My Fashion Photography Shoot

Pagkatapos ng madaming taon sa wakas nagkaroon ng ako ng isang pormal na mag-aaral sa mundo ng fashion photography, kung dati-rati ay sa youtube at sa magazine lamang ako kumukuha ng mga tips sa fashion photography, ngaun hindi na sapagkat nagkaroon na din ng actual na magtuturo. Malaki ang aking pasasalamat sa The Photography Academy Manila sa binigay nilang pagkakataon sa akin (amin) para sa mag-aaral ng fashion photography.

Ginanap ang pagtuturo sa studio ng Green Lens PhotoStudio at syempre kung mag-aaral ka dapat may mentor ka rin para magabayan ka sa mga kuhang gusto mo, Si Sir Jaro ay nagturo o naggabay sa amin sa bagay na iyan, ilan sa mga itinuro niya ay ang mga etiquette sa fashion photography at ang mga genre nito, tulad na lamang ng Catalog, Editorial at ng Avant Garde at kung anu ang mga elements o konsepto na kailangan dito, tamang kamera at lente.

Si Ms.Jane Econar ng tiga Fashion Institute of the Philippines naman ang nagturo ng mga etiquette sa tamang pagsuot ng mga modelo at konsepto nito.

Si Kiss Mejia naman ang nagturo para sa etiquette ng make-up.

Narito ang ilan behind the scene shoot noong nakaraang fashion photograhpy workshop.

 The model

 Ms. Jane discuss the fundamentals in fashion style

 Ms. Kiss, Ciarra and Ms. Jane (left to right)

 Isa pa tinuruan din kami ni Sir Jaro sa tamang paggamit ng Lightroom at ng Photoshop.


Syempre ika nga nila dapat iapply mo kung anu ang natutunan mo. Kaya ito ang ilan sa mga kuha ko sa actual photoshoot namin.



Photographer : Axl Guinto | MUA : Kristina Jade | Fashion Stylist : Jane Econar 
Model : Ciarra Del Rosario | Location : Green Lense Photo Studio



Photographer : Axl Guinto | MUA : Kisś Mejia | Fashion Stylist : Jane Econar|
 Model : Xu Ai Ming | Location : Green Lense Photo Studio

Sya nga pala yung workshop na ito ay dalawang session May 11 at 18, 2013

Salamat sa mga mentor na nagturo sa fashion + photography workshop, sa mga naging klasmate ko.

So paano, kita-kits na lamang tayo sa susunod, malay mo magkita na tayo sa mga fashion events!

Oh bago ko makalimutan salamat sa Wazzup Pilipinas para sa magandang opurtunidad na binigay nila dahil kung di sila nagpost tungkol sa bagay na ito, malamang ay di ako natutunan ang mga ilan bagay sa mundo ng fashion photography.

Comments

  1. gusto ko din po ng libreng workshop. ^_^

    ReplyDelete
  2. cool photos! Visit my site too! http://www.travelonshoestring.com/2013/05/gondola-ride-at-grand-canal.html

    ReplyDelete
  3. yung pangalawang litrato maraming false attachments tumutusok sya sa subject kapag tinignan mabuti. Pero magagamit yun na texture kapag medyo ma-blur nang kaunti. Yung pangatlong litrato naka-Dutch Tilt pero kapos sa composition axl. Ayus ito boss unang hakbang sa pagpapaunlad ng skills sa sining ng photography. Apir!

    ReplyDelete
  4. wah after showbiz into fashion naman ang journey ng inyong mga lente. cograts axl and more power!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts