Kleptomaniacs ang bagong cancer ng lipunan

Kagabi 11 ng Hulyo 2014 naimbitahan ang inyong lingkod upang panoorin ang unang pasabog ng Tanghalang Pilipino para sa kanilang bagong season sa taon na ito. At syempre dahil isa ako sa mga mahilig manood ng teatro, aayaw pa ba ako syempre hindi, hindi lamang yun bakit ko papalagpasin ito para sa aking interesting ang bagong season lalo't pa 28th season na nila ito at syempre ang magaling na stage director na si Direk Tuxqs Rutaquio na nagbigay ng kakaibang atake sa ginawang novela o kwento ni Madam Layeta Bucoy.

Anu nga ba itong pinagsasabi ko, bakit interesting akong isulat? Simple lang naman sapagkat napapanahon ang tema nila ngaun lalo't pa kabila-kabila ang mga nagaganap na di maganda sa ating lipunan lalong-lalo na sa maduming mundo ng pulitika hindi ba? Anu-anu nga ba ito? Nariyan na ang FOI na pinangako ng ating pangulo na hanggang ngaun ay wala pa rin, ang kontrobersyal na DAP at Pork Barrel na nagpawendang sa ating lahat dahil sa maling paggasta ng mga nakaupong mga pulitiko dito.

Kaya naman habang pinapanood ko ang mga bagay na yun bigla na lamang akong naalala at yun ang ang dalawang nobelang sinulat ni Gat Jose Rizal, ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na talaga naman na nagpagising at nagpamulat sa mga tao para lumaban at ipaglaban ang mga karapat laban sa mga pananakop ng mga Kastila.

Kaya habang pinapanood ko ang Kleptomaniac mas lalo akong namulat sa kahalagahan mo sa lipunan, ika nga nila hindi porke isa ka lamang ordinaryong tao ay wala ka ng magagawa pa para makatulong sa pagbangon, hindi ba? sabi ng nila kahit sa simpleng pamamaraan makakatulong ka upang mabigyan ng isang magandang pagbabago ang mga nasa paligid mo.

Isa ang Kleptomaniac na nagpapakita kung anu o sinu nga ba ang tunay na Kleptomaniac sa lipunan na ating ginagalawan, kung paano nga ba ang bawat  Kleptomaniac nagpapakasarap hanggang ang isang ordinaryong tao ay naghihirap dahil sa pinaggagawa ng isang magaling na Kleptomaniac.

Ang Kleptomaniac ay di lamang sumasalamin sa isang pulitiko, sumasalamin din ito kahit sa isang ordinaryong pamilya,barangay o isang lipunan.

Anu nga ba ang kwento ng Kleptomaniac?

When lowly guy and certified drifter Tabo falls in love with college student Vicky, he starts dreaming of a
simple and decent life with a family of his own. He decides to better his life by taking a job as a pedicab driver. Not
long after Vicky reciprocates his love, he gets her pregnant. During mass in their barangay’s small chapel, he tries to
ask for Vicky’s hands from her mother Tisay. Tisay refuses Tabo’s request and their verbal tussle turns physical which
eventually disrupts the mass and turns into a fliptop battle outside of the chapel with their friends and relatives joining
in their verbal arena.

 Tabo’s friends and relatives together with Tisay and her friends try to make Tabo see the reality that he cannot
provide a decent life for Vicky and their child. When Tabo asks Vicky to express her belief in their love, he is
surprised to hear her argue for an abortion. Tabo then becomes grateful when his kid brother Buchoy and his friend
Ngongo express faith on his character and his ability to provide a decent life for his future family. In the middle of their
debate, an earthquake hits their area.

 After surviving the earthquake, Tabo finds Ngongo under the rubbles. He tries to rescue him but an aftershock
seals Ngongo’s death. The dying Ngongo makes Tabo promise him that he will prove to all that an uneducated and
poverty stricken man like him can sail through life with much dignity and decency.

 As they try to rebuild their lives, Tabo pursues Vicky and eventually convinces her to believe that their love
will tide them over the misery of their poverty. Tabo then sees having been hand-picked by their mayor to come up
with the list of people to be provided with free local housing as a sign that everything is falling to place, there now lies
a clear road towards the fulfilment of his dream. In order to stay true to his promise to Ngongo, Tabo tries to stick to
the requirements in choosing those who he will include in the list. This earns him the ire of his parents, friends, and
even Vicky who expect that he will base his decision on self-interests and the interests of his relatives and friends.


 While following his strict moral compass, Tabo is confronted by “kleptomaniacs” whom his simple mind cannot comprehend as they rob him of his simple dream.


Kleptomaniac Main Character Review

Nicco Manalo bilang Tabo

Pamilyar siya sa akin marahil nakita ko na sya sa isang serye sa isang palabas sa telebisyon pero dito sa Kleptomaniac isang malaking WOW factor ang kanyang ipinamalas sapagkat ang bawat bigkas o bitaw niya ng mga salita na talaga naman na mahusay mula sa isang simpleng rap hanggang isang fliptop, di lamang iyon ipimalas din niya ang kanyang galing di lamang sa pagsalita kungdi ipinadama niya ito lalong-lalo na sa isang eksena kung saan nakikipagtalo siya kay Vicky tungkol sa Kleptomaniac kung anu nga ba ito.

Thea Yrastorza bilang Vicky

Mahusay ang pagkakaganap isa sa masasabi kung highlight niya sa Kleptomaniac ay ang kanyang pakikiargumento kay Tabo kung anu nga ba ang Kleptomaniac at paano ito nagagawa.

Micko Launrente  bilang Butchoy

Kung ang telebisyon network ay may mga child wonder sa mundo ng teatro si Micko ang bida. Grabe ang ipimalas siya lalong-lalo na sa isang eksena kung saan sinabi niya na andito lang ako wag kang mag-alala kung wala man nagtitiwala ako andito pa rin, grabe ang eksena na yun sobrang nakarelate ako hindi ko alam kung anu ang dahilan pero para sa akin isa yun sa mga best highlight ng eskena sa Kleptomaniac.

Stage Review :

Iba talaga gumawa ng stage ang Tanghalang Pilipino talagang pinag-isipan ang bawat detalye at nagagamit masasabi kung maganda at akma sa tema ang stage na yun at hindi lamang yun Pilipinong-pilipino sapagkat hindi nawala ang basketball court, congrat direk Tuxqs sa magandang stage.

Musical Review :
Rap battle o fliptop battle o local hiphop man ang eksena talaga naman mapapaindayog ka at madadama mo ang bawat eksena sapagkat tama ang timple nito at hindi sya sabog pakinggan lalong-lalo na ang opening music nito.

Theater Rate 7.9 10/

Mapapanood ng Kleptomaniac ngaun Hulyo 11-13, 18-20,25-27 at mayroong Re-run sa darating na Nob. 28-30, Dec. 5-7, 12-14 2014. Biyernes 8:00PM | Sabado 3:00PM at 8:00PM | Linggo 3:00PM

Mabibili ang ticket sa halagang Php1000 | Php800 | Php600 maari din bumili sa Ticketworld 891-9999 o tumawag sa Tanghalang Pilipino 832-1125 local 16-20-1621 o sa 0917500107 para sa iba pang detalye.

Comments

  1. Nanuod cla marge at senyor nito muka ngang maganda paps sori pla dun naalala ko ung pinppost mo sa akin haah hiatus kasi ako for ilang weeks sa pagsusulat hahaa

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts