Juan HeART, 1 Nation: Art with a heart

"Art is usually about self-expression because the artist feels strongly enough about what they are doing to try and put it into a form that they, and others, can come to terms with", ayan ang sabi ng karamihan tungkol sa mundo ng arts lalong-lalo kung ang iyong ginawang arts ay tungkol sa nangyayari sa paligid mo hindi ba? Eh paano na lamang kaya kung abstract pa ito? Eh di mas lalong mahirap unawain hindi ba? Pero sabi nga nila pag-abstract ang ginawa mo lalong na kung painting ito mas maganda sapagkat mas mapapaiisip ang isang taong titingin dito at mas uunawain niya kung anu nga ba ang nilalaman ng painting na ito.

Kaya naman kahit di ako ganun kagaling puminta ay marunong naman akong magpahalata sa painting lalong-lalo na kung ang kanyang ginagawa ay para sa mga nasalanta ng bagyo, isa na dito ang ating kaibigan, spokeperson ng Rizal Park na si Kenneth Montegrande sapagkat magkakaroon siya ng isang  Pre-Valentine Art Exhibit na naglalayon na makatulong sa mga kababayan sa Eastern Visayas partikular na sa lugar ng Butuan na patuloy nakararanas ng hagupit ng bagyong "Agaton".

Sa kanyang ikalawang solo art exhibit na may temang " Juan HeART, 1 Nation: Art with a heart " na nakatakda sa Ristorante de Amore sa CityState Tower Hotel, Mabini Street corner Padre Faura Street, Ermita Manila sa ika 03 ng Pebrero, 6:00 ng gabi, nais ni kaibigang Kenneth Montegrande na magdagdagan pa ang mga natutulungan sa pamamagitan ng pagbili ng mga art collectors ng kanyang mga obra.

Inaasahang 20 percent ng kikitain sa kanyang mga painting ay mapupunta sa Antonio L. Cabangon (ALC) Foundation [the founding owner of the exhibit’s venue] na ihahatid naman sa mga biktima ng nagbanggit na kalamidad.

Kenn explaining what the benefits of his artwork.

Samantala dahil nalalapit na rin ang araw ng mga puso, maari ring magkaroon ng one-night stay with two breakfast sa nabanggit na hotel ang bawat art  collector na bibili ng obra ng nabanggit na abstractactionist painter ayun kay may-ari ng CityState Tower Hotel na si Mr. D. Edgard Cabangon, dagdag pa niya ang bawat painting na bibilhin ng art collector ay may corresponding room sizes mula sa standard premium, superior premium, deluxe suite and presidential suite room kaya naman paniguradong sulit na sulit ang perang magagamit mo sa pagbili ng painting ni kaibigang Kenneth, bumili ka ng isang painting na gawa ng isang magaling na painter,nakatulong ka pa sa mga nasalanta ng bagyo at higit sa lahat nakapagstay ka pa sa isang high class hotel.

So paano kita-kits na lang tayo sa Juan HeART, 1 Nation: Art with a heart.

Comments

  1. Naks, ikaw na talaga paps. Mapa celeb, pulitiko, artist eh talaga namang naka rubbing elbows mo na.

    Thumbs up ako sa adhikain nilang ito. Kailangan na kailangan pa rin talaga ng tulong ng ating mga kababayang nasalanta ng mga kalamidad sa Visayas at Mindanao.

    How I wish I have enough money to buy some artworks from them.

    ReplyDelete
  2. Ayaw sa akin ng arts kaya ayaw ko na din sila...hehe. Pero na-appreciate ko nman un mga artworks, un nga lang ala talaga ko alam sa kanila. Anyway, good luck sa exhibit ng friend mo Axl, sana ay maging matagumpay ito.

    ReplyDelete
  3. isa yan sa pangarap kong magawa! ang mag paint at nasa bucketlist ko na yan this year!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts