Masarap balikan ang nakaraan (Batang 90's)

Habang nakikinig ako ng aking musika sa aking munting MP3 bigla na lamang napunta ang kanta sa isa sa mga naging paborito kung kanta noong bata pa ako, hanggang ngaun saulado ko pa ang lyrics ng kantang ito, "Kami’y narito asahan niyong magtatanggol, makikipaglaban para sa kapayapaan" oh ha, sigurado akong alam mo din kung anung titulo ng palabas na ito at marahil napanood mo din ito, isa ito sa naging sikat na cartoons noong 90's.

Tara samahan mo akong balikan ang ilan sa mga kanta at hulaan mo kung anu ang titulo ng kantang ito.


1. Kami’y narito asahan niyong magtatanggol
Makikipaglaban para sa kapayapaan
(chenchererererenchen cherereren chererererereeurrnn–)
Ang lahat ng nilalang dito ay may karapatan
(Sa magandang bukas)
Kung mayroong gumugulo ay wag mag-alala
Kami ang dakilang tagapagtanggol niyo sa lahat ng oras
Handa kaming tumulong
Ang aming mga kapangyarihan alay sa karapatan…

Kami’y narito asahan niyong magtatanggol
Makikipaglaban para sa kapayapaan at kaayusan
Kami’y asahan niyo hanggang sa dulo ng mundo.

2.  Habang nabubuhay, manalig ka
Lagi kang may kasama, may kaibigan ka
At kung ikaw ay nalulungkot
Kung ikaw ay natatakot
Wala kang gagawin kundi ako’y tawagin…

Ako si ____
Sa bawat oras nariyan,
Tutulong sa nangangailangan
Ako’y maaasahan sa lahat ng bagay….

3.  Bakit kay ganda kay sigla ng mundo
Kung ikaw ay bata pa
Magtampisaw ka sa tubig
Maglaro sa kalsada

Panoorin mo ang ikot ng mundo
Kung ikaw ay bata pa



4. Alab ng Katarungan
ang pagmamahal sa ating kapwa
ang pag-ibig sa ating bayan
Handang ibuwis ang aking buhay

5. Marami kang pangarap
Kasing taas ng langit
Kaya't laking tuwa ko
nang ibulong mo na kasama ako

Hawak kamay kapit-bisig
Tayo nang habulin ang mga tala
Kasama kita kaya hindi ako mangangamba

Mapalad ang maging kaibigan mo
Nakaukit ang pagmamahal sa iyong puso
Kaya't taimtim pangako gagawin kong lahat para sa'yo


6. Nakita ko ang larawan mo
At muling nagbalik sa akin ang lahat
Ang malambing na tingin at ako
Ang nagbibigay ng musika sa mundo
Sinabi mo ako ang himig ng iyong byulin
Mga __ at rosas na ginto
At ikaw ang yugto ng aking daigdig
Libutin natin ang mundo at bahaghari
Lalalala….
Rosas na marikit, bigay sa iyo mahal
Lalalala….

7.  Kapag umikot na ang mundo
Iikot din ang buhay ng tao
May saya at mayroong dusa
Huwag lang tayong magpapatalo

Kung ikaw ay nag-iisa
Sa landas na iyong tinatahak
Huwag mawawalan ng pag-asa
Sa mithiing pakikibaka

Si __________ at __________, kambal ng tadhana
Di susuko sa pagsubok...

Kapag sumikat na ang buwan
Bago pa sumikat ang araw
Bagong pag-asa'y matatanaw
Tadhana na ang siyang pupukaw

Bagong pag-asa'y matatanaw
Tadhana na ang siyang pupukaw...

