at may bonus pa na pulbo sa mukha ayon nga lamang hindi puti kundi itim ito. Dahil yun sa polusyon na dulot ng mga sasakyan sa paligid lalo't pa ngayon na kahit luma na o masasabi nating di na dapat pang gamitin ang sasakyan ay ginagamit pa rin. Alam naman natin lahat na lahat ng bagay ay may hangganan hindi ba? So bakit pa naman kailangan pilitin na gamitin ito? At anung silbi ng ilang mga ahensya ng gobyerno para tignan ang ilang mga sasakyan sa kamaynilaan at karatig lungsod nito.

Kaya naman hindi na ako magtataka pa kung bakit nagkaroon ng isang pangpupulong (open forum) ang ilang mga Non-Goverment Organization para talakayin ang bagay na ito sa publiko.


Isa ako sa mga naimbitahan upang malaman kung gaano nga ba kahalaga ang malinis na hangin at anu ang idudulot ng masamang epekto sa patuloy na paggamit ng luma, masamang hangin at iba pang katulad.

Bago ko makalimutan ang pagpupulong na ito ay inorganisa ng Coalition of Clean Air Advocates Philippines (C-CAAP) and the United Healers League of the Philippines, Inc. (UHLPI)  upang maturuan at maipamahagi ang impormasyon na kailangan ng lahat at hindi lamang ng iilan.

Kaya naman laking tuwa ko sapagkat may mga NGO talaga na namamahala at nagtatanggol sa malinis na hangin lalo na sa isang katulad na may kaunting asthma.

(c) JA Tudla of http://www.thepromdiboyadventures.com/
Isa sa mga nagustuhan kung topic sa forum na ito ay ang "What has the AQUINO government done in the past five years for CLEAN AIR?", na binigyan diin ni CCAAP Chairman Atty. Leo O. Olarte, MD, oo nga naman ako matagal ng nakaupo ang ating Pangulo ngunit parang wala ata siyang nababanggit patungkol sa bagay na ito? Bakit nga kaya?

At dahil nadito na rin lamang ako ay nagkaroon kami ng pagkakataon para mainterview ay isa sa mga speaker ng SONA 2015 : State of the Nation's Air | Clean Air and Climate Change na si CCAAP President Herminio Buerano Jr.

Narito ang kabuuang pahayag natin sa kanya patungkol sa Clean Air and Climate Change.

Interesting hindi ba? So ikaw handa ka bang bigyan ng halaga ang ginagawa nila at tumulong? At patungkol naman sa gobyerno maririnig kaya natin sa hilig pangkakataon na mababanggit ito ng ating Pangulong Aquino?

Comments

  1. Nice meeting you Axl! :) Abangan natin ang SONA 2015 mamaya!

    Cheers!
    www.thepromdiboyadventures.com

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts