Rome's Patisserie - A sweet food from heaven

Isa sa mga bagong kiosk ngaun na makikita sa loob ng University Mall ang Rome's Patisserie.

Sinu nga ba ang hindi mahilig kumain ng masasarap na pagkain lalo't-lalong na kung ang pagkain ito ay Patisserie at sigurado naman ako na ilan sa mga paborito ninyong mga sweet food ay makikita ninyo mismo sa Rome's Patisserie.

Sinu nga ba ang may-ari ng Rome's Patisserie at Bakit dun siya nagtayo ng kanyang negosyo?

Ang may-ari ng Rome's Patisserie ay walang iba kungdi si Pastry Chef Romulus "Rome" Miranda, nagtapos sa De La Salle University-College of Saint Benilde kaya naman di nakakapagtaka kung bakit sa University Mall siya mismo nagtayo ng kanyang kiosk sapagkat malapit sa puso niya ang taft area kung saan siya mismo nag-aral noon.

Chef Rome explaining how he start the business.
Nagsimula lamang si Pastry Chef Rome bilang isang hobby niya ang pagbake at di naglaon ay naengayo na siyang sumama-sama sa mga food bazaar at ayun nagustuhan ng madla ang kanyang mga masasarao na pastry.

Narito ang ilan sa mga masasarap at best seller na pastry ng Rome's Patisserie.


Brookies, a combination of the brownies at cookies! At isa sa mga naging paborito ko dahil una bago sa
akin ang ganun lasa, ikalawa gusto ko kung paano niya pinagsama ang brownies at cookies na di nakakaumay at ang huli personal na idea ito ni Chef Rome kaya naman masasabi kung pinag-isipan ang mabuti.  Php 30.00 / each


Walnut Brownies, ito na namang ang ikalawang produkto na gusto ko sapagkat di siya yung tipong nakakaumay na tamis kung baga sakto lamang sa panlasa nito.
Packed in 8 slices ( P90 ) 16 slices (P150) 32 slices (P300)


The Food of God : fudgy brownie type made with raisins, walnuts and cashew nuts .
Packed in 8 slices ( P90 ) 16 slices (P150) 32 slices (P300)


Revel Bar, para siyang oathmeal bar pero iba nga lang ang texture sapagkat mas malambot ang loob at crusty naman ang labas nito at kapag kinain mo talaga naman!!
Packed in 8 slices (P100), 16 slices (P170), 32 slices (P320)



The Eclair, sinu nga ba ang di makakakilala sa pagkain na ito, isa ito sa mga madalas iserve sa mga cocktail event at masasabi kung mas maganda ang pagkakagawa ni Chef Rome ng The Eclair dahil sa creamy filling nito.

Syempre para sa mga on the go lagi ang paborito ang mga estudyante ang cupcakes!

Narito ang kumpletong listahan ng kanilang cupcakes

the blueberry cheese cake and the red velvet cake

The cupcakes
Chocolate Kitkat, Red velvet, Carrot, Dulce de leche,  ay nagkakahalaga ng P55/cupcake ( carrot and velvet flavor); P65/per cupcake

At ang naging paborito ko sa kanilang lahat ay walang iba kundi ang Dulce de Leche.

Isa sa mga naging dahilan kung bakit mabenta sa mga mag-aaral ang Rome's Patisserie ay laging fresh at limitado ang mga gawa kaya siguradong sulit na sulit ang bawat kagat mo sa pastry nila.

Para sa iba pang impormasyon pumunta lamang sa kanilang opisyal na social media account.

FaceBook: Rome Patiesserie
Instagram: romespatiesserie
E-mail: romulus.miranda@yahoo.com
Mobile: 0906 410 3969
2nd Floor University mall
Vito cruz, Taft Avenue, Manila

So anu pa ang hinihintay mo bakit di mo subukan ang Rome's Patisserie at sigurado akong worthy ang perang magagastos mo sa kanila!

Salamat kay Pepi Deleon at Chef Rome sa kanilang imbitasyon.

You like to see more photos of Rome's Patisserie ?
Like Us of Facebook

Comments

  1. natakam naman ako! want k nyans!

    ReplyDelete
  2. Ang mamahal ng cupcakes. nakakapang hina ng tuhod. -.-

    ReplyDelete
  3. @mecoy hahah.. tara bili na!!
    @june ahaha di naman sakto lang..

    ReplyDelete
  4. wahhh cakes and pastry! Gusto k nyan, pag napadpad ako sa mall na ito, yan ang ita-try ko agad.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts