St. Nicolas Restaurant not just your ordinary asian fusion restaurant

Sabi nga nila sa bawat punta mo sa isang restaurant dalawa lang ang tatak sa iyo ang pagkain at ang ambiance ng restaurant. Its been a days na rin siguro na kumain ako sa St. Nicolas Restaurant at isa sa dahilan kung bakit ako natuwa kasi mismong aking kaarawan noong naimbitahan ako upang tikman ang ilan sa mga pinagmamalaking dishes ng St. Nicolas Restaurant.

Anung meron sa St. Nicolas Restaurant na wala sa iba?

Ang St. Nicolas Restaurant ay nagsimula bilang St. Nicolas Catering sa mahigit na sampung taon at dahil nga sa ganda at sarap ng mga dishes nila naisipan ng owner na si Chef Nick Pelaez na magtayo na ng isang restaurant sa Mandaluyong na ilang metro lamang ang layo nito mismo sa Munisipyo ng Mandaluyong. Isa sa mga masasabi kung dahilan kanina ang ambiance, ang ambiance ng St. Nicolas Restaurant ay masasabi mong para kang nasa ibang lugar di mo akalain na nasa magulong lungsod ka pala dahil sa ganda ng mga ambiance at di lamang yun dahil nga ang restaurant ay asian fusion ay maaliw ka sa mga nakadisplay mula sa iba't-ibang region ng Pinas at ng ibang bansa, hindi lamang yun makikita mo din dito ang life-size ceramic statue ni Mama Mary na kung saan tuwing mahal na araw na ipinaparada ito sa Makati.

Anu pa ba ang susunod pagkatapos ng ambiance syempre, pagkain tara samahan mo akung husgahan ang ilan sa mga ipinagmamalaking pagkain ng St. Nicolas Restaurant.

Simulan natin sa isang malamig na inumin dalawang klase ang sinubukan kung tikam ang Choco Banana Shake at Strawberry Banana Shake kung saan talaga naman manyaman ang lasa nito at naghahalo ang lasa ng dalawa flavor nito, masasabi kung mas nagustuhan ko ang Strawberry Banana Shake.



Syempre pagkatapos ng isang malamig na inumin susunod na ang appetizer na isa sa mga paborito ko pagnasa Pampanga ako, walang iba kundi ang Okoy na sinamahan pa ng tatlong klaseng suka na mas lalong nagbigay ng kakaibang lasa nito at mas refer ko yung sukang maitin dahil mas nagbleblend yung lasa nito sa okoy kumpara sa ibang suka.

Okoy Php99.00

Sinigang na Baboy ang sumunod na hinahin sa amin tipikal na lutong bahay o masasabing parang luto ni inay na may tamang asim at tamang lambot ng baboy.

Sinigang na Baboy Php199.00

Adobong Manok/baboy sa dilaw na bihira mo lamang itong matitikman sa ibang restaurant sapagkat ang adobong dilaw ang matatagpuan lamang sa probinsya ng Batangas at di lamang yun masasabi kung andun ang sipa ng lasa ng luha nito at samahan mo pa ng tamis dahil sa kaunting honey kang matitikman,

Adobong Manok/baboy sa dilaw Php199.00

Calderetang Baka isa to sa gusto ko sa menu nila sapagkat nakuha nila yung gusto kung lasa at lambot ng baka, andun yung lamang lapot o sarsa nito at di siya parang isang bubblegum pagkinain mo.

Calderetang Baka Php250.00


Ito na ang pinakaespesyalti o masasabi kung ipinagmamalaki ng St. Nicolas Restaurant ang kanilang exotic foods na abodong buhawa o adobong crocodile meat, actually ikalawang beses ko ng natikman ang adobong crocodile meat at dito sa St. Nicolas Restaurant ko mas nagustuhan di dahil naimbitahan ako kundi dahil nakuha nila yung adobong lasa na gusto ko yung di masyadong mamantika at di masyadong malambot o matigas yung pagkakaluto ng crocodile aside dun mas mananamnam mo yung lasa nito dahil sa masarap na pritong bawang. Kung tatanuningin mo ako kung anung lasa ng crocodile para lamang siyang isang karne ng baka pero mas masarap. At masasabi kung sulit ang ibabayad mo kung sakali mang ito ang oorderin mo dito. Ika nga nila di ka na lugi.

Adobong crocodile meat Php 300.00

Syempre di ka sanay kumain ng karne o sabihin natin na isa kang vegetarian ay naku meron silang OH MY GULAY kung saan matitikman mo ang ilan sa kanilang masasarap na putaheng gulay.

