Ang Timawa
Kabilugan na naman ng buwan, may may panahong napakagandang pagmasdan nito subalit sa gabing ito, may isang bagay na nagsasabi sa akin na may hindi kaaya-ayang magaganap. Marahil ay dulot na rin ito ng madilim na daang aking tinatahak. Ang mga kulisap ay hindi mapakali,animoy may ipinapahiwatig na babala. Habang ako'y nasa kalaliman ng aking pag-iisip isang kakila-kilabot na sigaw mula sa isang bakanteng-lote ang umalingawngaw sa katahimikan ng gabi. Hindi ko alam kung ano ang naganap ngunit naramdaman ko na lamang ang sarili kung tumatakbo papalayo sa isang damuhan na may matataas na talahib.Dahil na rin siguro sa mga naririnig kung balita mula nang maipadala ako ng kagawaran ng aming kumpanya sa lungsod patungo sa kagawaran sa probinsyang ito. Isa umanong maligno ang gumagala sa lugar na ito tuwing bilog ang buwan,ngunit ang mas nakapangingilabot ay ang pagkain nito ng mga bata. Ayon sa isang librong nabasa ko sa isang silid-aklatan ng baryong aking tinutulungan, Timawa ang tawag sa malignong ito,noong umpisa ay hindi ko ito pinapaniwalaan.Ang mga ganitong nilalang ay nabubuhay lamang sa isang kathang-isip na panitikan,subalit sa isang lugar at pagkakataong ito, sila'y mga buhay at tunay na nasaksihan tulad ng mga bayani sa kasaysayan ngunit taliwas nga lang sa mga bayaning nagbibigay ng lakas ng loob at pag-asa, ang mga nilalang na ito ay puro takot at ninagpis lamang ang dulot. Hindi ko na malayang nakarating na pala ako sa aking tinitirhan. Dali-dali akong pumasok ng humahangos at malakas ang kabog ng aking dibdib. Isang matinding uhaw at gutom ang aking naramdaman kung kaya't dumiretso ako sa kusina at hinanap ang aking natitirang kanin at galunggong mula sa almusal. Hindi ko malaman kung saan nanggaling ang isang amoy na biglang umalingasaw sa loob ng bahay kung kaya't di ko na lamang pinansin, inilapag ko na sa mesa ang mga pagkaing kinuha sa kusina at umupo at nagsimulang kumain marahil sa sobrang gutom na rin kung kaya't kahit tira-tira n lamang ang aking kinakain ay sarap na sarap pa rin ko rito.
Subalit isang kahindik-hindik na larawan ang tumambad sa aking harapan,napatingin ako sa salamin na katapat ng aking mesa at nakita ko ang aking sarili na naliligo sa dugo.
Ang hawak kung galunggong ay mistulang laman loob ng isang hayop. Sa aking pagkatakot ay napatakbo ako sa aking silid,saka ko lamang nabatid na dito pala nanggagaling ang masamang amoy at nang papalapit ako sa aparador ay mas tumindiang masangsang na amoy.Ito'y aking binuksan at ako'y napahiyaw ng malakas! Isang batang wakwak ang katawan ang bumulaga sa aking harapan. Dito na unti-unting lumantad ang katotohanan, kabilugan ng buwan........ matinding uhaw at gutom.......mga bangkay sa damuhan.....Kung tama ang aking hinuha, AKO ANG TIMAWA! Ang nakakakot na nilalang na pumapatay sa mga bata!
Patakbo akong lumabas at nagulat ng makita ang mga mamamayan ng baryo na nakapalibot sa aking tirahan.
May dalang matutulis na kahoy at sulo. Isang lalaki ang sumigaw ng "ASWANG! SIYA ANG ASWANG!" at inihagis ang sulo na dala sa aking bahay. Sa isang iglap ay tinupok ang aking tirahang pawid na tila isa lamang marupok at manipis na saranggola. Nagsisunod sila sa paghagis ng sulo sa akin, O Dios! Paano nangyari ito? Hindi ko na lang alam ang mga sumunod na nangyari ngunit sa pagbalik ng aking ulirat,heto ako'y nakatayo, tupok na ang aking tinitirhan, at maraming bangkay ang nakapalibot sa akin. Duguan ako subalit walang anumang sugat,kailangan ko ng lisanin ang lugar na ito,baguhin ang pangalan at humanap ng matutuluyan.
