Mangan Ta Na : Bahay Buffet via Moca Family Farm, Padre Garcia, Batangas

Sabi nga nila kung ano ang iyong kinain yun din ang lalabas sa iyo.


Sa unang pagkakataon byumahe sa malayong lugar ng Batangas sapagkat hanggang Lipa lamang ang nararating ko, hindi ko akalain na meron pa lang lugar sa Batangas na Padre Garcia kung saan andun mismo ang Moca Farm.

Paano nga ba ako napunta sa Moca Farm, Padre Garcia, Batangas???

Simple lang via Bahay Buffet.

Anu naman ang Bahay Buffet at anung ginagawa nila para sa Moca Farm?

BAHAY is an acronym for Buffet At Home is Always Yummy.

At BAHAY Buffet, we would like to promote a different buffet experience in a different set up....sa BAHAY (home) of the host.

Who can Host the Bahay Buffet?

A host can be a housewife who simply loves to cook, entertains guests and would like to boast of her specialties.

Host can be an owner of a hole in the wall eatery, a micro-caterer, a newly established specialty resto, a farm owner promoting agri-tourism, a dessert specialty shop owner, a home-based chef with a food drop-off biz, a foodie who loves to eat and cook, or a barbecuer who simply loves to grill and serve buffet!

How Bahay Buffet Works?

Team BAHAY Buffet will assign the host. Once the schedule of the host is finalized, the host's event details will be announced at BAHAY Buffet FB Page. Details will include the Buffet Menus, Rate per person, Date and Venue of the event. Normally, it will be posted 20-30days prior the event.

Interested participant can signify their intention to join by commenting at the post's comment thread. An application form will be sent via email. Once filled up, it must be sent back to Team BAHAY Buffet. The participant will receive a bank payment advise. A CONFIRMATION will only be given after the payment deposit is confirmed.

Team BAHAY Buffet will take care of all the bookings for the host's convenience.

So now you know what is Bahay Buffet all about!!!

Now lets talk about Moca Family Farm.

Hindi na bago sa aking pandinig ang Moca Farm sapagkat una ko silang narinig noong nagkaroon ng book launch ang Moca Family Farm kasama ang ilang mga chiefs ( Read here : What Happens when the Farmers meet the Chefs) kaya naman hindi na ako magtataka pa kung bakit una sa listahan ang Moca Family Farm.

Tara samahan mo akong kung anung meron mismo sa loob ng Moca Family Farm.


Ang  Moca Family Farm ay pag-aari ni Ms. Gigi Morris at ng kanyang asawa kung saan nagsimula lamang sila sa isang maliit at simple farming hanggang sa naisip nila na bakit hindi nila ito gawing isang malaking family farm kung saan lahat ng mga pwede itanim at magamit sa pagkain ay gamitin. Maliban pa dito masasabi kung organic ang kanilang farm sapagkat nakikita mo sa mga bawat halaman ang taglay na kulay at anyo nito, hindi katulad kapag pinilit mong magandahin gamit ang iba't-ibang uri ng fertilizer. Alam naman natin na ang isang non-organic fertilizer ay mabuti sa halaman ngunit mayroon din itong side effect sa tao pagtumagal, hindi ba?

Kaya naman makakasigurado ka na ligtas ang iyong makakain dito sa  Moca Family Farm dahil organic at natural na natural ang bawat halaman, prutas at gulay na meron sila.

Bago ko makalimutan bago muna kami gumala sa compound ng Moca Family Farm ay nagkaroon muna kami ng kaunti pero masarap na refreshment. Walang iba kundi ang kapeng barako ng Batangas ang Liberica at ang Tamales.

Liberica Coffee X Tamales

 Syempre pagkatapos ng nakakabusog at masarap na refreshment ay tour na ang susunod kung saan nagkaroon kami ng pagkakataon na libutin ang Moca Family Farm.

Narito ang ilan sa mga halaman, hayop at iba pa na makikita sa kanilang bakuran.





Syempre lahat kami super enjoy at todo photoshoot sa compound, as a photographer perspective sobrang ganda ng place na ito para sa temang nature lalo na sa mga gusto mag pre-nuptial shoot.

At dahil nga napagood kami sa tour na ito kainan na kung saan naghanda ang Moca Family Farm ng isang masarap na tanghalian para sa lahat, Narito ang mga ihihandang pagkain sa amin.

 Creamy Kalabasa Soup with Malunggay Flakes

 Variation of rice and  Zesty Santol with Pork in Coconut Milk

 Pinaputukang Tilapia wrapped in Galangal Leaves and Native Pig Lechon

Hubad na Lumpiang Saging aka Turon

Moca Farm Seasonal Salad

What can I say, busog na busog kaming lahat after namin tikman ang lahat ng masasarap na inihain ng Moca Family Far, asking me what are the best sa lahat, Una the Moca Farm Seasonal Salad gusto ko ung blending ng tamis at tabang niya, hindi siya nakakaumay kainin at yung pineapple na ginamit hindi makati sa dila marahil siguro dahil natural na natural ang pagkahinog niya. Ikalawa Creamy Kalabasa Soup with Malunggay Flakes masarap siyang kainin pagmainit talaga kasi kung hahayaan mo siyang lumamig, medyo di na siya gaano masarap lalo't pa mabilis siyang lumapot at ang huli ang Hubad na Lumpiang Saging aka Turon i like how they present it to us, lakas maka high-end ang dating at di lamang yun, kung hindi ako nagkakamali ay coconut sweet o mas kilala sa tawag na latik ung ginamit nilang pampatamis kaya ramdam o lasa mo ang virgin coconut oil.

                          Miss Gigi of Moca Family Farm and Ms. Dawn of bahay Buffet

Overall I will give 3/5 star sa Moca Family Farm sa masayang experience na ito via Bahay Buffet marahil siguro kung nabigyan lamang kami ng mas mahabang oras ay nakapaglibot at makikita namin kung paano nga ba ginagawa ang ilan sa mga recipe, syempre para din mas lumawak ang isang family farm, hindi ba?

Anyway kudos sa Bahay Buffet sa nakagandang concept na ito, ika nga nila naiiba sa lahat ng buffet concept at kung ayaw mo nga naman na gawin sa bahay mo ang isang handaan dahil magugulo ang bahay o di kasya, pasok ang Bahay Buffet sa hinahanap mong konsepto.

Comments

Popular Posts