Toni Gonzaga at Alex Gonzaga nagkahati sa isang lalaki


Toni Gonzaga at Alex Gonzaga nagkahati sa isang lalaki, nangyari na kaya ang ganung bagay sa kanilang dalawa na naging magkaribal sila sa ngalan ng pag-ibig? Ilan lang yan sa mga naging tanung noong naganap na media conference sa kanilang nalalapit na pelikulang "Mary, Marry Me" kung saan makaksama nila ang dating naging kasintahan ni Toni Gonzaga na si Sam Milby.

Ang kwentong ng "Mary, Marry Me" ay isang kwento ng pag-ibig at patungkol sa kapatid kung saan kaya nga ba magpaubaya ng isa sa ngalan ng tunay na pagmamahal.

Nakakatuwa lang na ang dalawang Gonzaga ay nagsama na sa isang big screen na kung saan ay matagal na palang plano ng Star Cinema noong ngunit hindi matuloy-tuloy dahil sa mga ibang kadahilanan nito. Pero ngaun taon na ito ay tuloy tuloy na nga dahil ang TEN17 at  TinCan higit sa lahat ay nakasali pa sila sa MMFF 2018.


Speaking of karibal, hindi naging hadlang ang lalaki sa kanilang dalawang magkapatid sapagkat magkaiba ng tipo ang bawat isa ang gusto ni Toni Gonzaga sa isang lalaki ay malinis tignan, maputi at tahimik. Kay Alex Gonzaga naman ay kabaliktaran nito kaya naman doon pa lamang ay sigurado na sila na walang agawan na manyayari.

Ibinahagi din ni Alex Gonzaga ang patungkol kay Sam Milby kung saan noong una nya itong nakilala ay hindi nya ito binibigyan ng pansin sapagkat dahil nga english spoken daw ito pero habang tumatagal ay naging palagay na ang kanyang loob dito. Mas lalo na noong gumawa gawa sila ng pelikulang ito na "Mary, Marry Me" dahil madalas na niya itong kabiruan at pikunin ng husto, mabuti na nga lang daw ay mahaba ang pasensya ni Sam Milby at sumasakay ito sa mga trip niya.

Narito ang kabuuang video coverage ng nasabing blogcon sa ng "Mary, Marry Me"



Mapapanood ng "Mary, Marry Me" sa darating na Disyembre 25, 2018 sa lahat ng sinehan sa mega manila at kalapit lungsod nito kaya naman wag mong palagpasin ng masayang family bonding moments para sa lahat.

Comments

Popular Posts