Hot Spot : Joey Velunta
Joey Velunta isa sa mga idolo ko pagdating sa pagkuha ng larawan gamit ang konsepto ng monochrome o mas kilala ng karamihan bilang Black and White Shoot. Di ko matandaan isakto kung paano nga ba kami nagkakilala ng personal, ang aking natatandaan lamang ay isa siya sa mga madalas magkomento sa aking blog at lalo sa mga kuhang larawan ko, noong minsan nagkita kasi kadalasang kwentuhan namin ay ang tungkol sa mga tao sa paligid para kuhaan ng mga larawan, bago ko pala makalimutan sya pala ay isang street photography.
At kung mayroon naman pagkakataon napagpapalitan din kami ng mga kuro-kuro tungkol sa mga natutunan namin sa aming mga pinupuntahan na lugar.
So paano hanggang dito na lamang muna ang introduction ko sa kanyan, tara at simulan na natin ang interview sa nag-iisang Joey Velunta.
Full Name and Alias: Lito Rosales/Joey Velunta
Website/Blog: http://litratongjoeyvelunta.blogspot.com
Twitter: twitter.com/joeyvelunta
Location: Las Piñas City
Age: 18 years old with 28 years of experience
Education: Fine Arts Graduate Major in Advertising sa TUP Manila
Genre of your Photography: Parang Street Photography (parang lang)
Tell me about yourself that people don’t know: Marumi lang ako tingnan pero malinis ako magmahal ;). Ngayong araw lang (May 8, 2013) ulit ako nakaranas magshampoo at magsuklay ng buhok simula noong April 14, 2011. Bahagi ito ng aking personal at semi- social experiment.
What is your current state of mind before we continue with the interview? Naku po! Nagdadalawang isip pa ako kung sa Filipino o Inggles ko sasagutin ang mga katanungan dito. At dahil mainit, ayokong lalo pang dudugo ang ilong ko saka baka maubos yung katagu-tago kong Inggles baka may makasalubong akong foreigner d’yan sa labas, paano na lang ako? Kaya sa Filipino na lang. Ayus lang ba?
How did you get started in photography? Nasa elementarya pa lang ako, nahiligan ko na ang kumuha ng larawan. Tuwing graduation kasi nakikita ko yung mga mamå na kumukuha ng larawan ng mga mag-Nanay at mag-Tatay na nasa entablado. Nagustuhan ko yung konsepto na mawawasak ng flash ‘yong emosyon ng mga tao kapag umiilaw na ito. Tapos isang kamag-anak naming mayroong point-and-shoot camera kaya ayun ang pinagpraktisan ko kahit mahal pa yung film.
Did you go to school to study photography? Noong nag-college ako, may subject kami na Darkroom Photography pero dinedma ko lang ‘yon, ang dahilan ko, mababaw lang. Wala akong sariling Camera noong araw. Pero masaya kapag nasa loob ka ng madilim na silid. Yung parang pumikit ka lang, pagkadilat mo may likhang sining ka nang makikita.
Tapos nagworkshop rin ako sa FPPF ng Basic Photography noong 2007 (ang tagal na ‘no?) Tapos nagworkshop pa nang nagworkshop. Sa Dubai nagworkshop ako kay Ross Capili, kay Dustin Sibug (Mindanao based na wedding Photographer) at kay Chris Calumberan (Dubai based) Tapos naging alalay ni Mosh Lafuente na isa din sa mga sikat na litratista ng Dubai ngayon. Pero di ko talaga linya yung portrait, events at wedding dahil nahihirapan ako sa pagtimpla ng ilaw tapos mahiyain ako magpapose at makipag-usap sa mga modelo. Mahina rin ako sa technicalities. Kaya sumuko na ako. Ayun nagbabasa-basa ako sa internet hanggang sa mapadpad ako sa InPublic. Nagandahan kaagad ako sa mga litrato na nasa hanay ng tinatawag nilang Street Photography. Kaya ayun, kapag nalulungkot ako sa ibang bansa iyon ang libangan ko kahit mag-isa lang ako, nagsoshoot ako sa kalye ng Sharjah at Dubai. Noong bumalik ako dito sa Pilipinas puro lansangan, lansangan at lansangan yung kanlungan ko kapag nagsoshoot. Kaya naispan ko ring magworkshop kay Luis Liwanag para maiangat ang antas ng aking kaalaman sa Street Photography.
What camera did you use? Noong nag-aral ako sa FPPF gamit ko noon 20D ng Canon na ipinahiram sa akin ni Bossing. Pero ang unang-una kong camera ay Nikon D80 tapos ngayon may nadagdag na isa Nikon D5000 na galing kay Nyoy Volante. Kaya pinangalan ko itong Nyoy tapos ‘yong D80 ko pinangalanan kong Nyay. ;). Trivia: Ang kapatid ni Nyoy na babae, ang pangalan ay Nyay.