8. Waksin niyo na ang iyong luha
Pilitin tawanan ang problema
Habang bata ay magsaya
Makulay ang mundo basta’t mangarap ka
Sa bawat pagsubok na makikita
Huwag mong hayaang madapa ka
Tibayan mo ang loob
Pagkatapos ng unos, ligaya ang dulot
Sadyang ganyan ang buhay, kailangang magsanay
Mapaglarong tadhana susubukin ang tibay
Kaya’t kumilos ka’t mag-isip, mag-aral
Magandang bukas, sa yo ay nakalaan…


9. Humayo ka kaibigang _____
Maglakbay kung saan mo man naisin
Anong (censored from the OBB)

—-ehh…
Sige ___, Humayo ka
Humayo ka’t maglakbay pawad
‘Wag kalilimutan kami…

10. Aking ina, mahal kong ina
Pagmamahal mo aking ina
Yakap mo sa akin, hinahanap ko
Init ng pag-ibig, kumot ng bunso
Sa kita ng pagkakahimbing yakap mo ang gigising.

11. Kami ang Itim na Magkakapatid
Magkakasama laging masaya
Kahit mahihirap lang mararangal naman
Tayo’y lumakad sa mundo ng taas-noo
Kapwa at kapaligiran ating alagaan
Tayo’y laging magkasama
Sa hirap at sa ginhawa
ha ha(3x)
Kami ang Itim na Magkakapatid
Magkakasama, Nagkakaisa!

12. Ang lambak kung ating pagmamasdan
Ang paligid at kaparangan
Mula dito sa kabundukan
Maaabot mo ang kalangitan
Makikita mo ang ilaw ng bayan
Pangarap marating ninuman
Nais kong marating ang kabihasnan
Upang maiba ang buhay
Ang bughaw na langit ng pangarap
Pagsikapan na makamtan
Ang bughaw na langit ng pangarap
Ay dapat lamang makamtan

13. Bukas na kay ganda
Sa kwentong ubod ng saya
Paglalakbay namin sa mundong
aming narating
Bukas na kayganda
Mga mata’y imulat na
Upang makamtan ang ligaya



Oh anu? Nahulaan mo ba kung anu ang mga pamagat o titulo ng palabas na ito?

Kung oo ang sgaot mo, siguro akong naging masaya ang childhood mo di ba?

Baka may alam ka din na kanta ng cartoons noong 90's, Share mo naman.

Hanggang sa susunod na lang ulit!

Photo credit to the respected owners.

Comments

  1. 1) magic knight rayearth
    2) Blu blink
    2) Little women 2
    4)
    5)
    6)
    7) Julio at Julia
    8) Maria at ang lihim na hardin
    9) Huncle berry Fin
    10) Remi
    11) Munting pangarap ni romeo
    12)
    13)

    ReplyDelete
  2. 1. Magic Knight Rayearth
    2. Blue Blink
    3. Little Women 2
    4. BTX ending song
    5. The Musketeers
    6. Georgie
    7. Julio at Julia
    8. Mary at ang lihim na hardin
    9. Tom Sawyer
    10. Remi, nobody's girl
    11. Mga munting pangarap ni Romeo
    12. Mga munting pangarap ni Romeo
    13. Fortune Quest

    ReplyDelete
    Replies
    1. hoy bat di ka nag pakoypa ahahahaha... mali pa yung isa kong sagot... ayan ha nalalaman kung sino ang tunany na matanda :D

      Delete
    2. grabe adik. :-) saan pwedeng makakuha ng tagalog dubbed videos ng mga ito?

      Delete
  3. 1. Magic Knight Rayearth
    2. Blue Blink (FAVORITE KO!)
    3. Di ko alam LOL
    4. BTX
    5. Di ko alam din
    6. Di ko Alam
    7. Di ko napanood
    8. Di ko alam.
    9. Tom Sawyerrrr!
    10.Remiiiiiiiiiii!
    11-12. Di ko alam
    13. Di ko rin alam

    sa totoo lang paborito ko kasi Chow Marco Chow!
    Chow chow marco.. LOL

    ReplyDelete
  4. nakaka miss yung mga cartoons noon :)
    da best para saken yung mga munting pangarap ni romeo. fave na fave ko yung story nun! si alfred at giovani

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts