Wish FM 107.5's Wishcovery 5 Grand Finalists


Mangarap ka na lang ba  o magiging katutuhanan ba? Isa yan sa mga masasabi ko na gusto ko na awitin sapagkat ang lalim ng awitin na yan at ang lawak ng kahulugan.

Syempre sabi nga nila kung meron ka gustong gawin at kung nasa puso mo naman na gawin mo iyon bakit hindi lalo na kung para iyo sa pamilya hindi ba?


Yan ang napatunayan ko habang nakikinig ako sa naganap na media conference ng Wish FM 107.5's Wishcovery 5 Grand Finalists kung saan nagbahagi sila ng kanilang mga pangarap sa buhay at mga dahilan kung bakit nga ba sila sumali sa contest na ito. Ang masaya lamang dito sa mga finalist ng Wish FM 107.5's Wishcovery ay ang ilan sa kanila ay mga first timers lamang sa ganitong uri ng contest kaya naman nakakatuwa kasi kita mo sa kanilang mga mata na gusto talaga nilang manalo.

Biruin mo naman na hindi lamang 2 Million ang makukuha nilang panalo kundi meron pa silang recording contact sa Star Music, house and lot, a brand-new car, a makeover package, and a round-trip ticket to New York plus a two-week extensive musical training.

Hindi ba? Ang masaya pa dito ito lamang ata na singing contest ma umaapaw sa dami ng premyo at kahit sabihin nating hindi naman sila bigatin katulad ng Kapamilya at Kapuso Network ay buhos naman ang suporta ng management sa kanila.


Kaya naman bilang mahilig din sa musika ay dapat naman natin suporta ang mga katulad nila lalo na kung meron naman mga potensyal di ba?

Sino-sino nga ba ang sina Wish FM 107.5's Wishcovery 5 Grand Finalists Carmela Ariola,Hacel Bartolome, Princess Sevillena, Kimberly Baluzo at Louie Anne Culala.

Narito ang ilan sa mga kuhang video na naganap sa media conference ng Wish FM 107.5's Wishcovery 5 Grand Finalists.

Wish FM 107.5's Wishcovery 5 Grand Finalists sing Kay Ganda ng ating Musika

Wish FM 107.5's Wishcovery 5 Grand Finalists share who want to collaborate

Wish FM 107.5's Wishcovery 5 Grand Finalists share the wishes in life

So anu pa nga ba ang iyong hinihintay iboto mo na ang iyong paboritong Wish FM 107.5's Wishcovery 5 Grand Finalists, malay mo panalo sila.

Comments

Popular Posts