How would you characterize the style of your photography? I love shooting people pero ayoko ng staged. Ang gusto ko ay candid.
Can you share with us some recent images?
And what's the story behind it? Sabi ni Robert Capa “If your pictures aren’t good enough, you’re not close enough.” Pero sabi n’ya lang ‘yon. Sa workshop isa sa mga hamon ang pagkuha ng larawan nang malapitan sa iyong subject. Yung tipong, kung boksingero ang iyong kinukuhanan kaya ka n’yang bigyan ng 1-2 combination. At malas mo kung marunong pa mag muay thai ang iyong subject dahil kaya ka pa n’yang bigyan ng isang leg kick pagkatapos ng 1-2 combination sa sobrang lapit mo. Hanggang ngayon naduduwag pa rin ako minsan kumuha ng malapitan. Natutuwa lang ako sa mga larawang ito dahil ilan ito sa mga na-achieve ko.
Who or what influenced you to become a photographer? Maimpluwensyang bagay ang mga nakikita natin sa araw-araw eh. Yung mga ordinaryong bagay na ating nakikita pero hindi natin madalas pinagtutuunan ng pansin.
How did you become a photographer? Pagmamahal siguro sa sining, dati kasi nagpipinta ako pero may mga eksena akong gustong ipinta, kaya ng utak ko pero hindi kayang gawin ng mga kamay ko. Wala silang coordination kaya sineryoso ko yung pagkuha ng larawan.
And when did your career start as a professional photographer? Last year lang pero ‘di pa naman talaga pro eh. Nangangapa pa rin saka wala pa akong kinikita dito. Pero ngayon sa opisina, maliban sa pagiging graphic designer ako na rin ang nagsoshoot minsan. Pagkakataon ko na rin ‘yon eh. Nakakahiya naman dun sa mga pinagworkshop-an ko kung wala man lang ako ni isang natutunan sa mga itinuturo nila.
How did you go about selling your first photograph? Naku! Ni minsan at kahit ngayon wala ni katiting na andap sa aking hinagap na ibenta yung una kong litrato.
What makes a good photographer in your opinion? Yung respeto sa kapwa tao at ang pagiging malikhain
Do You Have A Favorite Walk Around Lens...If So What Is It? Dati, yung kit lens ko lang 18-135mm kaso sa street photography kailangan ko pa syang i-tape para di ko magamit yung zoom saka masyado na syang pansinin. Ngayon meron akong 28mm. Ito yung madalas kong gamitin.
Which one item of equipment would you say is the most important to you? Viewfinder hindi ng camera kundi ng taong gumagamit ng camera.
What is the most rewarding part of photography? Nakatatanggal ito ng stress
What is your most embarrassing experience as a photographer? Nag-uumpisa pa lang ako noon sa larangan. Yung kaibigan ko sa facebook naitag sa isang litrato. Please hit like, mga ganun. Nagustuhan ko yung litrato. Gustong-gusto ko. May kurot sa puso ko yung larawan. Mga batang nakikipagbuno sa sakit na sa cancer. Yun pala talaga ang adbokasiya ng litratista na ‘yon. Sa sobrang naantig ako at excited na magcomment, sabi ko “ang ganda ng larawan, kahit poverty porn ang tema nakakaantig pa rin ng damdamin”. Saka ko lang naisip na nasagasaan ko yung paniniwala ni Manong. Tapos sinearch ko yung pangalan n’ya, walangya para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sikat pala si Manong. Ang natutunan ko dun sa insidente na ‘yon, huwag padalos-dalos sa sasabihin. Huwag magsalita o magkomento kung nasa estado ka ng labis na kaligayahan o kalungkutan o kung may nararamdamang galit. Sana magkita kami sa totoong buhay dahil hindi ako mahihiyang humingi ng paumanhin sa kanya. Saka mas lalo ko s’yang naiintindihan ngayon dahil sa pananaliksik ko tungkol sa pagdodokyumentaryo.
How photography changed your life? Lalo pa akong nagiging mapagmatyag sa mga nangyayari at mangyayari sa aking paligid. Saka na-appreciate ko na nang husto ang buhay.
I know you been working with some of the famous and influential people
in the country but may I ask whom do you wish/dream to work with and
Why? Syempre yung idol ko, si sir Luis Liwanag at yung barkada nyang si Alex Baluyut. Mga beterano na kasing jurnalista itong mga ‘to eh. Madaming maibabahagi yang mga yan sa katulad ko.
