La Revolucion Filipina ang kwento sa likod ng kasaysayan

Sabi nila ang ballet daw ang pangmayaman lamang, di ka pudeng manood nito sapagkat ang ballet ay masyadong komplikado lalo na sa pagdating sa mga interpretative dance ito. Pero para sa akin maling-mali ang pananaw na ito sapagkat ang ballet ay para sa lahat mahirap man o mayaman sapagkat ang ballet ay parang isang teatro din na kung saan ipinamakita dito kung anu ang dapat makita o malaman ng isang ordinaryong tao.

At dahil napag-usapan na din natin ang ballet, bakit hindi pa natin ito ituloy-tuloy at ng malaman ng karamihan na kung bakit ko nasabi na di lamang pangmayaman ang ballet, noong nakaraan araw nainbitahan ang inyong lingkod upang panoorin ang primera klaseng palabas ng Ballet Philippine's La Revolucion Filipina kung saan tampok ang kahalagaan ng isang bayani at ng estado ng lipunan noon. Dahil nga isangdaan taon ni Apolinario Mabini ito ang ibinigyan ng halaga. Kung anu nga ba ang naging papel niya sa buhay ng Katipunan at kung bakit siya ang naging malapit o naging ministro ng pamahalaan noon ni Emilio Aguinaldo.

Masasabi kung panalo ang bawat eksena ngunit kakaunti lamang ang mga linya, ibigsabihin mas binigyan ng saysay ang kwento sa pamamagitan ng isang traditional hanggang sa modern contemporary na sayaw ng ballet. Isa sa mha di ko makakalimutang mga eksena doon kung ay yung paghaharap-harap ng mga kinikilalang mga pinuno na si Apolinario Mabini, Emilio Aguinaldo, at Andres Bonifacio kung paano nagbigay ng isang pangitain si Apolinario Mabini ngunit ito ipinagsawalang bahala lang.


Isa sa mga masasabi kung bigatin eksena kung saan ang pasasagupa ng mga Kastila at ng mga Katipunero para sa kanilang kalayaan, kung paano binigyan ng magandang interpretasyon gamit ang maganda musika ni Ryan Cayabyab at may isang eksena pa kung saan sinasabi ni Apolinario Mabini na simula pa lamang ito ng isang pagbabago at una pa lamang ito para sa maayos na reporma ngunit mawawala ito kung di bibigyan ng pansin ng mga nakapaligid kung anu nga ba ang tama o mali sa ating bansa.


Pagkatapos kung mapanood ito masasabi kung mas pinamahal ko ng husto ang bawat pahina ng kasaysayan na maraming mga kwento itinatago na kung aaralin mo at uunawain mo ng husto ang bawat pahina malalaman mo kung bakit at sa anung dahilan ng mga bawat eksenang mapapanood mo sa  La Revolucion Filipina.

Masasabi ko rin na magaling ang pagkakasalaysay at pagtuturo ng sayaw ni Ms.Agnes Locsin sapagkat nabigyan niya ng hustiya at naipahatid niya sa taong manood kung anu nga ba talaga ang La Revolucion Filipina. Kung anu nga ba ang bumabalot sa kwento ng magulo ngunit masarap na kasaysayan ng Pilipinas noong pananakop ng mga Kastila.

Muli maraming salamat sa Ballet Philippines sa magandang pangbungan ng kanilang Sapphire season para sa taong ito at kay Sir Toots Tolentino sa walang sawang pag-imbita at pagbuhay ng masayang mundo ng teatro. Kampay!

Comments

Popular Posts