Narito ang ilan sa mga natikam namin ang sikat na Poqui-Poqui o mas kilala bilang esyalahang talong kung saan maganda yung texture ng talong na ginamit, di lamang yun may mga halong species na talagang lalong nagpasarap sa Poqui-Poqui.

Poqui-Poqui Php95.00

At ang ikalawang sinubukan namin ang ensaladang mangga na masarap ihalo sa pritong isda at sakto naman na bigla na lamang sinerve ang fried Tilapia with sweet tamarid sauce na nagpakompleto at masasabi kung tamang-tamang ito dahil nagblend ng lasa ng sweet tamarid at ng mangga.

 Fried Tilapia with sweet tamarid Php199.00

Syempre ito na ang paboritong parte ang dessert!! Yum! Yumm!!

Turon de Tsokolate nagulat ako noong nakita ko kung paano siya siniserve sapagkat di siya yung nakalagay sa isang platito kungdi sa isang baso ng halo-halo na nagbigay sa akin ng isang plus point sapagkat alam yung mas may magiging dating ito, hindi lamang yung yung tinikman ko yung turon kasama ng tsokolate, BOOM! alam na! Natural na cacao ang ginamit nila na tsokolate hindi yung powder o kung anu pa man, paano ko nasabi sapagkat sa aming probinsya gumagawa kami ng tsokolate kaya naman alam na alam ko kung tunay na tsokolate ba ang ginamit dito o hindi.

Turon de Tsokolate Php75.00

Isa sa mga produkto ng probinsya ng Quezon ang Puto de Leche na masasabi kung masarap talaga at aaminin ko na unang beses ko siyang natikman at talaga naman masarap di lamang yun, yung puto eh buo hindi siya yung pagkinagat mo ay madudurog kaagad yung parang kumain ka ng isang pulburon kung baga sa madaling sabi swak ang pagkakagawa ng Puto de Leche.

Puto de Leche

At ang paghuli para naman bumaba ang aming kinain, isang masarap at mabangong aroma ng Civet "Alamid Coffee" o sinasabi ng karamihan na "MOST EXPENSIVE COFFEE IN THE WORLD" na ang bango niya at aaminin ko ulit na unang beses ko siyang natikman at talaga naman di ako masasawang sabihin na panalo ang lasa at mas magiging masarap ito kung sasamahan mo ito ng isang masarap na yema cake na magbibigay ng tamang texture habang umiinom ka ng Alamid Coffee sapagkat yung tapang ng Alamid Coffee ay mababawasan o mas tamang sabihin na di mo na kailangan pa ng gatas o ng cremier sapagkat maibibigay na ito ng yema cake.

At dahil nga nasa St. Nicolas Restaurant matitikman mo din ang "MOST EXPENSIVE COFFEE IN THE WORLD" sa napakamurang halaga na Php135.00 lamang, opss wag magugulat sapagkat natural Alamid Coffee talaga ito at si Chef Nick na mismo ang nasabi at meron daw silang supplier para sa kanilang masarap na Alamid Coffee.

At kung wala ka naman masyadong budget at medyo nagtitipid ka aba meron silang paraan para matikman mo din ang ilan sa mga masasarap na putahe ng St. Nicolas Restaurant, may tinatawag silang Kanin sa mangkok kung saan nagkakahalaga lamang ito na Php 65.00 hanggang Php75.00 lamang. Kung baga ito yung version nila ng tapsilog.

Muli nagpapasalamat ako kay Karl ng TuristaTrails.com para sa imbitasyon na ito at kay Chef Nick sa masarap na kwentuhan sa kanyang maganda at masarap na St. Nicolas Restaurant. Kung gusto ninyo subukan ang St. Nicolas Restaurant matatagpuan sila sa #1 Fatima St. corner San Rafael St. Plainview Subd, Mandaluyong City (near Mandaluyong City Hall) o kaya naman kung mas gusto kayong itanong o gusto ninyo naman pagpacatering aba tumatanggap po sila ito ang kanilang numero (02) 5357637, (02) 7886426, (02)3843483 o maaari din kayong mag-email sa kanila sa nick_pelaez@yahoo.com o maari ninyo rin bisitahin ang kanilang opisyal na website www.stnicolascatering.webs.com.

Bukas ang St. Nicolas Restaurant 24 hours maliban na lamang tuwing linggo hanggang 10:00 ng gabi lamang sila.

So paano dapat magkita-kita tayo sa St. Nicolas Restaurant pagkumain ulit ako dito ha.

Comments

Popular Posts