Yellow Cab Pizza reveal the 6 explosive flavor of Drum & Thigh


Isa sa sa mga paborito kung pagkain ay ang pizza at syempre isa din sa madalas kung pumuntahan na lugar ang ang Yellow Cab Pizza dahil unang-una naaliw ako sa ganda ng interior nya na tipong classic dining style na industrial ang datingan.

Kaya naman laking tuwa ko ng nagkaroon sila ng bagong menu kung saan sabi nila ay food for the big boys daw marahil dahil sa dala nitong carbs pero bale wala naman sapagkat masarap naman talaga kumain lalo na kung sulit na sulit sa bulsa mo hindi ba?

Kagaya nga ng nasa title ng blog na ito meron 6 na flavor ang drum & thigh ng Yellow Cab Pizza ito ay ang mga Hot chix, Shiracha, Salt and pepper, Korean BBQ, New York BBQ and Garlic Parmesan.


Nakakatuwa lang kasi madami laging pakulo ang Yellow Cab Pizza kumpara sa ibang pizza parlor mula sa World pizza day nguan naman itong food for the big boys and girl. Hindi na ako magtataka pa kung papatok itong bagong menu nila sapagkat yung mga flavors nila ay pasok sa panlasa ng mga pinoy lalong lalo na ang Korean bbq at Shiracha dahil sa masarap na kumbinasyon ng kakaibang spicy nito.


Isa sa mga naging paborito kong flavor ay ang Garlic Parmesan dahil siguro mahilig talaga ako sa lasa ng cheese at hinahanap ito ng panlasa ko tas sinamahan pa ng garlic na good for the health.

Alam naman natin ang pinoy pagpumupunta sa pizza parlor hindi pwede na solo lang sya dapat kamasa ang kanyang minamahal o hindi naman ang kanyang pamilya kaya naman meron silang inooffer na bundless kung saan mas makakatipid ka pa dito.

Katulad na lamang nitong Boom Bundles Php789 kung saan ang nilalaman nito ay 3 orders ng Drum & Thigh with Baked Potato Wedges o Italian Red Rice at isang 1.5L Soda.

O hindi naman kaya kung gusto ninyo na may kasamang pizza kunin ang Boom Bundles Php999 na ang kasama ay 2 orders ng Drum & Thigh with Baked Potato Wedges o Italian Red Rice, 1 10'' Classic Pizza at 1 large pasta.

Kaya naman anu pa nga ba ang hinihintay mo punta ka na sa malapit na Yellow Cab Pizza at tikman ang kanilang bagong explosive menu.

Bago ko makalimutan yung Boom Bundles nila ay nagsimula sa Marso 15 hanggang 30, 2018 lamang kaya dahil bago matapos ang Marso ay natikman mo ang 6 na explosive nila.


Comments

Popular Posts