Kathniel renewed the endorsment contracts with Shawarma Shack


Muling pumirma ng panibagong kontrata ang isa sa mga mahuhusay na artista ng henerasyon ngaun na sila Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa isang kilala at sikat na Shawarma Food Chain ng Bayan ang "Shawarma Shack" kung saan kasama nina sa pagpirma ng kontrata ang may ari mismo at CEO/President na si Walther Buenavista at ang kanila Bise President na si Patricia Buenavista.

Nakakatuwa lamang na isipin na sa kabila ng mga negatibog nangyayari ay muli pa rin pumirma ang dalawa marahil dahil nakita nilang dalawa ang kahalagahan nito at naniniwala talaga sila sa produkto.

Alam ninyo na ang Shawarma Shack ay nagsimula lamang sa isang simpleng at maliit na tindahan sa magulong palengke ng Divisoria at dahil nga ang kanilang trademark na "bu 1, take 1" ay mas dinumog sila ng kanilang parokyano kumpara sa katulad nilang produkto. Kaya naman di na nakapagtataka pa kung bakit mabilis na tinangkilik ito ng ibang kustomer nito hanggang ngaun. Isa din sa marahil na dahilan nito ay ang kanilang magandang kumbinasyon ng Filipino-Mediterranean Cuisine.

Ayon mismo sa kanilang CEO/President na si Walther Buenavista kung bakit patuloy pa rin nila kinukuha ang Kathniel, "We continue to believe in the strong influence of KathNiel in promoting our product, that is why we never had second thoughts in renewing their endorsement contract with us."

Dagdag pa nya, "Since we acquired Daniel and Kathryn as our endorsers, our franchisees have doubled, we have grown so fast with KathNiel as our partners."

Kaya naman hindi na nakapagtataka pa kung bakit mas parami ng parami ang kanilang mga stall na nakikita sa mga kilalang mga malls at sa ibang mga establishment.

Comments

Popular Posts