What tips can you give to someone aspiring to be a professional photographer? Huwag masyadong masilaw sa mga bagong labas na camera ngayon. Mag invest sa kaalaman at huwag sa gamit. Imbis na magbasa ka ng features ng bagong labas na camera, magbasa ka nalang ng mga tips kung papaano mapaunlad ang iyong pagiging malikhain. At kung mayroon ka naman nang camera, huwag munang balaking bumili ng bago. Yung perang ipambibili mo, ibabayad mo nalang muna sa workshops o bumili ng libro o pang renta sa internet shop pang research. At huwag na huwag ring isiping madali ang trabaho ng isang photographer.
What are the best tools for a beginner to learn on (besides the camera)? Kahit ano, ‘wag lang Photoshop at Lightroom.
What is your favourite recent image you have shot recently? Can you
describe its creation in regards to location, lighting, composition,
camera settings etc, also your thoughts when creating the image and
what it means to you? Yung last trip ko sa Sagada kasama yung mga myembro ng Land Rover Club, may scene doon na kukuhanan ng litrato yung lahat ng sasakyang kasama. Lahat ng may dalang camera andun sa harap para makakuha ng magandang litrato ng mga sasakyan. Ako nasa likuran nagmamatyag lang tapos napansin ko yung isang kasama namin na nakapameywang at nakaharap dun sa mga sasakyan, ayun kinuhanan ko ng iba’t ibang anggulo. Parang ang kwento, s’ya yung may-ari ng lahat ng Defender na nakahelera at namimili s’ya kung alin ang gagamitin n’ya.
Narito ang exclusive picture mula kay Joey Velunta
What are the pros and cons of being a photographer? Please be specific.
Pros: Ka-rubbing elbows mo na yung mga sikat na litratista na iniidolo mo.
Cons: Lagi kang tatanungin ng mga tao kung taga anong draryo ka. Tapos yung mga kaibigan mong gustong bumili ng camera, ikaw rin ang tatanungin kung ano ang magandang bilihin na camera, Canon o Nikon?
I know you like traveling for shoot or even for chill-out, can tell me
where is the best place to be to do some shoot? And why there? Dati hindi ako naniniwala sa kung sino man ang nagsabi nito eh, na, “hindi mo kailangan pang pumunta sa ibang lugar para lang maghanap ng magagandang tanawin o subject.” Pero totoo pala ‘yon. Paglabas mo palang ng bahay mayroon na kaagad ‘yan eh. Buksan mo lang ‘yang mga mata mo at isipan.
What goal are you working towards within your photography and when
will you know you have reached it? Right exposure at composition. Alam kong nagustuhan ko yung subject o scene kaya ko kinuhanan at kung manghinayang ako dahil na-overexposed o hindi na-composed ng maayos ibig sabihin di ko pa nagawa yung gusto ko. Basic pa rin eh.
What photographic organizations do you belong to? Wide Open Workshop ni Luis Liwanag
Name a photographer you would like to take a portrait of? Si Mosh Lafuente, nakadreadlocks pa kasi yata s’ya.
If you weren't a photographer or a multimedia artist, what would you
want to be? Why? Gusto ko maging isang superhero. Tapos ang kapangyarihan ko ay ang magmahal ng forever. Tapos tatawagin ko ang sarili kong si MAGPAKAILANMAN. Syempre joke lang yan. Gusto ko talagang maging Piloto, noong bata pa ako pangarap ko na ‘yan. Ang sarap nga ng pakiramdam nang lumilipad ang isipan, ano pa kaya kung ikaw na mismo ang nasa kalawakan.
How do you see yourself 20 or 30 yrs from now? Isang mabuting ama at di pa rin sikat na litratista.
What legacy you will leave on? Yung marumi lang tingnan pero malinis magmahal.
Any final mesage? Its your time to shine. Uulitin ko lang, Mag-invest sa kaalaman at huwag sa kagamitan. At huwag kalimutan ang f16 rule.
And may gusto ka bang pasalamatan? Salamat Axl sa paanyaya dito. Maraming salamat din sa mga taong naniniwalang may talento ako sa pagkuha ng larawan, mga dalawa lang sila. At syempre si Lord dahil galing ‘to sa kanya eh.
Magandang araw!
si idol oh..!!
ReplyDeletekuya Joey ano mas magandang bilin na kamera? canon o nikon? hahaha :)
i truly enjoyed this one :D Sana ma-meet ko din sya and see his works of art!
ReplyDeleteuy si Idol joey! kahit sa mga hirit sa pesbuk idol ko yan eh ^_^
ReplyDelete