Maaari bang makituloy sa inyo?
Saglit lamang at nariyan na ako.
Wag kang mag-alala, may ilang araw pa naman bago bumilog uli ang buwan.
Pangako...
Bago iyon ay aalis na din ako.
Lahok para sa "Bagsik ng Panitik" contest ng Damuhan
wow my entry ka na rin pare.
ReplyDeletegudluck.
Marami talaga kahindik hindik na pangyayari kapag kabilugan ng buwan.
ReplyDeleteYown... May entry ka na! Ikaw pala ang Aswang sa Damuhan at hindi si Nene...
ReplyDelete@palakanton.. thanks
ReplyDelete@liz.. pude rin.
@mar,, hahah di ako yun ha,, wala akong alam dyan sa gawa ni bino..
wow entry. nice.
ReplyDeleteyikes dont scare me, im alone here haha.
ReplyDeletebut it was nice. i didnt know what a timawa is until I read this post :)
magaling ka palang gumawa ng isang kwento sir.. ako'y iyong napahanga sa akda mong ito.
ReplyDeletemadami na tayo sa patimpalak ni sir bino.
gudlak lahat sa atin :)
salamat sa paglahok finally! lol
ReplyDeletegoodluck on your entry :)
ReplyDeletegoodlucks sa entry.
ReplyDeleteBtw, akala ko naligaw ako sa ibang blog, bagong anyo pla ang bloghouse mo. nakakashocks. :D
magaleng sir... good luck...
ReplyDeletehahaha ako nalang ba ang di pa nakakagawa.. huhuhu wala pa kaong magandang topic.. baka pucho2 na naman ito.. :(
ReplyDeletenice one...
ReplyDeletegudlak sa entry, balato ko sir
@jaid...salamats!
ReplyDelete@carizza... haha di naman nakakatakot ha!
@istambay.. di naman sakto lang goodluck sa atin! maganda rin ang iyong gawa!
@bino... hahaha! alam mo yan!
@msairrapingol.. salamats!
@gelo hahaha... nagulat ba kita!
@antz.. salamats!
@kiko.. gawa ka ba dali!
@pangetdinako.. salamats! sige ba!
goodluck sa entry mo!
ReplyDelete:)
Isang masigabong PALAKPAK
ReplyDeletesa iyong kaaya-ayang panulat.
Sa iyo'y humanga... sa mayabong
na pananalita. Nawa'y mapasaiyo
ang titulo...
PANALO ka na.
Huwag mag-alala.
galing! good luck!
ReplyDeletemedyo natulala ako dun ah... Good write up boss AXL..
ReplyDeleteGaling !
gaya ng sinabi ko.. wag ka pupunta sa bahay namin.. di ka welcome kahit di pa bilog ang buwan.. hahahaha
ReplyDeletenice entry! ^_^
at akoy nagbasa talaga..hahaha..
ReplyDeletegaling naman! akala ko si Corazon na..
at tulad ni AJ hindi ka rin welcome! hehehe...
good one!
goodluck!
wag kang dadaan sa apartment ko ha, ako'y isang matatakuting nilalang kaya pasensya na muna, di kita pwede patuluyin...hehe.
ReplyDeletegaling Axl, good luck sa entry mo. :)
ayyyy, katuwa naman pero creepy ahhihihi....
ReplyDeletengayon lng ata ako nakabasa ng post mo na tagalog ... hehehe
ReplyDeletegaling sir. Goodluck sa iyo..
haha taragis! kasali kapala axl at may tinatago kapa lang ganitong kwento!! ^_^ awwooooO!
ReplyDelete@sir bon.. hahahah salamats!!!
ReplyDeleteNagbasa. Humusga. Minsan kung hindi man madalas merong nakatagong "timawa" sa bawat nilalang. Maganda nag kwento. Good luck sa entry.
ReplyDelete