Not so ordinary party with United Bloggers Philippines


Not so ordinary party yan ang pamagat ng poste na ito sapagkat hindi ko naman akalain pa na ganun kasaya ang party na ito. Isang piging na puno ng halakhalak, pagalingan at makita mo din ng personal ang ilan sa mga manunulat sa kanilang blog.

Bilang isang simpleng blogger malaking factor ang ganitong salo-salo upang mas makilala mo ng personal lalo na sa mundo ngaun na puro gadgets na lang lagi hindi ba? Isa rin sa factor ay merong kang community kung mas mahahasa mo pa ang iyong sarili sa ilang mga bagay katulad ng pag interview sa mga kilalang personalidad ng hindi mo inaasahan o hindi naman kaya ay makita sa isang telebisyon o maaring gamitin din ang iyong sinulat para labasan sa ilang pahayagan sa dyaryo.

Kaya naman nagpapasalamat ako kasi kabilang din ako sa blogger community na ito na nagbibigay ng importansya sa aming mga manunulat dito sa cyberspace at syempre sa founder nito na si Adea Ang sa pagsasaayos g mga ganitong piging.

Ms. Adae Ang, the founder of UBP
Anu nga ba ang tinutukoy ko na blogger community? Walang iba kundi ang United Bloggers Philippines, kung saan isang samahan ng mga blogger na magbibigay ng kuro-kuro kung minsan o hindi naman kaya kung meron isang produkto na maari namin ireview o pumunta para makita namin mismo. Ayun ang masaya sa isang blogista minsan ang pumunta ka sa isang launching ng produkto para ikaw mismo makita mo kung totoo nga ba ang nilalaman ng produkto na yun. Kasi alam naman natin lahat iba pa rin talaga pag ikaw mismo ang nakakita at naranasan mo, Hindi ba?

Ayun na nga dahil dapat ang piging na ito ay year-end party para sa taong 2017 kaso dahil masyadong maraming ganap ay mas pinili na lamang na gawing tuwing Enero 7 ng taon upang ng sa ganun naman ay mas mahihanda namin at hindi masyadong pagod para sa lahat.

Winners of best in Gatsby Style
Ang naging theme ng piging na ito ay "Gatsby" kung saan lahat ata ng pumunta ay walang pakungdangan sa kanilang mga suot. Kumbaga lahat palaban at mahusay sa pagdala ng mga ito kaya naman hindi na ako magtataka pa kung sa susunod na taon ay madami sasali sa piging na ito.

Syempre hindi naman mangyayari ang ganitong kasayang piging kung walang nagsusuporta at patuloy na nagsusuporta katulad nina Adae's Kitchen, Eggshell, AllianzPNB, Lola Deling Tradition, Restaurant Depot, Tanduay Ph at Shakedown Street Cafe.

So paano hanggang sa muling piging malay mo sa susunod kasama ka na sa masayang tagpuang ito.

Comments

Popular Posts